5

2.3K 86 66
                                    

Kung hindi pa siya tumikhim ay hindi ko mamamalayan na sobrang tagal na pala ng pagkakahawak ko sa kamay niya kaya binitawan ko iyon at inilagay sa aking gilid ang kanang kamay.

"Saan na kayo pagkatapos ng mass, Faith?" Caius asked.

Nagkibit balikat ako saka sinilip sina Mommy sa aking likuran at agad ding ibinalik ang aking tingin sa lalaking nasa harap. Tila ba ayaw ng mga mata kong pakawalan siya.

"Balak sana naming mag pa feeding program sa charity na sinusuportahan ng pamilya namin.." Sagot ko.

"Wow! Ganoon din ang gagawin nina Abuelo ngayon.. Saang charity?" Tanong ni Max sa akin. I am a bit intimidated of him, maybe because of his soft features at ngising parang may gagawing masama palagi.

"Sa Archangels... Just kilometers away from this church," Sagot ko gamit ang maliit na boses.

"Dun din ang pupuntahan nina Abuelo... Maybe we can go with them, Cai?" Ani Max sa aking kaibigan. Tumango tango muli si Cai at bumaling naman kay Gust.

What is this all about? Sasama ba sila? Kung ganoon ay makakasama ko ng matagal si Gust?

"Hindi naman ako busy.. Maybe Mom would let me," Caius said saka humarap sa akin, "Paalis na ba kayo Faith? I'll see you there later!" Aniya at itinuro sina Mommy na papalapit na sa amin,

Tumango ako. Ngumiti naman siya saka ako niyakap.

I'm stunned for a while and caught Gust's stares. Blangko iyon at agad ding nawala nang umiwas siya ng tingin.

Max pat my head. "See you there, Baby Faith!" He chuckled.

My cheeks suddenly heated because of his words! I'm not used to it! Sina mommy at daddy lang ang tumatawag sa akin ng ganoon!

"Baby Faith?! What the f—"

"Caius, watch your words! Nasa loob tayo ng simbahan!" Gust hissed kaya naman napakagat ng kanyang labi si Cai.

"I'm sorry! Kasi itong si Max, anong baby ka dyan?!" Si Caius.

Tumawa at umiling sa kanya ang pinsang tinutukoy, "She's a sister to me, Cai." Ani Max saka ako nginitian.

Doon lang ako nakabawi ng paghinga. I looked at him, I nodded and realized that I can also see him as my kuya. After all, malayo ang age gap namin... Pero magka age sila ni Gust diba?

Sunod kong binalingan ay si Gust na abala na sa kanyang cellphone. Inayos niya ang kanyang glasses at nakakunot ang noo.

If Max intended to be my kuya... Edi si Gust din? Isn't it awkward? Parang incest iyon dahil hindi ko siyang makitang kuya ko... He's my crush!

"Anak? We better get going... Naghihintay na ang mga bata sa charity.." Mom approached us. Napatingin siya sa tatlong naggwapuhang lalaki sa aking harap.

"Kayo pala ang kausap ni Faith... I didn't know you're close to these other two Buenvenidez, Anak?" Magiliw na tanong ni Mommy sa akin.

"Pinakilala ko po sila kay Faith, Tita," Caius shyly said.

Mommy giggled, "Mabuti 'yan! Nang sa ganoon ay magkaroon siya ng mga kuya," She said. Halos mabulunan ako ng sarili kong laway dahil doon! Kuya? Si Gust? Magiging kuya ko? Ayaw ko nga!

"I'll be overwhelmed, Tita Nicolai.." Ani Max habang si Gust ay blankong nakangiti lang.

"I'll be very pleased... Since Faith will possibly take her highschool to your university.. May makakapagbantay sa kanya doon!" Ani Mommy.

Namilog ang aking mga mata. Mommy just gave me an idea! Oo nga at pupwedeng sa school na ako nina Gust maghighschool para nang sa ganoon ay makita ko na siya ng mas madalas!

spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon