Tinitigan ko lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko dahil kay Mommy na papalapit na sa table namin.
Binati siya ni Ate Tana, ganoon rin naman si Mommy saka siya lumapit sa gitna namin ni Ate Tana.
"You seem having fun here, Faith... Gusto mo bang magpaiwan muna? May meeting kasi ang daddy mo at sasamahan ko," She said.
Nagkibit balikat ako. Something on my mind is telling me to go with my mom so I can go out of the venue and search for Gust's whereabouts, ngunit may parte ding gusto kong manatili dito dahil baka bumalik kaagad si Gust.
But then, before I could even decide, namataan ko na si Gust na nakangiti at naglalakad pabalik sa tabi ni Max.
"Dude, ang panget mong lover boy! You look sick!" Utas ni Max sa kanya. Inilingan niya lang iyon. Akala ko'y uupo siya ngunit nanatili siyang nakatayo bago bumaling kay Ate Tana.
"Ate, alis na 'ko. Mica's waiting for me," Sabi niya. Sino si Mica?
Parang dininig ang tanong ko, agad namang sinagot iyon ni Ate Tana.
"Okay! Enjoy your date with your girlfriend!" Ani Ate Tana saka kumaway kay Gust na unti unti nang lumalayo sa aming mesa.
Mommy silently watched them saka tumingin sa akin at naghihintay ng sagot ko. I sighed a bit. I don't have any reason to stay. Wala na si Gust sa table.
"Sama na ako, My." Ani ko. Humarap ako kay Cai at nagpaalam na sa kanya. Pati kay Max ay ganoon din.
"Bye, Baby Faith! Hang out soon!" He smiled at me and waved his hands. Ganoon din ang ginawa ko.
"Punta ka kina Cai minsan. We're always there," Sabi naman ni Ate Tana.
"Yes, ate.. I'll probably visit there so we could hang out!" Maligaya kong sabi sa kanya bago magpaalam ng tuluyan.
I suddenly became excited about our bonding soon! Bukod sa nagkaroon ako ng instant ate at kuya, mas magiging masaya ang weekends ko kapag nagkataon.
I might see Gust often. I hope.
But the world doesn't favor my young heart. Unlike what I expected to happen, madalang pa sa madalang na makita ko si Gust. Madalas, si Max lang at Cai ang nakakasama ko kaya sila ang labis kong naging close.
Of course, Rich's crush-life began to bloom, somehow. Dahil kaibigan namin siya ni Cai, nakakasama niya din si Max. At ang dakila kong kaibigan, mataas ang confidence.
"What's so funny?" Max chuckled habang nag sstrum ng gitara sa studio ni Cai.
Umiling iling si Rich. Ang kanyang natural na mapupulang pisngi ay lalong pumula ngayon nang nagsimulang kumanta si Max.
He said he suck at singing but he is actually gifted with a nice, cold voice! At iyon ang naging dahilan para lalong maging crush siya ni Rich.
"W-wala... Ang galing mong k-kumanta... L-lalo kitang nagiging crush..." Nanginginig ang boses ni Rich nang sinabi niya iyon. Nagkatinginan naman kami ni Cai.
Cai just shrugged while my eyeballs almost fell off the floor! Richela nust confessed her feelings in front of her crush?!
"O-Oh... Thank you," Max smirked. Mapaglaro ang kanyang ngisi.
Nakangiti at halos maestatwa doon si Rich. Napailing nalang ako sa kanya. Well, hindi naman siguro siya aasa doon dahil malinaw sa aming utak na may girlfriend din si Max.
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
General FictionAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...