Bumalik na ako sa classroom pagkatapos noon. Balisa ako at wala sa sarili hanggang sa matapos ang panghapon na klase. Madaming pumapasok sa isip ko sa isang katagang sinabi ni Drew, isabay pa doon ang pagiging busy sa school. Buong oras ding wala akong natanggap na text mula kay Gust. Inisip ko nalang na baka nga busy sila sa practice.
"Sabay ba kayo ni Gust papunta sa gig mamaya?" Caius asked when he saw me fixing my things.
Nagkibit balikat ako, "Hindi.." Natigilan siya sa sagot ko, "Baka magpahatid ako kay Kuya Luis.."
Kumunot ang noo niya, "Bakit hindi?" He's asking like he's used to seeing us together.
"Wala naman siyang sinabi eh.." Sagot ko saka dinampot na ang bag at ang sweatshirt na dala ko.
Sinabayan ako ni Caius palabas ng school. Natanaw ko na roon si Kuya Luis na naghihintay para sunduin ako. Wala ni anino ni Gust ang nagpakita. Maybe he's mad at me? Iniwan niya ako pagkatapos ng usap namin, sinabi niya ding sa gig na kami ni Caius magkita kaya siguro wala siya dito ngayon.
Caius walked me on our car, ilang metro pa ang layo ay sumulpot na ang isa niyang pinsan na nasa kanyang uniporme padin ngayon. Making him stand out in our school premises.
"Nakita niyo si Gust?" Bungad ni Max sa amin. Umiling kaagad ako.
Napagtanto kong hindi pa siguro lumalabas si Gust ngayon dahil maging sa amin ay hinahanap siya ni Max, so where is he?
"Nasa iisang school kayo bakit hindi niyo siya nakita?" Kunot noo at inosente niyang tanong.
Suminghap si Caius at sinamaan ng tingin si Max. Bumaling naman si Max sa akin, he pouted a bit before speaking, "Ikaw din Faith? Hindi mo din nakita?" Umiling ulit ako, nanatiling tahimik. "Bakit hindi? Palagi kayong magkasama diba?"
I inhaled and pursed my lips. Ang daming tanong ng lalaking 'to. "Nagkita lang kami kaninang lunch, pagkatapos noon ay hindi ko na siya nakita," Malamig kong sambit.
"Oh!" Max chuckled in an awkward tone. Nanliit ang mga mata ko sa kanya pero hindi niya na ata napansin iyon.
"Una na ako, ha? See you later, Cai!" I said and kissed Caius' cheeks like I am used to. Pagkatapos ay niyakap ko din si Max saka nagpaalam na.
I changed my clothes and ate an early dinner. Alas siete ng gabi ang simula ng gig nina Caius kaya naman may sapat na oras pa ako para magayos. Hours later, wala pading message si Gust kaya nagpahatid na ako kay Kuya Luis sa venue.
At dahil kilala ako ng mga staff doon, pinadiretso na nila ako sa VIP area. Agad naman akong nakita nina Ate Sien doon. Nagkaroon lang ng saglit na batian at kamustahan bago nagsimula ang mga performances of the special guests.
Medyo nagtaka pa ang tatlong babaeng Buenvenidez kung bakit hindi ko kasama si Gust. Nasanay na kasi silang magkasama kami, katulad ni Cai, inaasahan din nilang kasabay ko papunta si Gust dito. Kaya naman sinabi ko nalang na baka si Max ang kasabay niya kahit hindi ako sigurado kung saang lupalop siya nagpunta.
"Where the hell is my brother?!" Utas ni Ate Tana nang makarating si Max at hindi padin kasama si Gust.
"Probably with her girlfriend? Just like the old times?" Kumunot ang noo ko sa sinagot ni Max pagkaupo niya sa tabi ko.
"Girlfriend?" I stuttered, almost whispering.
Humalakhak siya saka ginulo ang buhok ko, "Joke lang!"
Tinaasan ko siya ng kilay saka nagiwas nalang ng tingin. Hindi na din ako umimik kahit pa bahagya nilang pinagusapan 'yon. Pinagtatalunan pa nila kung sino ang maaaring girlfriend ni Gust. They drop names, familiar names of girls who are known in the campus. Quite calming because I never heard my name. Of course, who would think of me as his girlfriend? Ang bata ko pa! Baby ang tingin nila sa akin, nakakabatang kapatid.
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
General FictionAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...