Indeed, as expected, my first ever collection campaign became the talk of the century. Nang kumalat ang balita na ako ang makakasama ni Mommy para sa shoot na 'yon, madami na kaagad ang nag-abot ng request at contract sa management ni Mommy, asking if I can model and endorse their collections too.
Of course, everyone is surprised. That was my first debut in showbiz dahil noong bata ako, ni kailanman, hindi ako pumayag na magkaroon ng kahit anong photoshoot o connection sa showbiz, ngayon palang talaga dahil humingi ng pabor si Mommy sa akin.
Nang abutan ko ang sitwasyon sa station, tila ba handa na ang lahat para sa aking pagdating. Everyone welcomed me, some were still shocked and surprised but all else is happy because I did them a favor.
"Faith! Halika na sa fitting room! Naroon na ang glam team!" Ate Hani approached me excitingly.
"Kasama ko si Mommy sa room?" I asked as we walked inside, almost ignoring everyone who's applauding for my arrival.
"Nasa studio na.." I nodded.
Pagkarating sa loob ay agad na akong pinaupo sa isang stool at madali nila akong inayusan. Two stylist for my hair, and Ate Hani as my make up artist.
Habang inaayusan ay binigyan ako ng kaunting briefing ng director at producer ng campain na ito. It is an autumn-themed collection since autumn is approaching. Kaya more on winter outfits, na may color scheme na naaayon sa upcoming season.
Mommy entered and smiled widely at me, kita ko ang pagaalinlangan sa ngiting iyon at takot na nagbabadya dahil alam niyang hindi ito pabor sa akin.
She examined my outfit. Her eyes drifted from my face down to my mustard turtle neck long sleeves, to my high waist elephant pants and last to my mid-high brown boots.
"Perfect!" Palakpak ng isa pang staff habang inaayos ang curls ng aking buhok.
Ilang saglit pa ay iginiya na nila ako sa studio, quite nervous but I maintained my confidence. Alam kong kailangan propesyunal sa mga ganito at hindi uso ang mababait na staffs at producer kaya laking pagtataka ko na natapos ang shoot na wala manlang akong natanggap na panget na salita.
I don't know if they're just afraid that I might back out anytime, or I just really did well. I hope it's the latter.
"No, Tita." Simpleng sagot ko nang tanungin ako ni Tita Annie tungkol sa isang endorsement, ilang araw matapos ang shoot.
"Faith.. One more!" Paglalambing niya sa akin.
"I'm done with the favor. Maraming mas magaling sa akin, Tita. Iyong willing at gusto, or you can provide another screening." Ani ko at nagpatuloy na sa pagbabasa ng marketing book ko sa harap niya. Talagang dinayo pa ako ng mga boss ni Mommy hanggang sa bahay.
"They are one of the biggest company locally, they won't settle for the second's best, Faith. Ikaw ang gusto nila dahil naging successful ang campaign natin sa international company na 'yon." Anang Ate Beth, ang assistant ni Mommy.
Talagang naging successful 'yon. I heard the campaign earned millions in dollars, isa sa pinakamataas na sales sa kanilang history. And I wasn't expecting my cards to reach 9 digits, that means I really earned a lot from that one campaign.
This field and career could really help me make my own money, but still.. I can't see my passion for pursuing this field.
"My decision is final. Mas gusto ko po munang magfocus sa pagaaral ko.." Magalang kong pag-iling sa kanilang suhestyon.
Hindi padin natapos doon ang pagtatanong nila sa akin, nakailang ulit pa ngunit hindi ko na talaga pinagbigyan ang kahit ano.
Totoo din ang sinabi kong magfofocus muna ako sa pag-aaral. My program isn't too hard and stressing, unlike Richela's. Flagship ang kanyang course sa university na pinasukan niya kaya matinding pressure ang buhat buhat niya.
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
General FictionAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...