35

2.3K 77 282
                                    

"It's a long way drive, you can still sleep.." He glanced at me when he caught me yawning while he's driving.

Paputok palang ang araw nang nagpasya kaming umalis sa Maynila patungo sa Batangas kung saan ikakasal si Deonne at Aeola. I couldn't get enough sleep because of what had happened last night!

"I'll stay awake. Ayokong antukin ka sa byahe," Sabi ko sa kanya at tiningnan din siya. Tumango lang naman siya sa akin at diretso nang tumingin sa daan.

Nanatili ang tingin ko sa kanya. We're already wearing our suit and gown and I am so amazed of his looks. Bagay na bagay sa kanya ang puting longsleeves na suot niya.

He also looked clean with his brushed up and clean cut hair, medyo nakakunot ang noo niya habang nag ddrive at normal na naka pout ang mapupulang labi, nagtagal doon ang tingin ko.

I can't name what happened last night. Masyado padin akong nasa state of shock at hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang kasama ko na siya.

Napatingin tuloy ako bigla sa kamay ko at nakita ang singsing doon.

And we're engaged! Just like that!

I am engaged with my childhood crush!

Itinaas ko pa ang kamay ko at tiningnan ang singsing na nakasuot doon, lalong pansinin dahil sa royal blue na nail polish ko na siya mismo ang naglagay kagabi.

It was the reason too while we weren't able to get enough sleep.

Nang matapos kami kumain, inabutan niya ako na naglalagay ng nail polish sa kamay. Hindi ko na napagawa ang kuko ko dahil masyadong clouded ang utak ko noong nakaraan.

The door opened and he entered my room, nasa guest room ako, at dito niya din nilagay ang mga gamit ko nang dumating kami.

"Anong ginagawa mo?" He asked and walked towards me.

Nakaupo ako sa harap ng vanity table habang patuloy na kinukulayan ang kuko. Dinungaw niya ako saglit at sumandal sa vanity table. Ingat na ingat na hindi ako magagalaw.

"Ako na," Aniya bigla.

Napatigil ako at napatingin sa kanya. Nilahad naman niya ang palad niya sa akin.

"Marunong ka?" I asked.

"Wala ka padin bang tiwala sa akin?" Natatawa niyang tanong.

Suminghap ako sa kanya at umiling saka binitawan ang bote ng nail polish. Natawa lang siya at kinuha 'yon saka umupo sa kama.

"Come here," He tapped the bed. Sumunod naman ako at umupo sa tabi niya saka nilahad ang kamay ko.

He silently put colors on my nails. Pinapanood ko lang siya na seryosong seryoso sa ginagawa. He would stop and put my hands up to look at it, saka magpapatuloy kapag natuwa sa sariling gawa.

He put it perfectly. Alam niya pa na kailangan ng clear coat doon. Kaya siya na ang kumuha noon sa gamit ko.

"Bakit marunong ka? Nagkagirlfriend ka ba nung wala ako?" Tanong ko sa kanya habang hinahanap niya sa bag ko ang clear coat.

He chuckled and shook his head, "May mga pinsan akong babae at may kapatid akong babae. Tana would always asked me to help her."

"Hindi ka nagkagirlfriend noong wala ako?" Takang tanong ko.

Umiling siya ulit, "I don't cheat."

"Single ka naman noong umalis ako.." Ani ko.

Sumimangot siya sa akin at umupo na sa harap ko saka kinuha ang kamay ko.

spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon