38

2.2K 87 434
                                    

"Ano ba kayo! Hindi kayo pwedeng magkita ngayong gabi!" Sita ni Manang Linda sa akin nang naabutan niya akong kausap si Gust sa cellphone.

"Nagpabili lang naman po ako ng ice cream, eh," nakasimangot kong sagot sa kanya saka binaba ang tawag.

"Bawal kayong magkita bago ang kasal ninyo! Naku! Mga kabataan ngayon!" Saway niya sa akin habang naghihilot ng sentido.

"Iaabot lang daw po niya sakin, tapos uuwi na siya!" Hirit ko pa.

Umiling siya sa akin, "Hindi!" pinal na sagot niya daka nagtawag ng ibang kasambahay, "Ineng, ikaw na nga ang mag abang kay Sir. Augustine niyo at may ipapabigay kay Faith!" Aniya saka ako hinarap ulit.

Inintay ko naman siyang magsalita, nagulat ako nang ilahad niya ang kamay niya.

"Akin na pati ang cellphone mo, bawal kayong magusap!"

"Luh, manang! Sobra na 'yan!" Agap ko.

Narinig ko naman ang tawa ni Mommy galing sa kusina, nakita ko siyang naglalakad na papalapit sa amin, "Hayaan mo na, Faith.. Wala namang masama sa sumunod.. Just text him and tell him these supersititions,"

"My!" Kunot noo kong pigil sa kanya.

"Isang gabi lang namang hindi mag-uusap, pagkatapos naman ng araw na 'to ay magkasama na kayo araw araw!" Singit ni Manang.

"Fine, okay! Wait lang po!"

Suminghap nalang ako saka umakyat sa kwarto para tawagan si Gust. Mabuti nalang at sinagot niya kaagad.

"Hmm? I'm still on the line for your ice cream.." Bungad niya sa akin.

Nahiga naman ako sa kama, "Bawal daw kitang makita. Pinapagalitan nila ako dito!" Sumbong ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang linya.

"I understand.." He chuckled, "See you tomorrow, then?" Aniya. Napanguso naman ako at tumango nalang.

"Okay.. See you.." Sabi ko at nagbuntong hininga.

"I love you.. Go to sleep now.. we have a big day tomorrow.." He sighed.

Ramdam ko sa boses niya ang ngiti niya. Mas lalo ko lang siyang namiss.

"Okay, goodnight..."

"This is your last night as a Cuerva.. Goodnight, Ms.."

Hindi ko napigilang ngumiti dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matutuwa sa nararamdaman ko. Halong kaba at saya ang namumutawi sa puso ko.

I still couldn't believe I'm finally getting married tomorrow! Hindi ko na nga namalayan ang mga araw na lumipas, at lalong hindi din ako makapaniwala na bukas na ang araw na pinakahihintay ko.

Maybe because we were too busy that's why I haven't felt the days coming fast. Isa pa ay marami na talaga kaming inasikaso pagbalik namin sa Manila, galing sa mahabang bakasyon.

Just like what was planned, we spent the whole three weeks in Batanes, pagkatapos noon ay dumiretso kami sa U.S para bisitahin ang bahay. Halos isang buwan din kaming wala sa Manila kaya pag balik ay tambak ang inasikaso.

We also started planning out the wedding as soon as we came back. Iyon ang una kong inasikaso habang si Gust naman ay pinagtuunan ang trabaho dahil sa mga bagong pasok na accounts.

At sa tuwing wala naman siyang trabaho ay saka niya ako tinutulungan. From the venue to our guests, ay naging hands on kaming dalawa. Lalo pa't kilala ang pamilya namin ni Gust sa industriya, marami ding cinonsider.

spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon