I didn't know it would hurt like this.
Realizing that I would still hurt him in any possible way. Kahit ano mang gawin ko, sabihin ko man sa kanya o hindi, patigilin man siya o hindi, masakit padin pala.
I did tried. Sinubukan kong buksan ang puso ko para kay Drew. Sinubukan kong ibaling sa kanya ang buong atensyon ko. I liked him, alright. Pero hindi padin naging sapat iyon para mahigitan ang pagtingin ko kay Gust. No matter what I try, what I choose to look and what I choose to feel, doon at doon padin uuwi ang nararamdaman ko.
I would still long for something that is out of my hand, and I would still ignore what was given to me.
Umihip ang hangin sa rooftop ng building ng station. Pagkatapos ng pakikipagusap ko kay Drew, saktong tumawag si Mommy at pinapadiretso ako sa station. Aniya'y walang tao sa bahay at may dinner kaming pupuntahan mamayang gabi.
I wiped my tears and breathe out. Pinanood ko nalang ang nasa harap ko. The sun is setting and the city lights are evident. Unti unting napupuno ang highway ng mga sasakyan, at unti unti na ding lumalakas ang hangin.
"Lumalamig na. Your skirt is too short, Faith." Isang baritonong boses ang narinig ko mula sa likod ko. Hinarap ko iyon at nakita si Gust na nakatayo hindi kalayuan sa akin.
Still in his uniform but with his loose tie and his coat in his arms, lumakad siya papunta sa akin. Hindi ko mawari ang nasa utak niya. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya.
"Why are you here?" I blankly asked. Bakit nga siya nandito? At paano niya nalamang nandito ako?
Nagkibit balikat lang siya saka ipinatong sa akin ang kanyang coat nang makalapit. Nagwala na naman ang puso ko pero mas nanaig ang lungkot na nararamdaman ko. I must be too numb because I don't really feel okay.
"Bababa na ako mamaya. Mauna ka na," Sabi ko saka tumalikod at ibinalik ang mga mata sa panonood sa mga sasakyang lumalampas sa kahabaan ng EDSA.
Ni hindi na ako nakapagpasalamat sa pagpapahiram ng coat niya. It was helpful though, hindi na gaanong nanunuot sa balat ko ang lamig.
I breathe heavily. Ano ba ang nangyayaring 'to? Maybe I'm really affected because of Drew.. Pero tama lang naman ang ginawa ko hindi ba? I asked him to stop because I like someone else.
Naramdaman ko ang paglakad niya patungo sa akin. He stopped beside me saka itinuon ang kanyang braso sa railings ng rooftop. Huminga siya ng malalim, pinipigilan ang sarili na magsalita. I can also sense that his eyes are on the sky in front of us.
"I'll wait 'til you're okay." Aniya.
Huminga ako ng malalim saka bumaling sa kanya, "I'm okay.." Sagot ko. Suminghap lang siya kaya nagsalita akong muli. "Bakit ka nandito?"
"Your mom said you're just roaming around the building. Hinanap kita," Sagot niya.
Napakurap ako at napatingin sa kanya, our eyes met and I can feel my hands trembling again. Hinanap niya ako?
"I mean, dito sa station.. Bakit ka nandito?" I don't know why I sound so cold yet I can feel my chest heats and my face burning red.
Tanging siya lang talaga ang makakapagparamdam ng ganito sakin. The warmth he can give my heart made it beating hard. Nagwawala ang puso ko sa tuwing nasa harap ko siya, tila ba sa pagwawalang iyon, lalo lang akong mahuhulog sa kanya.
"Sinundan kita pagkaalis mo sa school,"
"Sinundan?" Tumango lang siya.
"I was in the parking lot. I was waiting for you then I saw you running and crying your way to your car." He explained nonchantly.
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
General FictionAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...