I keep myself busy on the following days, from the adjustment period up to the daily lives in this big university, mahirap magadjust, mahirap magstart sa classroom but I guess, highschool isn't bad after all. Siguro dahil na din kay Caius at Rich pati na din sa kakaibang environment na ginagalawan ko ngayon.
This is more freeing. We can go to the mall after class, we can hang out on the field and roof decks, we can study in a wider library and meddle with different people. Hindi katulad noong elementary na iilan lang ang naging kaibigan ko dahil sa society status namin.
Breaktime namin ngayon, magkakasama lang kaming tatlo sa isang kiosk na medyo malapit na sa botanical garden. Ito kasi ang pinaka refreshing na part ng school. Maraming puno, hindi gaanong mainit at tahimik.
"Konti nalang talaga, iaassume ko na na kaya palaging nandito ang pinsan mo ay dahil sa akin!" Rich giggled upon seeing Max walking towards us.
Kahit ata halos araw araw na siyang pumupunta dito, paulit ulit padin ang scenario ng mga nababaling leeg kakatingin sa kanya. I always wonder how confident he is to enter this premises. Agaw pansin ang kakaibang uniform niya dahil hindi naman siya dito pumapasok. Though, he has the privilege since he's a proud Buenvenidez.
"Oh, dream on Richela! May girlfriend siya ngayon," Caius lazily uttered saka pinaglaruan ang kanyang drumstick.
I sighed at the thought. Last year lang, Max is happily inlove with his ex-girlfriend.. Ngayon, he's not serious anymore. Matapos ang break-up nila bago tumungtong ng Grade 10 si Max, patong patong na ang balita sa mga nagiging babae niya.
Of course, Rich have the list.
Rich sighed and crumpled the poor tissue on our table, "Na naman? Last week lang single siya ha? Who's the lucky bitchy-freak of my future husband, Caius?!"
Pinigilan ko ang tawa ko dahil sa matinis na tono ng boses ni Rich. Napailing nalang ako dahil sa kanyang delusional mind, hindi ko na alam kung normal pa ba itong nararamdaman niya.
"This is stressing me out! Sino ang babae niya?! Iyong nasa kabilang section ba? Iyong anak ng teacher? O yung morena? O baka yung kaibigan ni Gust! Sino?!"
Kita ko ang pagsimangot ng mukha roon ni Caius, "How can you perfectly memorize the details of his girls and can't memorize a single formula in math?"
Binatukan siya ni Rich, nanatili lang akong tahimik na pinapanood sila. Hindi na talata ata sila magkakasundo.
"Ikaw, panira ka! Hindi ka nalang maging supportive!" Singhal ni Rich.
"I don't like you get driven by those. Pangit sa babae ang ganyan," Caius said with his piercing eyes staring straight at Richela.
"Whatever!" Sigaw ni Rich sa kanya saka binalingan ang kakarating lang na si Max sa kiosk kung nasaan kami ngayon.
He approached me first and gave me a quick hug, while she pat Rich's head. Natawa doon si Caius pero agad ding umiling na para bang ayaw ipaalam ang dahilan ng kanyang pagtawa.
"Abuelo's not around," Caius said, ang kaninang iritang mukha ay napalitan na ng kanyang pagkasuplado.
Umupo si Max sa tabi ni Rich. I can see her cheeks turned red. Inayos niya ang kanyang buhok at nilagay iyon sa likod ng kanyang kanang tainga.
"Yeah, I know. I came here for Gust. May lakad kami ngayon eh. Have you seen him?" Tanong ni Max. Nagkibit balikat kaagad ako kahit alam kong nasa Pavilion sila ngayon.
Not to be defensive but I don't want to sound like I know his whereabouts. Alam ko ang kanyang schedule dahil nakapaskil iyon sa bulletin board. I memorized it on purpose so when we have the same building, I can prepare myself.
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
General FictionAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...