6969 Corporation

1K 18 2
                                    

Napatigil ako sa pagmo-mop nang mahinang tapikin ni Sally ang balikat ko. Her dark eyes met mine. Sally Taylor was one of my friends after I moved to this city alone. She was the one who helped me to get different part-time jobs and to survive in this town. Siya rin ang nagpapasok sa akin dito sa maliit na bar.

"Over time again?" Bakas sa kaniyang boses ang pag-aalala.

"Patapos na ko rito." Isinabit ko ang takas na hibla sa likod ng tainga ko. I gave her a reassuring smile.

"Napaka-workaholic mo talaga. Nga pala--" She paused, pulling out something from her coat. May pinakita siya sa akin. A small silver card.

"Here. Someone told me na naghahanap sila ng mga agent for their corporation. Malay mo," she said.

Agad ko iyong tinanggap. "Salamat, pupuntuhan ko 'to bukas." I smiled.

Nagpaalam na si Sally kaya nagpatuloy na ako sa paglilinis.

Kanina pa natapos ang duty ko pero dahil kulang sa tao ang bar na ito ay hindi ko na pinalagpas pa. Sayang din kasi, pera na rin iyon.

Napatingin ako sa kabuohan ng bar. Makintab na ang sahig at maayos na ring nakatumba sa ibabaw ng mesa ang mga upuan.

Hindi naman masyadong malaki ang bar na 'to, kung totoosin ay matumal lang ang mga nagpupunta sa lugar na 'to, kaya hindi rin gaano gano'n kalaki ang sahod. Pero ayos na rin iyon kay sa naman wala.

Inalis ko na ang suot ko na apron nang matapos na ko, pero agad din akong nagulanta ng biglang tumunog ang cell phone ko. I pressed my lips as I saw my mother's name registered. Inayos ko na muna ang magulo kong buhok at pinusod sa magulo na bun, bago sinagot ang tawag niya.

"Ma? Napatawag kayo?" Pilit kong pinasigla ang boses ko kahit sobrang pagod na ang buo kong katawan. I worked for 10 hours at wala pa akong pahinga.

Every time my mom calls this late, I have the feeling that it is BAD news. But I am still hoping it's not. Nevertheless, I don't need to associate bad vibes.

I crease my forehead as I hear her sobbing over the phone.

"Jas, nak." She started with a sob.

Halos sumabog ang puso ko sa inakto ng mama ko. Pakiramdam ko'y nagising ako bigla sa bawat hikbi niya.

This is new.

I often hear my mom's voice with a trace of braveness. Never in my life have I heard her cry nor seen her weak side. This is bad.

Hindi na 'ko mapakali. Ang sabi niya kanina stable na raw ang lagay ni papa. Nabanggit niya kasing kaninang umaga na kailangan nilang isugod si papa dahil sa sakit nitong high blood.

Oh! Heavenly grace! Huwag naman sana!

"Si Stacy..." nanginginig niyang panimula.

"B-bakit? Anong meroon?" I asked, a little annoyed. Pero hindi mawala sa dibdib ko ang pag-aalala.

Stacy is my older sister. She's 3 years older than me. Dalawa lang kaming magkakapatid pero hindi kami gano'n ka close. I mean never kami naging close. We had opposite attitudes and I don't know what is the point sa pagpa-aaral nila mama kay Stacy, lagi naman pagbubulakbol at pagbabarkada ang inaatupag niya.

"Na-kidnap ang kapatid mo, 'nak. At nanghihingi ang mga kidnappers ng 100 million... Jas, anak ano na gagawin natin?" Tuluyan na ngang umiyak si mama sa kabilang linya na nagpasikip ng dibdib ko.

Napasandal ako't dahan-dahan dumaosdos paupo. Napasambunot ako sa sarili kong buhok habang iniisip kung saan kukuha ng ganoong kalaking halaga? Napatakip ako sa bibig ko ng unti-unting magsilaglagan ang mga luha ko.

6969 CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon