chapter 15

2K 52 6
                                    

NAKAngiting Grace ang nabungaran nila, ngunit nang masilayan ang dalaga ay bigla itong napahinto at gulat ang mga matang napatitig kay Glaxy.

Maging ang asawa na nasa likuran ay nagulat din.

"Glaxy? Hija... I-ikaw ba 'yan? " dahan dahan din itong naglakad,her reaction is so unreal.

Tumango si Glaxy,at inilang hakbang ang pagitan nila upang mayakap ang butihing ina ng lalaking pinakamamahal. "Tita,,," aniya. Napapaluha na rin siya sa isiping naghihintay din pala ang mag-asawang Montejero sa kanya.
Yumakap din siya sa kanyang tito Zymon,bakas dito ang kasiyahan at matang nagtutubig.

"we are glad that your back. " si Zymon.

"We missed you so much Hija, ang buong akala namin ay---" Si Grace na hindi na lamang itinuloy ang nais sabihin. Magkatabi silang nakaupo sa isang sofa sa loob ng kwarto ni Brix.

She's in the middle of these two old lady's, while Zymon was on the other side.

"I miss you both rin po tita.. Kahit nasa malayo ako. Hindi ko kayo kinalimutan. " wika niyang naluluha na naman.

"We had a lot of questions needs an answers from you, pero nasa sa'yo pa rin ang disisyon kong sasabihin mo sa amin ang lahat. " ang tita Grace niya.
"I love you as my daughter Glaxy, and i am really concern about you. I can't contain my worries of how you been doing sa mga panahong nag iisa ka lang. " at muli siyang niyakap nito.

She is very lucky to have her, masyado siyang mahal nito na labis din naman niyang ikinatuwa. At mahal na mahal din niya ang tita Grace niya. "I love you so much tita. " hinalikan ni Glaxy si Grace sa noo.

"I get jealous now." si Villa na kahit joke lang. Alam naman kasi nito kong gaano kamahal ni Grace ang kanyang anak.

Nagtawanan na lamang sila nang biglang gumalaw si Brix. Agad silang nagsitayuan, at lumapit sa kamang hinihigaan nito. "Daddy? " she hold his hands and kissed them with so much affections. Today, her eyes is full of tears and that's because of the tears of joy.

Until Brix finally opened his eyes and see those people around him. Nahagip agad ng mga mata nito ang anak na matagal ng hinintay na bumalik.
"My daughter? " sa mahinang boses, he shed his tears while staring and touching her beautiful face.

Hindi na nakatiis ang dalaga at agad niyang niyakap si Brix. "Daddy. I miss you so much. "habang yakap yakap ito,sobrang higpit at humagulhol na rin siya.

Maging ang ama ay napahagulhol,humigpit lalo ang yakap ni Brix sa anak. "You can't leave us again anak.Hindi na ako papayag na umalis ka pa. " anang ama na umiiyak.

Ang tatlong nakasaksi ay hindi mapigilan ang huwag mapaiyak.. Sumali na rin sa yakapan si Villa sa kanyang mag ama.
Si Grace at Zymon ay pareho din niyakap ang isa't-isa, masaya sila na muli na namang naging buo ang pamilya Laurel.

"Pare, kailangan mo ng magpalakas, aba,...ang tagal tagal mo ng nakahiga diyan. Hindi ka pa ba napapagod? " si Zymon na biniro ang matalik na kaibigan at natatawa.

Napatawa rin si Brix. "I think,im going home now pare,okay na ako. " akmang tatayo ito ng pigilan ni Glaxy.

"Dad, let that tomorrow, kailangan ka pang tingnan ng doctor. " at biglang pinindot ang red button.
Nakalimutan tuloy nilang tumawag ng doctor.

Habang tinitingnan si Brix ay naging okay na lahat,pwede na itong makalabas since parang bigla naman agad itong sumigla kaya pinayagan na ito.
Lumabas muna ang tatlo,binigyan ng pagkakataon na mag-usap ang mag-ama.
"Dad im sorry, diko naman sinasadya na---"

Bigla siyang niyakap ni Brix. "May panahon ang lahat ng bagay para pag-usapan. The important thing is you are here now, and thats all matters. " si Brix na ngayon ay napakasaya sa pagbabalik ng dalaga.

Surrender To MeWhere stories live. Discover now