chapter 35

1.9K 37 2
                                    






"Ano ba! Papasukin n'yo nga ako sa loob. Gusto kong makausap si Gwins, ano ba?" nagpupumiglas ito, dahil hinarangan ito ng mga security ng buong building.

May order ang binata na huwag itong papasukin kahit saan mang departamento na pagmamay-ari ng mga Montejero.

Hindi s'ya makapaniwala na gagawin ito ng binata sa kanya. Kung dati-rati ay halos sambahin s'ya nito, pero ngayon ang lahat ay naging kabaliktaran.

"May order po ang may-ari na hindi kayo pweding pumasok sa loob ng building na ito." wika ng security gaurd.

"At wala na po dito si sir Montejero, umalis na po kasama ang kanyang asawa." ang isa pang security.

Sa narinig ni Rozzan ay parang tinarakan ng kutsilyo ang kanyang puso. At galit na galit siyang tumitig sa mga humaharang sa kanya.
"Si Glaxy Laurel ang kasama nya?" gusto lang n'yang makasigurado.

"Opo ma'm, at kung maaari sana ay umalis na kayo." ani pa nito.

"I don't believe you! I know he is inside, let me---" hindi na naituloy ang pagwawala ni Rozzan ng marining niya ang boses ni Señor Zymon Montejero.

"What is happening here?" sa baritonong boses nito.

Rozzan stared at him, she never met him even at once, dahil hindi naman siya ipinakilala ni Gwins sa mga magulang nito. No wonder why Gwins is so handsome, because of his father figures. He really looks like him, all of him are the same.

Nakatitig na ito sa kanya, and she though he know her already. "You must be Rozzan the ex-girlfriend of my son,am i right?" anitong seryosong nakatitig sa kanya.

Napalunok si Rozzan ng ilang beses, bago nakuha ang nais nitong tumpukin. "But,,,,i still love him po,,sir." kinakabahan siya na baka sisigawan siya nito.
"That's why i'm here to talk to him." habol niyang sabi dito.

"He's married already hija, my son told me that you wanted to bring him back to you. Hindi mo na dapat ginagawa ang bagay na 'yan kung alam mong may asawa na ang anak ko."kita sa mukha dito ang pagkadisgusto sa kanya.

Tumulo ang luha ni Rozzan. "Mahal na mahal ko po si Gwins. Hindi ko po kayang mawala s'ya ng tuluyan sa akin, alam ko po na ako lang ang mahal niya. At.... Ginagamit lang niya si Glaxy para saktan ako." anito, na para bang hindi na niya iniisip ang sinasabi.

Napatawa si Zymon sa sinabi nito. "Really? Okay! I asked my son about that later." wala s'yang balak kausapin ito ng matagal. Ang ayaw niya sa isang babae ay ipagpilitan ang isang bagay sa taong ayaw na nito. Alam n'ya ang storya ng buhay sa nag iisang anak, kaya alam n'yang wala ng nararamdamang pagmamahal si Gwins dito. Ayaw din n'yang makialam sa personal na buhay ng anak, dahil hindi s'ya katulad ng ibang ama na sila mismo ang sumisira sa buhay ng sariling mga anak.

At hindi na rin niya hahayaan na pumasok ang babaing kaharap ngayon sa buhay ng binata, gayong nagkaaminan na ang dalawa, lalo pa at may kambal na siyang mga apo.

Nang magsitakbuhan ang dalawang bata sa likuran nito. "Lolo, lets go po! We miss our daddy and mommy na po." si Gwenyth ang nagsalita.

Napalingon ang butihing lolo at hinawakan ang dalawang bata. "Okay twins, we're heading home now." ngumiti ito sa dalawang apo.

Nang masilayan ni Rozzan ang dalawang bata ay para s'yang namalikmata. Hindi niya akalain na kamukhang-kamukha ito ng binata, lalo na ang lalaki.
Aminin man n'ya o hindi ay naiinggit siya kay Glaxy, at sa isiping iyon ay nadagdagan lalo ang kanyang galit kay Glaxy.

Doon naman napatingin ang kambal sa kanya. "Who is she lolo?" si Garnet ang nagtanong, nakakunot pa ang noo nitong tumitig sa dalaga.

"Ahh.. She wanted to talk to your dad hijo." iyon lang ang sinagot ng matanda.

Surrender To MeWhere stories live. Discover now