02

358 14 20
                                    

YUNA.

"Ok class, makinig. Sya nga pala ang bago ninyong kaklase."

Pag anunsyo nung teacher at di ko naman maiwasan mailang ng makita kong lahat sila nakatingin sa akin. Napalunok ako at pilit ikinalma ang aking sarili. Ngumiti ako sa kanilang lahat.

"H-hello, ako nga pala si Yuna."

Pagpapakilala ko at tahimik lang silang lahat. Yung iba seryoso lang at meron rin mga ngumiti sa akin.

"Welcome na welcome ka dito, Yuna. Sige na, maupo ka na dun at bukas wag ng malalate ha?"

Paalala nya at tumango nalang ako. Dumiretso na ako dun sa bakanteng pwesto sa may pinaka dulo. At ramdam na ramdam kong sinusundan nila ako ng tingin habang papunta ako dun sa upuan. Kalma lang, self. Magiging kaclose mo rin yang mga yan. Ng makaupo na ako sa upuan ay nagpatuloy sa pagpapaturo si Mrs. Kim.

Ilalabas ko na sana notebook ko ng biglang lumingon yung babaeng nasa harapan ko. Akala ko anong gagawin nya pero nagtaka nalang ako ng bigla nya akong nginitian.

"Hi, Yuna. Ako si Lea, nice to meet you."

Halos pabulong nyang sabi. Napangiti naman ako ng bahagya sa kanya.

"Nice to meet you too."

Mahina kong sabi para di kami marinig ni Mrs. Kim. She smiled so brightly. At mukhang mabait sya. Sana all.

"Pst."

Nagtataka naman akong napaharap sa katabi ko sa gilid at nakitang nakangiti rin sya sa akin. Saglit akong natulala dahil sobrang puti nya. Para syang anghel na galing sa langit. Pero may tsura rin. Siguro maraming nagkakagusto sa kanya. Siguro lang naman.

"Hi, Yuna! Ako si Jeonghan!"

Pagpapakilala nya rin at bigla nyang inilahad yung palad nya sa harapan ko. Saglit akong napatingin dun sa palad nya. Grabe, ganto ba kafriendly mga tao dito? Sana all talaga. Napangiti nalang rin ako sa kanya at makikipagkamay na sana pero napunta lahat ng atensyon namin sa pinto na biglang bumukas. May pumasok na isang lalaki at nanlaki tong mga mata ko ng makita ko yung mukha nung lalaki.

"Sorry ma'am."

"Ilang beses ka ng nalalate. Sige, maupo ka na."

Sabi ni Mrs. Kim. Ngumiti nalang sya at naupo na dun sa pwesto nya sa may harapan. Di ko akalain na magiging kaklase ko pala sya. Sya yung pogi na magaling na sumayaw na napanood ko kanina dun sa practice room. Nananaginip ba ako? Talaga bang kaklase ko sya? Shet.

•·················•·················•

Lunch time na at nagsilabasan na yung iba para pumunta sa canteen. Muli akong napasulyap sa kanya at nakitang nagsuot sya ng dalawang airpods sa magkabilaang tenga nya. Taray, sana all may airpods! Pagtapos ay naglakad na sya palabas pero bago pa man sya tuluyan makalabas ay may bigla nalang nagsidatingan ng mga grupo ng babae at humarang sa dadaanan nya.

"Kuya! Pwede po magpapicture?"

"Sige na po, please!"

"Idol na idol ka po namin!"

"Ang galing mong sumayaw!"

Sigaw nung mga babae habang kinikilig pa. Di ko naman maiwasan magulat na, tama pala yung hula ko na sikat sya dito. Di nya pinansin yung mga babae at tuluyan ng lumabas ng room. Ng makaalis na sya ay nagsitilian naman yung mga babae at kaagad syang hinabol.

"Dami nyang fangirls no?"

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat ng biglang may nagsalita sa gilid ko. Pagtingala ko ay nakita ko si Jeonghan na sya palang nagsalita habang nakapamulsa pa.

"Sikat na sikat talaga yan si Jun. Bukod sa gwapo sya, magaling rin sya sumayaw."

Dagdag nya at tinignan ako diretso sa aking mata. Saglit akong natulala dahil napakaganda ng hugis ng mga mata nya. Para talaga syang anghel. Natauhan naman ako ng may nagsalita nanaman.

"Yuna, sabay ka sa amin maglunch!"

Pag-aya ni Lea. Sila na mismo nagyaya kaya bakit tatanggi pa ako diba? Ngumiti ako sa kanila at isinukbit na bag ko. Tumayo na ako mula sa aking upuan.

"Tara."

Nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa at parehas naman silang napangiti sa akin. Di ko akalain na may makakausap agad ako.

•·················•·················•

Habang kumakain kami ay nagitla ako ng makarinig kami na may sumisigaw. Kaagad ako napatingin sa pintuan at nakita na papasok sya sa loob ng canteen habang may mga nakasunod na babae sa likod nya. But, he just walked casually as if there's no group of screaming girls behind him. Kumuha na sya ng tray at pumila na. At di pa rin sya nilalayuan nung mga babae.

"Sya nga pala si Jun."

Biglang sabi ni Lea ng mapansin nyang pinagmamasdan ko sya, si Jun. Napatingin ako sa kanila at parang hindi sila nabobother dun sa mga babae. Bigla naman natawa si Jeonghan.

"Araw-araw syang sinusundan nung mga babae kaya nasanay na kami sa mga tilian nila."

"Pero, hindi ba nagagalit si Jun?"

Tanong ko at sabay silang napailing na ikinagulat ko naman. Wow.  Kung ako yan maiinis na ako. Sino ba naman hindi maiinis sa ganun? Araw-araw ka ba naman din sinusundan. Baka mamaya pati sa cr sinusundan rin nila ah.

"Hinahayaan nya nalang na sundan sya ng mga babae."

"Pero ni isa sa kanila di nya pinapansin."

Natatawang sabi ni Jeonghan at sinamaan naman sya ng tingin ni Lea.

"Tahimik lang kasi si Jun eh. Mas gusto nyang mapag-isa pero minsan kasama nya yung kaibigan nya. Ang cute kaya ng kaibigan nya."

Kinikilig na sabi ni Lea at napailing-iling naman si Jeonghan sa kanya. Di ko naman maiwasan matawa sa kanya. Kaibigan kaya ni Jun yung tumingin ng schedule ko kanina? Hmm.

"Ah, ganun ba. Dito lang ba sya sa school sikat?"

Tanong ko at muling napasulyap sa kanya na naghahanap na ng mauupuan. At hanggang ngayon nasa likod nya pa rin yung mga babae na grabe kiligin. Para silang mga bulate na nalagyan ng asin. Sige imaginin nyo ano tsura.

"Nope. Kilala rin sya kahit sa labas ng school. May isa kasing youtube channel na sayaw tapos kasali sya lagi dun. May mga solo cover rin sya hanggang sa sumikat na sya."

"Hay nako. Puro sya na nga lang pinapansin nung mga babae eh. Pano naman ako?"

Pagmamaktol ni Jeonghan at nagpout na parang bata. Natawa nalang ulit ako. Ng matapos na kami kumain ay sabay-sabay na kaming tumayo at naglakad na palabas. Pero bago kami lumabas ay muli akong napatingin kay Jun na kumakain mag-isa. Bigla nalang sya napatingin sa akin at nanlaki naman tong mga mata ko dahil sa gulat. Kaagad ako umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Shet, nakilala nya kaya ako?

"Gusto mo send ko sayo yung mga dance cover nya? Ang galing nya talaga sumayaw, promise."

Sabi ni Lea. Napangiti naman ako tsaka tumango.

"Sige lang."

Sabi ko. Mukhang magiging fan na rin ako ni Jun. Mukha lang naman.

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon