39

243 9 2
                                    

YUNA.

12 am na at hindi pa rin ako makatulog. Hanggang ngayon kasi naiisip ko pa rin yung nangyari kanina. At yung mga nasabi sa akin ni Jun. Umayos ako ng pagkakahiga at napatitig sa kisame ng maalala ko ang mga sinabi nya sa akin...



"I like you, Yuna..."

Halos nanlaki tong mga mata ko ng dahil sa sinabi nya matapos nya akong halikan. Mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya. Gusto ko magsalita pero parang bigla akong napipi at parang may kung anong nakabara sa aking lalamunan. Napahinga naman ng malalim si Jun at muling nagsalita.

"I never expected to have feelings for you, Yuna. I don't know how you manage to make me think of you day and night.."

Sabi nya at naramdaman ko naman ang pagmula ng pisngi ko dahil dun. Di ko alam bakit di pa rin ako makapagsalita.

"Are you ok?"

Nag-aalala nyang tanong ng mapansin nya ang aking tsura. I swallowed a lump on my throat and slowly nod my head. Huminga muna ako ng malalim at sinubukan magsalita.

"B-bakit, Jun?"

Nauutal kong tanong at nakita ko ang pagkunot ng noo nya.

"Ano ibig mong sabihin?"

"Bakit mo ako n-nagustuhan? B-bakit ako? Baka nagkakamali ka lang.."

Medyo mahina ang pagkakasabi ko sa huli pero mukhang narinig nya. Napaka-imposible na magkagusto sya sa isang tulad ko.

"No, it was never wrong. You're you, Yuna. That's why."

Matipid na sabi nya habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Di ko naman maiwasan magtaka dun sa sinabi nya at magsasalita na sana ako ng unahan nya ako.

"It's getting late. I'll be going now."

Sabi nya at dahan-dahan hinawi tong buhok ko papunta sa likod ng aking tenga. Parang may mga kuryente nanaman na dumaloy sa buong katawan ko ng maramdaman ko ang napaka-warm nyang palad sa aking balat. Inilapit nya mukha nya sa akin at hinalikan ako sa aking noo. I don't know why, at that moment, I felt the beating of our hearts in rhythm. Lumayo na si Jun sa akin.

"Goodnight."

Pagtapos ay tumalikod na sya sa akin at naglakad na palayo. Habang naiwan naman akong nakatayo dito. Pinagmasdan ko lang si Jun hanggang sa mawala na sya sa aking paningin. Di ko akalain na dadating tong gantong araw. Ano kaya ang ibig nyang sabihin dun sa sinabi nya? I wonder...



Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Ako palang ang tao sa loob ng classroom. Chinat ko naman si Lea at sinabing nandito na ako sa school at nagreply naman sya kaagad at sinabing papunta na sya. Chinat ko rin si Jeonghan pero nakalipas na ang ilang minuto wala pa akong reply na natatanggap sa kanya. Ni seen wala. Di ko tuloy maiwasan mag-alala para sa kanya. Sana okay na si Jeonghan...

Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Inangat ko ang tingin ko at umasa na sana si Lea na iyon pero bumilis tong tibok ng puso ko ng makita ko si Jun. Ng magtama ang aming mata ay bigla nanaman sumagi sa aking isip yung nangyari kagabi kaya napaiwas ako ng tingin. Fudge, bakit ganto nararamdaman ko?

Napasulyap ako kay Jun at nakitang umupo na sya sa pwesto nya sa harapan. Ng mailapag nya na gamit nya ay nagulat ako ng bigla syang napalingon sa akin. Kaagad ako umiwas ng tingin at napalunok. Naisipan kong magpahangin nalang sa labas kaya naman dali-dali akong dumiretso sa may pinto at lumabas ng classroom at ramdam ko sinundan ako ng tingin ni Jun. Ng makalabas ako ng room ay napasandal ako sa pinto at nakahinga ako ng maluwag.

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon