YUNA.
Habang naglalakad ako sa may hallway ay hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung ginawa ni Jeonghan kagabi. Ng dahil dun, di tuloy ako nakatulog ng maayos. Para akong kinikilig na ewan eh. Kasalanan to ni Jeonghan.
Napahinga nalang ako ng malalim at isinantabi na muna lahat ng iniisip ko tsaka pumasok na sa loob ng library. May kailangan lang ako isoli na libro. Ng maisoli ko na yun sa librarian ay naglakad ako papalapit sa may hilera ng malalaking bookshelves at naghanap ulit na libro na pwede mabasa. Wala lang pagbored ako gusto ko magbasa.
Habang tumitingin ako sa mga libro ay may bigla nalang ako narinig na kalabog dahilan para saglit akong matigilan. Pagtapos ay nagtaka naman ako ng marinig kong may napa-aray. Sinundan ko kung san nanggaling yung tunog at paglipat ko sa kabilang shelf ay di ko maiwasan magulat ng makita ko si Jun na nakaupo sa sahig.
Hawak-hawak nya ang kanyang ulo habang may libro sa gilid ng binti nya. Mukhang nabagsakan sya ng libro. Napatingala naman sya sa akin at gulat rin sya ng makita ako.
"Pano mo nalaman na andito ako?"
Nagtataka nyang tanong. Napakamot naman ako sa ulo ko.
"Um, narinig ko kasi yung pagbagsak ng libro."
Sabi ko at di naman nagsalita si Jun habang nakahawak pa rin sa ulo nya. Napalunok naman ako at pinulot yung libro na nahulog sa kanya tsaka sinoli iyon kung saan nakalagay. Pagtapos ay saglit ko naman pinagmasdan si Jun. Di ko akalain na dito pala sya tumatambay. Medyo tago rin bandang dito dahil sa sobrang laki ng shelves kaya walang makakakita sayo dito. Sarap rin siguro tumambay dito at matulog.
"Jun, dito ka ba lagi tumatambay?"
Tanong ko at huminga naman ng malalim si Jun at umayos ng pagkakaupo.
"Minsan. Lalo na pag inaantok ako."
Sabi nya at nagsuot ng sumbrelo. Ibinaba nya yun hanggang sa di na makita mata nya. Pagtapos ay muli syang nagsalita.
"Pwede ka na umalis. Iidlip lang ako saglit."
Sabi nya at krinus ang braso. Naisipan ko naman na tumambay rin muna dito kaya naman napangiti ako sa aking sarili at naupo sa tabi nya. Ng maramdaman nyang naupo ako sa tabi nya ay itinaas nya yung sumbrelo nya at nagtatakang tumingin sa akin.
"Anong ginagawa mo?"
"Wala, makikitambay lang rin ako."
Sabi ko at tinignan sya. Napangiti nalang ulit ako at binuklat yung libro na kinuha ko at sinimulan basahin yun. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Jun. Sumandal sya sa pader at ibinaba na ulit yung sumbrelo nya.
"Wag kang maingay ah."
He said and I can't help but chuckle. Pagtapos nun ay nagkaroon na ng katahimikan at wala na ako narinig mula sa kanya. Dahan-dahan naman akong napasulyap sa kanya at nakitang nakayuko yung ulo nya. Mukhang natutulog na nga sya.
Sa mga oras na yun, di ko alam bakit di ko maalis tingin ko sa kanya. Ngayon ko lang kasi napagmasdan si Jun ng ganto kalapit. Pero kahit na nakasumbrelo sya, nasisilayan ko pa rin yung mga mata nya. Maya-maya naramdaman ko ang biglaang pagtibok ng aking puso. Kaagad ako napahawak sa dibdib ko at umiwas ng tingin. Bakit ganto? Pinagmamasdan ko lang si Jun pero bakit biglang bumilis tibok ng puso ko?
Napailing-iling nalang ako at nagpatuloy nalang sa pagbabasa kesa kung ano-ano pa naiisip ko. Sumandal ako sa may pader at umayos ng pagkakaupo. Pero maya-maya ay nanlaki naman mga mata ko ng maramdaman kong isinandal ni Jun ang ulo nya sa balikat ko. Bumilis nanaman tong tibok ng puso ko. Fudge! Di ko alam kung sadya syang sumandal o baka na out of balance lang sya. Mukhang na out of balance lang sya kase tulog na sya eh.
BINABASA MO ANG
FANGIRL.
Random" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.