08

297 10 16
                                    

YUNA.

Di ako makapaniwala na si Jun pala to. Pero, pano nya nalaman na andito ako? Sinundan nya ba ako? Nakita nya ba ako? Bigla naman napahinga ng malalim si Jun.

"Nakita ko kayo magkakaibigan dun sa kainan."

Sabi nya na parang ba nabasa nya yung mga nasa isip ko. Napa "ohh" nalang ako at di ko akalain na nakita nya pala kami dun. Pero, teka.

"Pano mo nalaman na andito ako?"

Tanong ko at saglit naman di nagsalita si Jun. Dahan-dahan ko itinuro daliri ko sa kanya na ikinataka nya naman.

"Sinundan mo ako no?"

"Wag kang assumera. Dito rin daan ko pauwi."

Matipid na sagot ni Jun at nilagpasan ako. Grabe naman yung assumera. Pero, araw-araw ako dumadaan sa kalye na to at di ko naman sya nakikita? Hmm, baka siguro nauuna syang umuwi sa akin. Natauhan naman ako ng bigla nya akong tawagin.

"Baka mamaya bumalik ulit yun."

Sabi nya at bigla naman ako kinilabutan kaya inayos ko yung pagkakasukbit ng bag ko at mabilis na sumunod sa kanya. Speaking of, sino kaya yung lalaking yun? Ang weird ng vibe nya ah.

"Um, kakilala mo ba yung lalaki kanina?"

Tanong ko at napatingin kay Jun na seryoso lang nakatingin sa harap.

"Hindi."

Matipid nyang sabi ng hindi tumitingin sa akin. Tumango-tango nalang ako. Kung sino man yung lalaking yun, sana wala syang gawing masama. At sana wag na ulit sya magpakita dahil medyo nakakatakot yung tsura nya kanina. Naiisip ko palang kinikilabutan na agad ako.

Tahimik lamang kami parehas habang tinatahak ang daan. Totoo nga yung mga sinasabi nila Lea na tahimik talaga to si Jun. Gusto ko naman sya kausapin pero di ko alam sasabihin ko. Hays. Bahala na.

"Um, napapanood ko nga pala mga dance covers mo sa youtube."

Sabi ko at ngumiti ng bahagya sa kanya pero di naman sya kumibo at nakatingin lang sa harap. Napakagat ako sa aking labi dahil medyo nagiging awkward na.

"Isa rin pala ako sa mga fan mo! Idol kita, hehe."

Dagdag ko at hanggang ngayon wala pa rin syang reaksyon. Napasimangot nalang ako at napahinga ng malalim. Di ko akalain na snob rin pala sya. Pero bakit ganun? Ang cool nya pa rin tignan. Sana all diba.

"Um sige, dito na daan ko."

Sabi ko at tumigil na sa paglalakad. Saglit naman tumigil si Jun at sa wakas napatingin na rin sa akin. Ang seryoso ng mukha nya. His expression is unreadable as well. Ang cold nya tuloy tignan. Ngumiti ako sa kanya at muling nagpasalamat sa pagligtas nya sa akin kanina. Wala syang sinabi at humarap na ulit sa harap. Pagtapos ay naglakad na sya palayo. Napawi naman tong ngiti ko at napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan ko syang naglalakad palayo.

•·················•·················•

"Omg, nakasabay mo si Jun sa pag-uwi?!"

Malakas na pagkakasabi ni Lea kaya agad ko tinakpan bibig nya at pinatahimik sya. Mabuti nalang kakaunti palang tao dito sa loob ng canteen. At mabuti nalang rin wala pa si Jeonghan kundi mababadtrip nanaman yun sa amin pag narinig nyang si Jun nanaman pinag-uusapan namin.

"Oo. Wag ka maingay!"

Sabi ko at tumango-tango nalang sya. Binitawan ko na bibig nya at napahinga ng malalim. Kwinento ko kasi sa kanya yung nangyari kahapon. Simula dun sa may nakita akong di pamilyar na lalaki hanggang sa magulat ako na biglang sumulpot si Jun. Kilig na kilig naman si Lea.

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon