11

231 6 7
                                    

YUNA.

"San ka nanggaling??"

Nagtatakang tanong sa akin ni Lea ng makarating na ako sa gym. Napakamot ako sa aking ulo at kwinento sa kanya yung nangyari, mula sa hinabol ako ng isang baliw na babae hanggang sa makita ko si Jun. Bigla naman sya kinilig.

"Omg, nagkatitigan kayo ni Jun?! Pero, diba nasa hospital sya?"

"Sabi nya pwede na daw sya lumabas.."

Tumango-tango naman si Lea. Napatingin ako sa may court sa gitna at nakita si Jeonghan na nagprapractice maglaro. Bahagya naman akong napangiti.

"Anyways, mabuti nalang dumating ka na. Kundi baka mabaliw nanaman si Jeonghan kakahanap sayo. Kanina ka pa nya kaya hinahanap!"

Kwento naman ni Lea at tumango nalang ako habang pinapanood ko sila Jeonghan maglaro. Bigla naman napatingin sa akin si Jeonghan at ng magtama ang mga mata namin ay ngumiti sya sa akin.

 Bigla naman napatingin sa akin si Jeonghan at ng magtama ang mga mata namin ay ngumiti sya sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napangiti nalang rin ako sa kanya at natawa ng marahan. Sa totoo lang, napaka-bait na tao ni Jeonghan kahit na may pagkapilyo sya. Pero at least, may respeto sya. Bukod sa mukha syang anghel, ay gwapo rin naman sya. Minsan nga natanong sa akin ni Lea kung nagkagusto na ba ako kay Jeonghan. Sa mga oras na yun ay saglit akong napaisip. Kaibigan ang turing namin sa isa't isa. And the thought of having feelings for him never crossed my mind. Pero, noon yun. Ngayon, parang may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing pinapakita nya na may pake sya sa akin at kahit sa mga ngiti nya na di ko alam kung bakit. Hays...

"Yuna? Ok ka lang?"

Natauhan ako ng tapikin ni Lea tong balikat ko. Agad akong napatingin sa kanya.

"Kanina pa nakatulala dyan. Kinawayan ka nga ni Jeonghan pero di mo sya pinansin."

Natatawang sabi ni Lea at napakagat naman ako sa aking labi. Saglit akong nag-isip at maya-maya ay napagdesisyunan ko ng sabihin sa kanya kaya naman huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Um, naaalala mo pa ba yung tinanong mo sa akin nun? Na kung nagkagusto na ba ako kay Jeonghan?"

Tanong ko at bigla naman nag-iba yung ekspresyon ng mukha nya.

"Oo eh di mo naman sinagot yung tanong kong yun. Bakit?"

She curiously asked as she squinted her eyes at me. Napalunok naman ako.

"Ano kasi..."

"Omg?! Don't tell me may nararamdaman ka na talaga kay Jeonghan?!"

Sabi nya at nagulat ako ng bigla nyang hinawakan tong mga balikat ko.

"Totoo?! May gusto ka na kay Jeonghan?!"

"P-pinagsasabi mo?"

Sabi ko at tinanggal mga kamay nya sa akin balikat. Napahinga naman ako ng malalim pagkatapos.

"Bigla ko lang kasi naalala. Tsaka alam mo yung parang may kakaiba kang nararamdaman para sa kanya?"

Sabi ko at tahimik naman si Lea.

"Napansin ko lang kasi na iba ang turing ni Jeonghan sa akin at sayo..."

"Um, tungkol dun. Alam ko magagalit sya sa akin pag sinabi ko sayo pero kailangan mo rin malaman."

Sabi ni Lea at ako naman ngayon ang nacurious.

"Noon nya pa sinabi ito eh. Umamin sya na matagal ka n–"

Naputol sasabihin nya ng bigla kaming makarinig ng sigawan. Sabay kaming napatingin sa gitna at halos mapatakip ako sa bibig sa sobrang gulat ng makita namin na nakahandusay sa sahig si Jeonghan habang nakahawak sa kanyang braso. Kaagad kami lumapit ni Lea sa kanya.

"JEONGHAN!"

Ng makalapit na kami sa kanya ay agad ako napaluhod sa sahig at inalalayan sya. Nakapikit lamang ang mga mata nya habang hawak-hawak yung kanang braso nya. Mukhang namimilipit sya sa sakit.

"Kailangan na natin syang madala sa hospital!"

•·················•·················•

Agad nadala sa hospital si Jeonghan at sumama na kami ni Lea. Kwento naman nung mga kalaro ni Jeonghan, nagkamali daw sya ng tapak at nadulas at natamaan yung braso. Jusko po.

Nakahiga ngayon sa kama si Jeonghan at ngayon may balot na yung kanang braso nya ng bandaid matapos iyon magamot ng doctor. Napahinga naman ng malalim si Jeonghan at napasandal.

"Kasalanan ko ito..."

"Wag mong sabihin yan.."

Sabi ko sa kanya. Muling napahinga ng malalim si Jeonghan at napatingin dun sa coach nila.

"Pano yung laro?"

"Hmm. Sa ngayon di na muna kita maisasali sa laro. Kailangan mo na munang ipahinga yang braso mo hanggang sa gumaling na iyan."

Paliwanag nung coach nya at kitang-kita ko ang matinding pagkadismaya ni Jeonghan. Alam ko na gusto nya maglaro na gaganapin sa susunod na linggo, pero kagaya nga nung sinabi ng coach nya ay kailangan nya na muna magpahinga. Hinawakan ko naman yung isang kamay ni Jeonghan upang kahit papaano gumaan pakiramdam nya.

"Edi...maghahanap po kayo ng papalit sa akin?"

"Kung wala ng ibang choice, ganun nalang ang gagawin namin. Maghahanap kami ng papalit sayo pansamantala hanggang sa maging okay na yang braso mo."

Sabi nung coach nila at tinapik-tapik yung braso nya. Tumango-tango nalang si Jeonghan.

"Wag ka mag-alala, sasamahan ka naman namin."

Sabi ni Lea at ngumiti nalang ng bahagya si Jeonghan. At halos makalimutan ko ng hawak ko pa pala kamay ni Jeonghan.

"Salamat. At pasensya na kung pinag-alala ko kayo.."

Sabi ni Jeonghan at tumingin sa amin. Naramdaman kong hinigpitan nya yung pagkakahawak sa kamay ko. At sa mga oras na yun ay nagsimulang bumilis tong tibok ng aking puso.

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon