32

214 10 15
                                    

YUNA.

Tahimik lamang kami kumakain ng lunch ni Lea. Di ko alam bakit hindi sumabay sa amin si Jeonghan ngayon. Hays. Habang kumakain ay naalala ko yung pag-uusap namin ni Jun kagabi. Di ko akalain na pumayag ako na sumama sa kanya sa sabado ng hindi man lang nagdalawang isip. Pero wala na rin ako magagawa. I already agreed to come and he'll probably expect me to show up on saturday. Ang problema, paano ko sasabihin kay Lea to?

"Grabe, tinotopak nanaman siguro yung Jeonghan na yun kaya di nanaman sumabay sa atin."

Reklamo ni Lea at napahinga naman ako ng malalim. Sabihin mo na, Yuna!

"Baka nasa gym?"

"Ano naman gagawin nya dun eh on hiatus nga muna sya sa paglalaro."

Natatawang sabi ni Lea sa akin at di na ako kumibo pa. Di naman galit sa amin si Jeonghan at nakakapag-usap naman kami kanina bago magsimula ang klase. So I'm sure nasa gym lang yun dahil dun sya madalas tumatambay. Naalala ko naman yung dapat kong sasabihin kay Lea kaya muli akong napatingin sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Um, Lea..."

"Bakit?"

Tanong ni Lea at napatingala sa akin. I swallowed a lump on my throat.

"May sasabihin ako sayo.."

"Sige lang."

Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Expect ko na magugulat sya. Muli akong huminga ng malalim bago magsalita.

"M-may lakad kami ni Jun sa sabado."

Diretso kong sabi at hinintay yung reaksyon nya. At kagaya ng inaasahan ko ay nanlaki ang kanyang mga mata ng dahil sa gulat.

"Ano?! Tama ba narinig ko? Si Jun? Jun dito?"

Sunod-sunod nyang tanong. Napakagat naman ako sa aking labi at dahan-dahan tumango. Her mouth formed an "o" as she looked at me shockingly. Nagitla ako ng bigla nyang hinawakan tong mga balikat ko.

"Seryoso ka?! Bakit di mo sinasabi sa akin na kayo na!"

Pagmamaktol nya at napakunot naman tong noo ko ng dahil dun sa sinabi nya. Kaagad ko tinanggal yung mga kamay nyang nakahawak sa balikat ko.

"Wala naman akong sinabing kami na. Sabi ko lang may lakad kami sa sabado. Sya ang nagyaya sa akin, hindi ako."

Paliwanag ko at napa "ah" nalang sya. Pagtapos ay bigla naman syang napangiti ng nakakaasar.

"Jusko, akala ko naman kayo na. Pero, kayong dalawa lang?"

"Siguro? Wala naman syang nabanggit na isasama nya si Woozi."

Sabi ko at tumango-tango nalang si Lea. Pagtapos ay muli syang nagsalita.

"Wow ha. Panigurado maiinggit yung karamihan sa iyo. Akalain mo yun, ikaw sa lahat ng babae, ang kasama nya. Damn."

"W-wala naman malisya yun eh. At di naman bongga yung lakad. We're just gonna drink."

"I see. Gusto mo ba tulungan kita mag-ayos?"

Sabi nya at ngumisi sa akin habang may pakindat-kindat pa. Napabuntong hininga nalang ako at umiling.

"Hindi na kailangan. Tsaka hindi naman kami magdadate eh."

"Ok fine. Goodluck nalang sa inyo!"

May halong asar nyang sabi sa akin. Saglit naman ako natahimik. Di ko alam kung bakit kinakabahan ako. First time ko lang kasi makakasama si Jun. And also the fact that I like him. I'm sure magiging awkward yun, para sa akin. Naiimagine ko na na nawiwirdohan si Jun sa mga kilos ko. Oh fudge sana walang nakakahiyang mangyari sa akin.

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon