12

232 5 10
                                    

JUN.

Natigil ako sa pagsasayaw ng biglang may nagsalita sa likod ko. Akala ko kung sino pero si Woozi lang pala iyon.

"Bakit ka nanaman nagprapractice??"

Sabi nya at napailing-iling sa akin. Huminga naman ako ng malalim tsaka uminom ng tubig. Kaagad naman lumapit si Woozi sa speaker at pinatay iyon. Pagtapos ay humarap sya sa akin at krinus ang braso.

"Sinabi na nga ng doctor na magpahinga ka. Sadyang makulit ka talaga, ano?"

"Pumunta ka talaga dito para pagalitan ako?"

Sabi ko at natawa ng marahan. Napahaplos naman si Woozi sa kanyang noo.

"Hay nako, Jun."

Sabi nya at napangisi nalang ako. Inayos ko na mga gamit ko at magpapatuloy na sana sa sayaw ng bigla nanaman magsalita si pandak, este, si Woozi.

"Alam mo ba, nahospital kanina si Jeonghan."

Sabi nya at napatingin naman ako sa kanya. Kung di ako nagkakamali, si Jeonghan yung kaklase ko na palaging kasama nung babaeng yun, na hanggang ngayon di ko pa din kabisado yung pangalan. Di ko naman maiwasan magtaka.

"Bakit?"

"Napilayan braso nya. Nadulas daw kasi."

Sabi nya at tumango-tango nalang ako. Bakit parang ang daming napipilayan ngayon? Hays. Kaya pala may narinig akong mga sigawan kanina, akala ko nagkakagulo na. Huminga ako ng malalim at inopen na muli yung speaker.

"Sige na, magprapractice na ako."

"Sus. Ang tagal-tagal pa ng competition eh."

Sabi ni Woozi at di ko nalang sya pinansin. Sisimulan ko na sana sumayaw ng bigla nanaman syang nagsalita. Napapikit ako at huminga ng malalim. Pagtapos ay muli akong lumingon sa kanya.

"Nga pala, may naghahanap sayo. Pumunta ka daw sa gym."

"Ngayon na?"

Tanong ko at tumango naman sya. Napamura naman ako sa isipan ko. Lagi nalang paputol-putol tong practice ko. Napahinga nalang muli ako ng malalim at niligpit na mga gamit ko.

"Sino ba yung naghahanap sa akin?"

•·················•·················•

YOON JEONGHAN
active now
9:30 pm

Jeonghan
ok na ako wag ka na mag-alala dyan

Yuna
eh..

Jeonghan
ok lang ako promise

Jeonghan
tsaka pasensya na rin pala kung pinag-alala ko pa kayo

Jeonghan
wag na sad, ok? :)

Yuna
hmm ok..

Yuna
sino na daw muna papalit sayo sa laro?

Jeonghan
di pa nasasabi ni coach eh

Jeonghan
baka bukas ko pa malalaman

Yuna
sige..

Yuna
alam kong nalulungkot ka dahil di ka makakapaglaro pero at least napanood ka naman na namin maglaro

Jeonghan
awe kikiligin na ba ako? ;)

Yuna
luh hahaha

Jeonghan
joke lang wahahaha

Jeonghan
sige na matulog ka na maaga pa klase natin bukas

Yuna
papasok ka na agad? baka mamaya

Jeonghan
kaya ko naman to

Jeonghan
diba sabi ko na wag ka ng mag-alala?

Yuna
sorry..

Yuna
um, matulog ka na rin

Jeonghan
oo na

Jeonghan
goodnight, yuna :)

Yuna
goodnight jeonghan. sleep well :)

YUNA logged out

Jeonghan
sleep well..

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon