YUNA.
"Naaresto at nakulong na po namin ang lalaking yun. May mga cases na rin po na inirereklamo tungkol sa kanya dahil may mga naging biktima na rin po sya noon, lalong-lalo na mga kababaihan. Wag ho kayo mag-alala, hinding-hindi po namin hahayaan na makatakas sya muli."
Sabi sa amin ng isa sa mga pulis na umaresto dun sa lalaking kumidnap sa akin. Napangiti naman ako at nagpasalamat na sila Mama at Papa. Kasalukuyang nasa hospital kami ngayon. Nacheck na nila pakiramdam ko at medyo ok naman na at naimbestigahan na rin nila yung ininject sa akin nung lalaki na isang pang patulog pala.
Nagpaalam na sa amin yung pulis at ng makalabas na sya ay humarap na muli sa akin sila Mama.
"Ok na po ako, wag na kayo mag-alala."
Sabi ko kila Mama at Papa. Napangiti nalang sila sa akin at hinawakan ang aking kamay. Bigla ko naman naalala si Jun.
"Si Jun po?"
Nag-aalala kong tanong ng maalala ko yung sugat nya sa leeg kanina.
"Ginagamot na sya ng mga doctor, anak. Magiging maayos rin sya."
Paliwanag ni Papa at napangiti nalang ako. Kapag ok na ulit si Jun ay pasasalamatan ko sya sa pagligtas sa akin. Bigla naman bumukas ang pinto at nagulat ako ng makita ko si Jeonghan. Napangiti naman sya kila Mama at Papa.
"Magandang gabi po.."
"Oh Jeonghan, ikaw pala yan."
Sabi ni Mama. Saglit munang lumabas sila Mama at hinayaan kaming mag-usap ni Jeonghan. Di ko alam bakit di ako makatingin sa kanya. Matapos ang panandaliang katahimikan ay narinig ko na syang nagsalita.
"Um, hi.."
Sabi ni Jeonghan at bahagya naman akong napangiti. Humarap ako sa kanya.
"Hi.."
"Kamusta na pakiramdam mo?"
Tanong nya at lumapit sa akin. Napangiti nalang ulit ako.
"Ok na..."
Matipid kong sabi at muling tumahimik. Huminga naman sya ng malalim.
"Yuna, gusto ko lang magsorry sayo. Sorry kung hindi kita kinakausap at pinapansin. Namimiss na kita, Yuna."
Sabi ni Jeonghan at ngumiti sa akin. Gusto kong maiyak sa tuwa dahil sa wakas nakakapag-usap na ulit kami ni Jeonghan. Ibinuka nya naman yung dalawa nyang kamay at dahil dun tuluyan na akong naiyak. Kaagad ako umusog papalapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Niyakap nya rin ako pabalik.
"I'm sorry, Yuna."
"Ok lang, Jeonghan. Ok lang.."
Sabi ko. Nanatili lang kami magkayakap at maya-maya ay kumalas na sya. Natawa naman sya ng makita nya akong umiiyak at pinunasan ang mga natitirang luha sa aking mata.
"Namiss rin kita, Jeonghan. At sorry rin.."
"Asus. Kikiligin na ba ako?"
Pabiro nyang sabi at natawa nalang ako sa kanya. Pero tumigil rin agad ako ng may napagtanto ako. Huminga ako ng malalim at tinignan sya diretso sa kanyang mata.
"Jeonghan, yung tungkol dun sa sinabi mo nung isang gab–"
"Di mo na kailangan alalahanin yun, Yuna. Tanggap ko naman na, hanggang dito nalang talaga tayo."
Sabi nya at ginulo-gulo tong buhok ko. I suddenly feel bad. Muli nanaman natawa si Jeonghan.
"Baliw, wag ka na malungkot. Ok lang ako. Well, nung una medyo di ko matanggap. But then as days passed by, I slowly started to accept it."
BINABASA MO ANG
FANGIRL.
Random" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.