YUNA.
Habang wala pa yung teacher namin ay nagitla ako ng bigla akong lapitan ni Jeonghan. Napatingin ako sa kanya at ewan ko ba bigla akong kinabahan ng makita ko ang seryoso nyang mukha. Shet, nalaman nya kaya na pinuntahan ko si Jun kahapon? Napalunok naman ako habang nakatingin sa kanya.
"Ikaw..."
Panimula nya at mas lalo akong kinabahan. Kaagad ako nagpaliwanag sa kanya.
"P-patawad! Alam kong sinabi mong wag ako pumunta pero di ko na napigilan sarili ko eh at tsaka sobra akong nag-alala dahil-"
Naputol sasabihin ko ng bigla nyang takpan tong bibig ko. Gulat akong napatingin sa kanya at takang-taka naman yung tsura nya ng dahil sa mga sinabi ko.
"Ano pinagsasabi mo? Tatanungin lang kita kung may gagawin ka ba mamaya eh."
Sabi nya at natawa ng onti habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Binitawan nya na tong bibig ko at medyo nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko magagalit sya sa akin. Ewan ko nalang kung sakaling malaman nya.
"So ano nga, libre ka ba mamaya?"
"Um, oo. Bakit?"
"Magprapractice kasi ako sa gym mamaya para sa laro sa susunod na linggo. Gusto ko panoorin mo ako."
Sabi nya. At ibubuka ko na sana tong bibig ko para magsalita ng biglang sumingit sa amin si Lea. Gulat naman kaming napatingin sa kanya.
"Teka lang, bakit si Yuna lang niyaya mo? Paano naman ako?"
Reklamo nya at napahinga naman ng malalim si Jeonghan. Pinigilan ko lang wag matawa sa dalawang to.
"Tch. Si Woozi lang naman sinuportahan mo nung isang araw eh."
"Hoy! Sinabi na ngang sinuportahan rin kita! Diba, Yuna?!"
Sabi nya at kinalabit tong braso ko. Tumango nalang ako at pabirong inerapan ni Jeonghan si Lea. Napa "tsk" naman si Lea ng dahil dun.
"Baklang to! Lagot ka sa aki-"
"Good morning, class."
At di nya na natuloy sasabihin nya ng magsalita na sa harapan yung teacher namin, na hindi man lang namin namalayan na pumasok sa room. Kaagad kami nagsitayuan at binati sya. Ng makaupo na kami ay nagsimula na ang klase.
•·················•·················•
Lunch time na at ganun pa rin naman ang ganap. Nagkwekwentuhan lang kami ng bigla naman kinilig tong si Lea..
"Omg! Ang aking bebe boy."
Sabi nya at napahawak sa dibdib nya at umakto na parang tinamaan sya ng pana ni kupido. Sinundan naman namin kung saan sya nakatingin at sa may entrance ng canteen ay nakita nga namin si Woozi na mag-isa lang. Nagsimula na syang maglakad at napansin ko na nakuha nya lahat ng atensyon ng mga tao dito sa canteen, lalo na mga babae.
Nasa hospital pa si Jun kaya naman di sila magkasama ngayon. Ngayon ko lang natignan maigi tsura nya at di ko akalain na gwapo rin pala sya. Kaya naman pala patay na patay tong si Lea sa kanya. Pero, di ko pa rin makakalimutan yung sinabi nya sa akin kahapon sa hospital. Hays.
"Ang gwapo talaga kahit malayo! Imagine na naging boyfriend ko sya! Ako na yata ang pinaka-swerteng babae sa buong mundo!"
Kinikilig na sabi ni Lea at napailing-iling nalang si Jeonghan sa kanya.
"Imagine, pre."
![](https://img.wattpad.com/cover/203350865-288-k694358.jpg)
BINABASA MO ANG
FANGIRL.
Random" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.