24

214 6 4
                                    

YUNA.

Di nakapasok ngayon si Jeonghan. At di ko naman maiwasan mag-alala sa kanya. Medyo di ko naintindihan mga sinabi nya sa akin kagabi. Hays, bakit kaya uminom sya?

"Yan kasi, nagpakalasing pa tapos di nakapasok ngayon. Ang kulit rin minsan ng lalaking yun."

Sabi ni Lea at umiling-iling. Kasalukuyan nasa canteen kami at kumakain ng lunch. Kakatapos lang ng PE namin kaya medyo pinagpapawisan rin kami.

"Puntahan kaya natin sya mamaya?"

"Okay."

Matipid na sagot ni Lea. Napahinga nalang ako ng malalim. Naisipan ko rin na itanong kay Jeonghan kung ano yung mga sinabi nya. Pero lasing sya kagabi at mukhang di nya maaalala yun. At tsaka, bakit nya naman naisip na may something sa amin ni Jun ng dahil lang dun sa nangyari kahapon. Di kaya nagseselos sya? Pero, bakit sya magseselos?

Ng matapos na kami kumain ay sabay na kami bumalik sa room. Habang naglalakad kami sa hallway ay bigla nalang namin nakasalubong si Jun. Dahil dun, naramdaman ko nanaman ang biglang pagbilis ng tibok ng aking puso. Fudge. Ng mapatingin sya sa amin ay kaagad ako umiwas ng tingin sa kanya. At ng malagpasan na namin sya ay nagitla ako ng bigla nya akong tinawag.

"Yuna."

Napatigil ako sa paglalakad at maging si Lea ay napatigil rin. Napalingon ako sa kanya hanggang sa magtama ang mga mata namin. Fudge. First time nya lang ako tawagin ng ganto.

"Bakit?"

Tanong ko at saglit na nagkaroon ng katahimikan. Nakatingin lamang sa akin si Jun habang hinihintay ko kung anong sasabihin nya. Mukhang may sasabihin sya sa akin pero maya-maya ay napahinga nalang sya ng malalim.

"Nevermind."

Sabi nya at tumalikod na sa amin tsaka naglakad palayo. Ng mawala na sa paningin namin si Jun ay hinawakan naman ako ni Lea sa aking balikat.

"Close na kayong dalawa??"

Nagtataka nyang tanong at agad naman ako umiling.

"Hindi ah..."

Sabi ko at nagtaka naman ako ng bigla syang ngumiti ng nakakaasar sa akin.

"Kayo ah..."

Pang-asar nya at napabuntong hininga nalang ako tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Kaagad naman syang sumunod sa akin.

"Uy joke lang!"

•·················•·················•

JUN.

Di ko alam bakit bigla ko nalang tinawag si Yuna. But, the way she turned around to look at me has made me stopped all of a sudden. Akala ko si Stephany sya, pero mukhang nag-iilusyon nanaman ako. I don't know why, but Yuna is very similar to Stephany.

Napahinga nalang ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Ano ba tong mga iniisip ko?







...

an: very short update! bawi ako sa susunod na chapter HAHAAHHA.

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon