43

213 11 40
                                    

JUN.

*may contain some sensitive scenes

Halos naikot na namin buong lugar. Ilang oras na kami nagtatatakbo para lang mahanap yung lalaking yun. Pero hanggang ngayon, hindi pa din namin sya nahahanap. Saglit kami napatigil sa pagtakbo. Napahawak ako sa aking tuhod habang hinahabol ang aking hininga. Fuck, san dinala ng gagong yun si Yuna?!

"Puta, paano na natin mahahanap si Yuna nito?!"

Inis na sabi sa akin ni Jeonghan. Napatingin ako sa kanya at nakitang sobrang sama na ng tingin nya sa akin.  Napahinga ako ng malalim.

"Mahahanap natin sya–"

"Mahahanap?! Kanina pa tayo nag-iikot dito! Paano nalang kung may nangyaring masama kay Yuna?! Kasalanan mo ito!"

Sigaw nya sa akin at tinulak ako. Nag-isip naman ako ng ibang paraan para mahanap namin si Yuna. Bigla naman napunta tong atensyon ko sa likod ni Jeonghan. Sa may di kalayuan ay nakita ko ulit yung lalaki na nakatingin sa amin ngayon. Kumaway pa ang gago. Kaagad akong humarap kay Jeonghan.

"Jeonghan, sundan mo yung lalaking yun at tumawag ka ng pulis."

Napatingin si Jeonghan sa direksyon kung saan ako nakatingin at nakita yung lalaki. Wala na syang ibang sinabi pa at kaagad hinabol yung lalaki. Napahinga ako ng malalim. Akala ba nila maiisahan nila ako? Napangisi ako sa aking sarili at lumingon. At nakita ko yung lalaki na mukhang gulat ng makita ako. Sinasabi ko na nga ba na parang may sumusunod sa amin kanina.

Kaagad ako tumakbo papalapit sa kanya at kumaripas naman agad sya ng takbo.

"ASAN SI YUNA?!"

Sigaw ko dahilan para mapatingin sa amin yung mga ibang tao. Hinabol ko ng hinabol yung lalaki hanggang sa mapadpad kami sa isang eskinita. Napatigil ako sa pagtakbo ng makita ang pader sa aking harapan. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin yung lalaki ng biglang may sumipa sa aking dibdib. Napasandal ako sa may pader at nakita yung lalaki. Susugurin ko na sana sya ng bigla nyang  hinarang ang kanyang braso sa aking leeg. Kaagad ako napahawak sa braso nya at sinubukan labanan sya. Bigla naman sya natawa na parang demonyo.

"Sa tingin mo ba matatalo mo ako?"

"ASAN SI YUNA?! SAN MO SYA DINALA?!"

Sigaw ko sa pagmumukha nya. Mas lalo nya akong tinawanan at sa sobrang inis ko ay tatadyakan ko na sana sya ng bigla nyang itutok yung patalim na hawak nya sa aking leeg. Napalunok naman ako.

"Ano? Lalaban ka pa?"

Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Tinignan ko sya ng masama.

"Gusto mo sya makita? Sige, magsama kayo."

Sabi nya at sa sobrang bilis ng pangyayari ay di ako nakailag sa kanyang sapak. Bumagsak naman ako sahig at naramdaman ang dugo sa aking ilong at labi. Hinawakan naman ako sa kwelyo nung lalaki at nakita ko ang malademonyo nyang ngisi. Di ko na nasilayan ang sunod na nangyari ng dumilim ang aking paningin ng sapakin nya ulit ako sa aking mukha.

•·················•·················•

Unti-unti ako nagkaroon ng malay. Dahan-dahan ko iminulat mata ko. Ng luminaw na ang aking paningin ay iginala ko ang tingin ko sa paligid. Medyo madilim ang lugar at ang tanging ilaw lang ay ang galing dun sa may butas na parte ng bubong. Nasan ako?

Gagalaw na sana ako pero ngayon ko lang namalayan na nakatali pala tong kamay ko ng mahigpit. Sinubukan kong tanggalin iyon ng biglang bumukas ang ilaw. Napapikit naman ako ng kaunti dahil sa sobrang liwanag. At ng maging maayos na rin paningin ko ay nanlaki naman ang aking mata ng makita ko ang walang malay na si Yuna na nakahandusay sa sahig sa aking harapan, parehas nakatali ang kamay at paa.

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon