YUNA.
"AAAHHHHH!!!"
Halos mailayo ko na tong cellphone ko sa tenga ko ng bigla nalang tumili si Lea mula sa kabilang linya.
"Kumalma ka nga, leche. Ano ba kasi ikwekwento mo?"
"Nililigawan na ako ni Woozi!"
Literal na nanlaki mata ko at halos tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama ko. Tama ba narinig ko?
"Hoy, ano?"
"Umamin kasi ako, tapos umamin rin sya. Di ko akalain na magugustuhan rin ako ni Woozi! Bukas nga manonood kami ng sine eh!"
"Agad-agad, teh?"
Sabi ko at narinig ko ang pagtawa nya. Napangiti nalang ako ng bahagya at napailing. Kung dati lang nagagalit pa sya sa akin sa tuwing binabanggit ko si Woozi sa kanya, di nya na daw kasi nagugustuhan. Tapos ngayon malalaman kong nagliligawan na pala ang dalawa. Jusko. Napaka-rupok rin talaga nitong kaibigan ko at kaibigan ni Jun.
"Hay nako. Goodluck nalang dyan sa date nyo. Sana all nalang."
"Wag nga ako! Mas lalong sana all sa inyo ni Jun! Dami kayang naiinggit sayo ghorl!"
"Jusko. Osya, matutulog na ako. Basta tandaan mo lang na, maghinay-hinay ka lang pagdating sa pag-ibig. Kilalang-kilala kita Lea."
Paalala ko sa kanya. Syempre bilang kaibigan nya, nag-aalala ako para sa kanya. At tsaka di ko pa gaano nakakausap at nakikilala si Woozi. Bihira lang kasi magpakita. Tsaka medyo hindi okay yung huling pag-uusap namin nun nung dadalawin ko sana si Jun sa hospital. Basta yun.
"Ayie, ang sweet mo naman! Salamat, Yuna! Sige, goodnight! I love you beshy."
"Love you too."
Pagtapos nun ay pinatay ko na ang call. Napahikab ako at nag-unat. Inayos ko na higaan ko at mahihiga na sana ng bigla ko nalang marinig ang pagbukas ng pinto. Napalingon ako at nakitang sumilip si Mama.
"Oh ma, bakit?"
"Anak, andito si Jun. Gusto ka daw nya kausapin."
Sabi ni Mama at ngumiti sa akin. Napakunot naman tong noo ko. Napatingin ako sa relos at nakitang 10 na ng gabi. Gabi na bakit pa nagpunta dito si Jun?
Lumabas na ako sa kwarto at dumiretso na sa baba. Pagbaba ko ay nakita kong nakabukas ng kaunti yung pinto namin sa harapan. Naglakad ako papalapit dun at dahan-dahan binuksan iyon. Pagsilip ko ay nakita kong nakatayo si Jun sa may gilid habang nakatanaw sa kalangitan. Bahagya nalang ako napangiti at lumapit na sa kanya.
"Jun.."
Tawag ko. Kaagad syang napalingon sa akin. A small smile formed on his lips as our eyes met.
"Hi, Yuna..."
Sabi ni Jun at hinawakan tong kamay ko.
"Gabi na ah? Bakit ka nandito? Baka mamaya hanapin ka sa inyo."
Sabi ko. Napangiti naman si Jun at hinawakan ang pisngi ko gamit ang isa nyang kamay. Tinignan nya ako diretso sa aking mata.
"Gusto ko na pumunta ka."
Sabi nya na ikinataka ko naman.
"Punta saan?"
"Sa sayaw ko bukas."
Sabi nya at di ko naman maiwasan magulat.
"Sayaw? May–"
"Yes, we have our dance competition tomorrow."

BINABASA MO ANG
FANGIRL.
De Todo" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.