Kaagad ako napatigil sa paglalakad ng marinig kong may tumawag sa akin. Pagkalingon ko ay napangiti ako ng makita ko si Jeonghan. Ng makalapit na sya sa akin ay ginulo-gulo nya naman tong buhok ko. Tinignan ko sya ng masama at tinawanan nya naman ako.
"Masanay ka na na araw-araw kong guguluhin tong buhok mo."
Natatawa nyang sabi at pabiro kong hinampas braso nya. Tumawa lang sya ng tumawa. Grabe, 1 month na nakakalipas at di ko akalain magiging kaclose ko sila Jeonghan at Lea. Di ko naman maiwasan matuwa dahil nagkaron ako ng kaibigan na tulad nila. Saglit akong napasulyap kay Jeonghan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mukha talaga syang anghel, hays. Naramdaman siguro ni Jeonghan na nakatingin ako sa kanya kaya naman napatingin sya sa akin. Napataas naman ang isang kilay nya.
"May dumi ba sa mukha ko?"
Tanong nya at natawa naman ako sa naisip ko na lokohin sya.
"Oo, ang laki."
"Ha? Weh??"
Gulat nyang sabi at kinapa-kapa mukha nya. Di ko na napigilan matawa pero natigil yun ng makarinig kami ng mga tilian ng babae. Sabay kaming napatingin sa harap at nakita namin na nagkukumpulan yung mga babae dun sa may labas ng practice room. At alam ko na agad kung sino pinagkukumpulan nila. Syempre, walang iba kundi si...
"Malamang, pag may mga babae andun si Jun."
Sabi ni Jeonghan at di ko alam bakit napangiti ako. Simula ng mapanood ko lahat ng dance covers nya, sobra akong nahanga sa kanya na maging ako ay naging fan nya na rin. Hinawakan ko braso ni Jeonghan at niyaya sya papunta dun.
"Tara!"
Nakangiti kong sabi at napahinga naman sya ng malalim. Nakisama kami dun sa mga babae habang hila-hila ko si Jeonghan. Tumingkayad ako at sinubukan silipin kung anong ganap sa loob ng practice room. Mas lalo akong napangiti ng makita kong sumasayaw si Jun pero ngayon ay may kasama sya. Kaibigan nya ata yun at bigla ko naman naalala si Lea. At bigla ko rin naalala yung sinabi nya sa akin nun...
"Ano?"
Di makapaniwala kong sabi sa kanya. Napatakip naman sya ng mukha habang kinikilig.
"May gusto ka sa kaibigan ni Jun?"
"Shh! Wag kang maingay!"
Sabi nya at inalis na yung kamay sa mukha nya. Kitang-kita ko naman kung gaano kapula yung mga pisngi nya.
"Ano pangalan?"
"Si Woozi! Alam mo ba, naging magkaklase kami nung elementary. Pero di ko alam kung naaalala nya pa ako."
May halong lungkot na sabi ni Lea dun sa huli nyang sinabi. Magsasalita na sana ako pero bigla nanaman syang kinilig.
"Wag ka maingay ah! Sa atin lang dalawa to."
"Wag ka mag-alala, di to makakaabot sa kanya."
Natatawa kong sabi at mas lalo naman syang kinilig. Hay nako.
Natauhan ako ng magsitilian nanaman yung mga babae. Kaagad ako napatingin sa may practice room at nakitang papalabas na ng room si Jun. Agad nagsitabihan yung mga babae pero para akong naistatwa bigla sa kinakatayuan ko. Napatingala naman si Jun at naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko ng magtama ang mga mata namin.
Nagsimula na syang maglakad habang nakatingin pa rin sa akin. At ng malapit na sya sa akin ay umiwas na sya ng tingin. Ng makalagpas na sya sa akin ay naamoy ko yung pabango nya. Fudge, ang bango nya. Ng makaalis na sila ay nagsialisan na rin yung mga babae at sumunod sa kanila hanggang sa kaming dalawa nalang ni Jeonghan ang nandito.
"Uy, ok ka lang?"
Tanong ni Jeonghan. Di ko naman mapigilan mapangiti at humarap sa kanya. Mukhang nagtaka pa sya sa tsura ko ngayon.
"Tumingin sya sa akin! Aaaa!"
Kinikilig kong sabi at napabuntong hininga naman si Jeonghan. At napaaray nalang ako ng bigla nyang pitikin tong noo ko.
"Tara na, malalate na tayo."
Sabi nya at nauna ng maglakad. Tinignan ko naman sya ng masama. Psh. Bakit kailangan mamitik ng noo? Napahinga nalang ako ng malalim at sumunod na sa kanya.
•·················•·················•
Habang nagdidiscuss yung teacher namin ay di ko naman mapigilan mapatingin kay Jun na nakaupo sa harap. Sa mga oras na yun, naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng maalala ko yung pagtingin nya sa akin kanina. Hindi naman sa assumera ako. Kinilig lang ako dahil sa mga tingin nyang nakakatunaw.
Natauhan naman ako ng maramdaman kong nay kumalabit sa akin. Akala ko kung sino pero si Jeonghan lang pala iyon. Napatingin ako sa kanya at sumenyas naman sya na makinig ako sa teacher namin at wag si Jun tignan ko. Nagpout ako sa kanya at nakinig nalang sa teacher namin.
Dumating na ang break time at nagsilabasan na agad yung iba. Sabay-sabay na kaming tatlo lumabas ng room. Saktong papalabas kami ng room ay nakasabay namin si Jun. Napatigil sya sa paglalakad at pinauna kami. Ngumiti nalang ako sa kanya at bigla naman siniko ni Lea tong braso ko.
"Baliw."
"Baliw sa kanya, yieee!"
May halong asar nyang sabi. Pabirong tinarayan ko nalang sya. Lagot sya sa akin pag nakita namin si Woozi.
•·················•·················•
Habang kumakain kami ay pinapanood naman namin yung bagong dance cover ni Jun. Sabay kaming kinikilig ni Lea samantalang napapailing nalang sa amin si Jeonghan.
"Hoy, baka makalimutan nyong manood mamaya ah."
Biglang sabi ni Jeonghan. At sabay naman kaming napatingin sa kanya.
"Ano meron?"
Nagtatakang tanong ni Lea.
"Nakalimutan nyo na ba? May laro ako mamaya. Yan, puro kayo Jun nakakalimutan nyo na ako."
Pagmamaktol ni Jeonghan. Oo nga pala, may laro nga pala si Jeonghan ng basketball mamaya.
"Ay oo nga pala! Sus, wag kang mag-alala, manonood kami ni Yuna."
"Tss. Siguraduhin nyo lang kundi di ko kayo ililibre."
Sabi ni Jeonghan at ngumisi sa amin dalawa. Natawa nalang kami at nagpatuloy sa pagkain.