JEONGHAN.
Ng makalabas ako sa kwarto ni Yuna ay napawi naman tong ngiti ko at napahinga ako ng malalim. Mabuti nalang okay na pakiramdam ni Yuna at sobrang nag-alala ako para sa kanya ng di namin sya mahanap.
Nagsimula na ako maglakad palayo. Nilabas ko cellphone ko at tatawagan na sana mga kalaro ko ng biglang may nakabangga ako. Muntikan pa mahulog cellphone ko. Napatingin ako sa nakabangga ko at isang babae pala.
"Hey! Tignan mo nga dinadaanan mo!"
Mataray nyang sabi sa akin. Napangiti nalang ako at nagsorry sa kanya.
"Sorry."
"Dapat lang."
Sabi nya at naglakad na palayo. Saglit ko naman sya pinagmasdan. Medyo pamilyar mukha nya at parang nakita ko na sya. Di ko lang maalala kung saan. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Ng makalabas ako ng hospital ay napatingin ako sa kalangitan. Grabe, ang malas ko talaga pagdating sa pag-ibig. Naisip kong magkape nalang at maglalakad na sana ako ng biglang may tumawag sa akin.
"Jeonghan!"
Napalingon kaagad ako at nagtaka sa kung sino man tumawag sa akin. Nakita ko ulit yung babaeng nakabangga ko kanina. Lumapit sya sa akin.
"Jeonghan, tama ba?"
"Paano mo ako kilala?"
Nagtataka kong tanong sa kanya. Nagulat ako ng bigla syang ngumiti sa akin. Saglit naman ako natulala sa kanya.
"Duh. Kaibigan ka ni Yuna diba?"
"Tapos?"
Tanong ko at wala pa rin akong kaide-ideya sa kung sino tong babaeng to. Baka isa to sa mga nagkakagusto sa akin. Hays. At tsaka, paano nya nalaman na kaibigan ko si Yuna? Naparolyo naman sya ng mata.
"Di mo ba ako napapansin? Magkasama kami minsan ni Yuna eh!"
Sabi nya at prinoproseso ko naman sa utak ko yung sinabi nya. May naalala nga ako nung nakita ko minsan si Yuna na may kasamang babae. Nung una nga akala ko si Lea eh.
"Medyo naaalala kita."
Sabi ko at napangiti ulit sya ng malapad.
"Ayun. Dadalawin ko nga rin dapat si Yuna at Jun."
"Anong kinalaman mo kay Jun?"
Nagtataka kong tanong. Napasulyap naman ako sa relos ko at nakitang malapit ng mag 10 ng gabi. Aish, baka magsaraduhan na mga coffee shop. Magsasalita na sana tong babaeng sa harap ko pero inunahan ko na agad sya.
"Ok wag mo na sagutin tanong ko. Mauuna na ako, paalam."
Sabi ko at tumalikod na sa kanya. Nagsimula na ako maglakad pero maya-maya naramdaman kong sinundan ako nung babae. Napasulyap naman ako sa kanya.
"San ka punta? Sama ako sayo!"
"Sus, magkakape lang ako."
Sabi ko at tinaboy sya pero parang bingi ata tong babaeng to at sinundan pa rin ako.
"Sama ako! Dali na!"
Pagpupumilit nya. Napabuntong hininga nalang ako at wala ng nagawa kundi pumayag nalang na sumama sya sa akin. Nung una tatarayan nya ako tapos ngayon gusto nyang sumama sa akin? Loko-loko ata tong babaeng to.
•·················•·················•
Nakarating na kami sa coffee shop at mabuti nalang hindi pa sarado. Nakaupo lamang kami sa may gilid ng bintana. Umorder ako ng hot coffee at sya naman iced. Kesyo di nya daw trip uminom ng mainit. Di ko naman tinanong.
BINABASA MO ANG
FANGIRL.
Random" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.