YUNA.
Andito na kami sa gym. Di ko akalain na madami palang manonood ngayon. First game palang to pero grabe pang finals na yung vibe. Halos karamihan na andito ay mga babae na puro sigaw ng mga pangalan nung mga maglalaro ngayon. Napailing-iling nalang ako at pinunta tong atenyson ko sa may gitna kung saan nagpupulong yung mga players. Namataan ko agad si Jeonghan na seryoso habang nakikinig dun sa coach nila. Ang gwapo pala nya tignan kapag naka-jersey. Mas lalo syang pumuti. Di ko akalain na may anghel palang magaling mag-basketball. Charot. Maya-maya ay nakabalik na si Lea na galing cr. Naupo na sya sa tabi ko at nagtaka ako ng makita kong kinikilig sya.
"Ano meron?"
"Nabalitaan ko na maglalaro rin ngayon si Woozi! Kalaban sya ni Jeonghan."
Sabi nya at napa "ohh" naman ako. Bigla ko naman naalala si Jun. Naglalaro rin ba sya? Itatanong ko na sana yun kay Lea pero sumipol na yung coach, senyas na magsisimula na yung laro. Kaya naman mas lalong nagsitilian yung mga babae ng magpuntahan na sa gitna yung mga maglalaro. Nakita namin si Jeonghan na patingin-tingin sa paligid, mukhang hinahanap nya kami. Kumaway-kaway kami para makita nya kami at di nagtagal ay nakita na rin kami sa wakas ni Jeonghan.
"GO JEONGHAN!"
Sigaw namin ni Lea. Napangiti naman si Jeonghan at nagthumbs up sa amin dalawa. Maya-maya ay nagsimula na ang laro. Todo makacheer naman lahat. Ng maagaw ni Jeonghan yung bola sa kalaban nila ay napatili naman kami ni Lea.
"WHOOO! KAIBIGAN NAMIN YAN!"
Pagsigaw ni Lea at natawa nalang ako sa kanya. Pinanood lang namin na idribol ni Jeonghan yung bola papunta sa ring. At napatayo kami dahil sa sobrang tuwa ng maishoot nya yun.
"WE LOVE YOU JEONGHAN!"
Nakipag-apir naman si Jeonghan sa mga kakampi nya na may ngiti sa kanyang labi. Bigla naman syang napatingin sa akin at mula sa pwesto ko ay nakita kong kinindatan nya ako. Anak ng tokwa! Natawa nalang ako sa ginawa nya.
"Shet! Ang landi ni Jeonghan may pa kindat-kindat pa ah! Kayo ah!"
Biro ni Lea at napailing-iling nalang ako sa kanya. Naging mainit ang laro at ramdam ko yung tensyon ng dalawang magkalaban, lalo na halos magkapantay na yung scores nila. Pero maya-maya ay bigla nalang hinawakan ni Lea tong braso ko.
"Shet! Andyan na bebe boy ko!"
Sabi nya sabay turo sa may gilid. Tinignan ko naman maigi at nakita namin si Woozi na mukhang kakadating lang. Akala ko kasama nya si Jun pero akala ko lang pala yun. Hmm. Baka siguro nagprapractice yun.
"Omg! Ang gwapo nya!"
Kinikilig na sabi ni Lea at kinuhanan ng picture si Woozi kahit na nakatalikod ito sa amin. Naupo na muna yung mga players at nagpahinga. Habang busy kakapicture si Lea kay Woozi ay ako naman pinagmamasdan si Jeonghan na nagpupunas ng pawis. Pagtapos ay nagulat nalang ako ng bigla syang umakyat papunta sa amin. Kinilig naman yung mga babae at sinundan nila ng tingin si Jeonghan.
"May tubig kayo?"
Hingal na hingal na sabi ni Jeonghan. Tumango naman ako at inabot yung binili kong tubig. Nagpasalamat naman sya at muling ginulo tong buhok ko.
"Thanks."
"Hoy Jeonghan! Kalaban mo ang bebe boy ko kaya easyhan mo lang ah!"
Sabi ni Lea at napailing-iling nalang si Jeonghan sa kanya. At ako natawa nalang sa dalawang to. Bumalik na si Jeonghan sa kanyang pwesto at pinakita naman sa akin ni Lea ang mga nakuhanan nyang picture ni Woozi na halos nakatalikod lahat.
"Mamaya ko na ulit sya pipicturan. Baka mapuno agad tong memory ko, hihi."
"Bakit di ka kaya magpapic sa kanya pagtapos ng laro?"
Sabi ko at kinilig naman ang bruha.
"Eh! Nahihiya ako!"
"Sige na! Ako na magpipicture sa inyo!"
Sabi ko at kinulit sya ng kinulit hanggang sa pumayag na syang magpapicture kay Woozi mamaya.
"Mamaya ah!"
"Psh. Oo na!"
Sabi nya at hanggang ngayon namumula pa rin mga pisngi nya. Natawa nalang ako sa kanya at muling nanood sa laro. Kalaban na ngayon ni Jeonghan si Woozi. Medyo mabilis tumakbo yung Woozi at mabilis nya din naaagaw sa iba yung bola at lahat ay napapatili ng makashoot sya, kasama na dun si Lea na walang awat kaka bebe boy.
Pero mamaya-maya napunta tong atensyon ko sa may mga upuan sa gilid. May nakita akong isang pamilyar na lalaki na halos kadadating lang. Ng lumingon ito ay napatakip ako sa bibig ng makita na si Jun pala iyon. Fudge! Yung idol ko!
Umakyat na sya sa bleachers at naghanap ng upuan. Agad naman sya napansin ng mga babae sa paligid at nakuha nya agad lahat ng atensyon ng mga babae. Naupo si Jun dun sa pinakataas, kung saan walang masyadong tao. May kumakausap naman na mga babae sa kanya pero di nya iyon pinansin. Nagsuot sya ng airpods sa magkabilaang tenga nya at nagcellphone. Hindi ba sya pumunta dito para suportahan kaibigan nya? Mukhang wala naman syang interes manood pero shet, bakit ang cool nyang tignan lagi?
"Omg, andito pala si Jun! Papicture ka sa kanya."
Sabi ni Lea at kaagad naman ako tumanggi. Umiling-iling ako sa kanya.
"Baliw ayoko!"
"Bakit? Picture lang eh, ako nga kinulit-kulit mo ako."
Sabi nya at nagpout.
"Eh. Magkaiba yun. Manood nalang tayo."
Sabi ko pero di naman nakinig si Lea at bigla nalang sya tumayo. Napatingala ako sa kanya at akala ko ichecheer nya ulit sila Jeonghan pero nagulat ako ng bigla nyang tinawag si Jun.
"Jun! Papicture daw kayo ng kaibigan ko!"
Sigaw nya. Expected ko naman na di maririnig yun ni Jun dahil naka-airpods sya. Pero paglingon ko ay nakita kong hawak-hawak nya yung isang airpod at nakatingin sa direksyon namin. Bigla nalang sya napatingin sa akin at umiwas kaagad ako ng tingin. Puta yung puso koooo!
"Dali na! Papicture na kayo!"
"Ayaw!"
Sabi ko at pilit nilalayo kamay ko kay Lea. Punyeta talaga!
"Sige na oh! Nakatingin sya dito!"
Pagpupumilit ni Lea at ramdam kong pinagtitinginan na kami ng iba. Pilit akong umaayaw at paatras na ako ng paatras palayo sa kanya. At dahil walang nakaupo sa gilid ay di ko namalayan na nasa dulo na pala ako. Napatili ako ng mahulog ako at akala ko matutumba ako sa sahig pero naramdaman kong may sumalo sa akin. Napansin ko na biglang kinilig si Lea at nakatingin na lahat sa akin. Dahan-dahan ako napalingon at napatakip sa bibig ng makita kong si Jun pala ang sumalo sa akin.
Saglit akong natulala sa napakaganda nyang mata. Parang isang panaginip lang to. Di ko akalain na makakalapit ako ng ganto sa kanya. Naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dahil dun, agad ako lumayo kay Jun at nagpasalamat sa kanya.
"S-s-salamat.."
Sabi ko. Wala syang sinabi at bumalik na sa kanyang pwesto kanina. Natauhan naman ako ng biglang lumapit sa akin si Lea at may pinakita sa cellphone nya.
"At least may picture na kayong dalawa."
Sabi nya at halos nanlaki mga mata ko ng makita ko yung picture ni kinuha ni Lea. Hawak-hawak ni Jun likod ko habang nakatingin kami sa isa't isa. Shet gusto ko kiligin pero nakakahiya lalo na ang daming nakatingin kanina!
"Sana all–"
"L-lagot ka sa akin mamaya!"
BINABASA MO ANG
FANGIRL.
Random" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.