01

407 13 19
                                    

JUN.

Muli akong napalingon sa kanila at nakitang umalis na yung babae. Ng makaalis na sya ay nilapitan naman ako ni Woozi.

"Kilala mo ba yung babaeng yun?"

Tanong nya. Napahinga naman ako ng malalim at umiling-iling. Ngayon ko nga lang sya nakita dito eh. Ang weird ba nun na halos kabisado ko mga mukha ng lahat ng estudyante dito?

"Napansin ko kasi kanina ka pa nya pinapanood sumayaw."

"Di porket kanina nya pa ako pinapanood eh kilala ko na agad sya."

Walang kaemo-emosyon kong sabi at tumayo na. Pero saktong pagtayo ko ay naramdaman ko nanaman ang pagsakit ng likod ko. Kaagad ako napapikit dahil sa sakit at napahawak sa likod ko. Inalalayan nanaman ako ni Woozi.

"Tsk. Diba sabi na ng doctor sayo na magpahinga ka muna ng ilang linggo. Baka mas lalo lang–"

"Ok lang ako. Kaya ko pa naman."

Pagpuputol ko agad sa kanya. Dahan-dahan ko na binitawan tongl likod ko ng mawala na yung sakit. Napabuntong hininga naman sya sa akin.

"Ayan ka nanaman. Pag ikaw nahospital ulit, makakaltukan na talaga kita. Napaka-kulit mo talaga, aish."

Sabi ni Woozi at napangisi nalang ako sa sinabi nya. Sanay na naman ako sa mga sinasabi nya lagi sa akin.  Kinuha ko na bag ko at isinukbit na ito sa aking balikat. Napatingin ako sa orasan na suot ko at nakitang malapit ng mag alas otso. Malamang mapapagalitan nanaman ako nito dahil di nanaman ako naka-attend ng first subject namin.

"Sige, aalis na ako."

"Sana magkita kayo nung babaeng yun."

Bigla nyang sabi at nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tinignan ko schedule nya kanina. At mukhang kaparehas nung iyo. In short, kaklase mo sya."

Sabi nya at sa mga oras na yun bigla kong naalala yung sinabi ng teacher namin nun na may bago kami magiging kaklase. At di ko akalain na yung babaeng yun pala ang tinutukoy nya.

"Hmm. Alis na ako."

"Ge, pre. See you mamaya!"

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon