21

208 9 24
                                    

YUNA.

So far, the game was going well. Di namin akalain na makakabawi yung team nila Jun at mas lamang na ngayon score nila kesa sa kalaban. Habang pinapanood ko si Jun ay di ko naman maiwasan mamangha sa kanya. Sobrang galing nya na sumayaw at ang galing nya rin pala maglaro. No wonder sya kinuha ng coach nila Jeonghan. Todo tilian naman yung babae sa tuwing nakakashoot si Jun. Halos sumabog na tong eardrums ko.

"Sinasabi na nga bang si Jun lang pinunta nila dito eh."

Iritado na sabi ni Jeonghan at napabuntong hininga. Di naman ako makapagsalita dahil di ko naman alam sasabihin ko. Nanood nalang ulit ako. Mas lalo naging intense yung laro ng makaabot na sa puntong halos pantay na yung mga scores. Halos lahat tutok na tutok sa kung sino man mananalo ngayong araw na ito. Pinasa na kay Jun yung bola at muling nagsitilian yung mga babae at nagcheer para kay Jun. Bago pa maagaw kay Jun yung bola ay diretso nya itong ibinato sa may ring. Sinundan namin kung saan patungo yung bola at ng mashoot to sa ring ay nagsitayuan at nagsigawan yung mga nanonood samantalang napanganga nalang ako dahil sa gulat.

Nanalo na yung team nila Jun at sobrang saya naman ng mga ka-teammate nya. Lahat sila nagsipuntahan sa gitna at pinalibutan si Jun. Yung iba naman gusto  makipagpicture sa kanya at sa mga ibang naglalaro.

"Magaling pala sya, huh."

Sabi ni Jeonghan na mukhang di makapaniwala. Di ko naman maiwasan matawa sa reaksyon nya.

"Magaling ka rin naman, don't worry."

"Kikiligin na ba ako?"

Tanong nya at biglang ngumisi sa akin. Pabiro ko naman hinampas yung braso nya.

"Loko ka talaga. Tara na nga, umuwi na tayo."

Pag-aya ko at sabay na kaming tatlo bumaba sa bleachers. Bago kami makalabas ay saglit naman ako napasulyap kay Jun at nakitang masaya syang nakikipag-usap sa mga kalaro nya. Napangiti nalang ako ng bahagya. Ngayon ko lang nakitang masaya si Jun. Nakakapanibago para sa akin. Tuluyan na kami lumabas ng gym.

"Grabe, ang galing ni Jun no? Dapat pala nakipagpicture rin tayo sa kanya."

"Kayo lang wag nyo na ako isama."

Sabi ni Jeonghan na mukhang naiirita nanaman. Natawa nalang kami ni Lea sa kanya. Nagpaalam na kami sa isa't isa before we part ways.

•·················•·················•

Nandito ako ngayon sa convinience store. Naisipan ko lang kumain ng noodles at nagpaalam naman ako kila Mama. Ng maibigay na sa akin yung noodles ay nagpasalamat na ako dun sa babae sa counter. Dumiretso na ako sa labas at naupo na sa mga upuan dun. Habang hinihintay kong maluto yung noodles ay nagitla ako ng may narinig akong nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?"

Kaagad ako napatingala at nakahinga ng maluwag ng makita ko si Jun lang pala yun. Nakaitim sya na sumbrelo, naka-puting hoodie at itim na sweatpants. Kahit na ang casual lang ng suot nya ang gwapo nya pa rin. Pero mas gwapo sya kanina nung naka-jersey sya...

Natauhan naman ako ng marinig kong inusog nya yung upuan sa tapat ko. Nakita kong umupo sya sa aking tapat.

"Di ka naman siguro magagalit na nakishare ako ng table sayo, no?"

"Hindi naman.."

Sabi ko at napakamot ng ulo. Tumango-tango nalang si Jun at may nilabas na plastic. Pinagmasdan ko lang sya at mula sa loob ng plastic ay meron syang kinuha isang can ng beer. Umiinom rin pala sya?

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon