YUNA.
Nakalipas na ang isang linggo at ngayong araw na ang laro nila Jun. Mukhang walang balak manood si Jeonghan pero dahil pinilit namin sya ni Lea, pumayag nalang rin sya manood. Pagtapos ng aming klase ay sabay na kaming tatlo dumiretso sa gym. Pagdating namin dun ay nagulat ako ng makita kong madaming manonood rin ngayon.
"Woah. Grabe, ang dami pala manonood."
"Malamang. Andito kasi idol nyo."
Walang kaemo-emosyon na sabi ni Jeonghan at nagkatinginan nalang kami ni Yuna. Naghanap na kami ng mauupuan. Medyo puno na rin yung harapan kaya sa pinaka-taas ng bleachers nalang kami naupong tatlo. Ako nasa gitna at nasa magkabilaang gilid ko naman sila Lea at Jeonghan.
"Lagot si Jun sa akin kapag tinalo nya team namin."
Sabi ni Jeonghan at natawa nalang ako ng marahan sa kanya.
"Magaling naman siguro maglaro si Jun. Di naman sya kukunin ng coach nyo kung alam nyang hindi sya marunong."
"Kahit na."
Reklamo ni Jeonghan at napailing nalang ako sa kanya. Maya-maya ay nagitla nalang kami ng biglang magsitilian yung mga babae. Akala namin ano na nangyari pero nagsisimula ng dumating yung mga maglalaro ngayon. At mas lalo silang nagtilian ng dumating na si Jun. Ang gwapo nya tignan lalo na nakajersey sya at kita yung buong braso nya.
"Hala, ang gwapo ni Jun!"
Kinikilig na sabi ni Lea. Saglit ko naman pinagmasdan si Jun. At nagulat nalang ako ng bigla syang mapatingin sa direksyon namin. Although I'm not sure kung kanino sya nakatingin. But, from where I was sitting, I can see his eyes looking back at me. Naramdaman ko ang biglaang pagbilis nitong tibok ng puso ko. Ano nanaman nangyayari sa akin? Napalunok ako at kaagad umiwas ng tingin. Maya-maya narinig kong nagsalita si Jeonghan.
"Titingin pa sya."
"Baka hinahanap nya kaibigan nya."
Sabi ko at napabuntong hininga nalang si Jeonghan at ipinatong ang kanyang baba sa kamay nya. Muli akong napatingin sa gitna at nakahinga ng maluwag ng makita kong di na nakatingin dito si Jun. Maya-maya ay nagsimula na yung laro. Di pa muna maglalaro si Jun ngayon kaya nakaupo lang muna sya aa gilid. At napansin ko naman na pinagkakaguluhan sya nung mga babaeng nakaupo sa likod nya. Jusko.
Naging mainit yung laro, literal. Kitang-kita na yung pawis sa mga noo nung mga naglalaro. Napatingin ako dun sa score board at nakitang mas lamang yung kalaban. Muling nagsalita si Jeonghan.
"Ano ba naman nangyayari sa kanila?"
"Chill ka lang, makakabawi rin yan."
Sabi ko. Pinanood ko kung paano sila mag-agawan nung bola. At ng mashoot nung kalaban yung bola sa ring ay narinig ko ang pagkadismaya ni Jeonghan. Tumunog na yung buzzer at panibagong players naman maglalaro. Tumayo na si Jun at muling tumili yung mga kababaihan.
"Uy, cheer mo naman sya!"
Sabi sa akin ni Lea at siniko tong braso ko. Tinignan ko naman sya ng masama.
"Ayoko!"
"Asus! Nakatingin nga sya eh."
May halong asar na sabi ni Lea at naramdaman ko nanaman muli ang pagkabilis ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan ako napatingin sa gitna at nanlaki naman tong mata ko ng makita kong nakatingin ulit sa akin si Jun. Ako ba tinitignan nya o ano?? Di ko tuloy maiwasan mailang kaya agad ko tinakpan mukha ko. Narinig ko naman na tinawanan ako ng bruha.
Leche. Bakit ka nakatingin sa akin Jun?
BINABASA MO ANG
FANGIRL.
Random" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.