29

220 8 15
                                    

LEA.

Sabado ngayon at wala kaming klase. I decided to go to the nearest coffee shop in town and bought my favorite iced coffee. Niyaya ko naman sila Yuna but both of them are busy, they say. Hays. Sana naman bati na yung dalawang yun. Kung di ko nakumbinsi kahapon si Jeonghan na mag-usap sila, baka tuluyan ng di magpansinan yung dalawa. At kahit di man sabihin ni Jeonghan, alam ko ang nararamdaman nya para kay Yuna. It's obvious. Napansin ko lang kung pano sya kumilos kapag andyan si Yuna at kung paano nya tignan si Yuna. Totoo ngang inlove na yung kupal na yun.

Napahinga nalang ako ng malalim at humigop sa iced coffee na binili ko. Pagtapos ay pinagmasdan ko naman yung mga ganap sa labas ng bintana. I just smiled at myself. Pero maya-maya ay may bigla nalang nagsalita sa gilid ko. Kaagad ako napatingin sa gilid at muntikan ko ng maibuga yung kape na iniinom ko ng makita ko si Woozi...

"W-woozi?"

Di makapaniwala kong tanong. Napangisi nalang si Woozi at naupo sa tabi ko. Kay swerte nga naman ng araw ko.

"Di ko akalain na dito ka rin tumatambay."

Sabi nya at humigop dun sa binili nyang inumin. Di ko alam kung bakit napangiti ako.

"Dito ka rin ba tumatambay?"

"Nope. Napadaan lang ako at naisipan kong bumili. But then, I saw you."

Sabi nya at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ayoko kiligin, pero napaka-hangal nitong puso ko. Saglit na nagkaroon ng katahimikan. Parehas kaming nakatanaw sa labas ng bintana pero di ko naman maiwasan maawkwardan sa kanya. Lalo na ang lapit lang namin sa isa't isa.

"Hey, pwede mo ba ako samahan?"

Tanong nya at gulat naman akong napatingin sa kanya. Kung isang panaginip man to, ayoko ng magising.

"Saan?"

"Dapat kasi manonood kami ng sine ni Jun ngayon. Pero biglang tumanggi yung lalaking yun at sayang naman yung extrang ticket na dala ko. Kaya, ikaw nalang isasama ko."

Sabi nya na mas lalong ikinabilis nitong tibok ng puso ko. HOLY SHET! Akala ko pa naman sa isang lugar o ano pero, sa sine?!

"Um, bakit ako? I mean, bakit di yung mga ibang kaibigan mo?"

"Busy silang lahat. So ano, gusto mo ba?"

Tanong nya at ngumiti sa akin. First time ko lang syang nakitang ngumiti ng ganyan sa akin. His smile is so genuine and sincere. Pero, ayoko mag-assume masyado. At tsaka no choice rin sya kaya ako ang napili nya, I don't need to be happy about it. Like what I said, there's nothing to feel special when it comes to the things he do for me. He said so himself. Pero, pumayag nalang rin ako na samahan sya manood. Kase, totoo naman na sayang yung ticket.

"Sure."

•·················•·················•

Nasa may sinehan na kami ngayon sa isang mall. Nakapila na ngayon si Woozi sa bilihan ng mga pagkain. Wala naman akong balak bilin tsaka di naman ako masyado mahilig sa popcorn. Maya-maya ay nakabalik na si Woozi at nagtaka ako ng makita kong bumili sya ng dalawang bucket ng popcorn.

"Um, kanino yung isa?"

"Sayo malamang."

Sabi nya at inabot na sa akin yung popcorn. Di ko naman maiwasan magulat at tinanggihan yung binili nya. Jusko, sapat na sa akin yung extrang ticket na libre nya.

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon