35

239 10 18
                                    

YUNA.

Tahimik lamang ako habang naglalakad sa hallway. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung nangyari nung sabado. Pero di ko na maalala kung ano mga pinag-usapan namin nun. Napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong may tumawag sa akin. Nung una akala ko sila Lea pero paglingon ko ay nakita ko si Stephany.

"Hi Yuna!"

Nakangiti nyang bati sa akin at nginitian ko nalang sya. Parang ilang araw ko syang di nakita at ngayon ko lang ulit sya nakita. Sumabay sya sa paglalakad ko.

"Kamusta naman?"

"Ok lang. Ikaw?"

Tanong ko pabalik sa kanya. Napasulyap ako sa kanya at nakitang napangiti sya. Di ko alam bakit parang may kakaiba sa mga ngiti nya.

"Ok lang rin."

Tumango-tango nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Tumahimik ulit ang paligid at di ko alam bakit medyo awkward na ang pakiramdam ko. Ramdam ko naman na pasulyap-sulyap sa akin si Stephany at di ko naman alam ang gagawin ko. Pero maya-maya ay narinig ko ulit syang nagsalita.

"Oo nga pala, kamusta naman lakad nyo ni Jun nung sabado?"

Bigla nyang tanong at literal akong natigilan. Gulat akong napatingin sa kanya. Ngumiti sya sa kanyang sarili bago tumingin sa akin. Teka, pano nya nalaman na magkasama kami ni Jun nung sabado? Nakita nya ba kami dun? Andun ba sya?

"Pano mo–"

"Yayayain ko nga rin sya dapat kumain eh. It was supposed to be our date pero inunahan mo ko."

Sabi nya at natawa ng marahan. Di ko alam pero, parang may galit sa akin si Stephany.

"Ok lang naman. Yayayain ko nalang sya some other time."

Sabi nya at tinignan ako diretso sa aking mata. Sa mga oras na yun, di ako makapagsalita.

"At sana wag kang mag-isip ng kung ano-ano ng dahil lang sa kumain kayo. Wala lang yun para kay Jun."

"Wala akong i–"

Naputol sasabihin ko ng maramdaman kong may biglang tumayo sa likod ko. Dahan-dahan ako napalingon at di ko maiwasan magulat ng makita namin si Jun na seryosong nakitingin kay Stephany.

"Hi Jun!"

Nakangiting bati ni Stephany. Napayuko naman ako at nagpaalam na sa kanila at naglakad na paalis. Pero bago ko pa malagpasan si Jun ay nagulat nanaman ako ng bigla nyang hinawakan tong braso ko. Dahil dun, nagsimulang bumilis tong tibok ng puso ko. Muli akong napatingin kay Jun na hanggang ngayon seryoso pa rin nakatingin kay Stephany. Huminga sya ng malalim bago magsalita.

"Wag mo syang kakausapin kung ganyan lang rin naman pakikitungo mo sa kanya."

Rinig kong sabi ni Jun at sa mga oras na yun ay gusto ko ng lamunin ako ng lupa dahil di ko na kinakaya tong sitwasyon na to.

"May sinabi ba akong masama? I'm just trying to remind her. Sa tingin mo ba, lahat ng ginagawa mo para sa kanya ay balewala lang para sa kanya?"

Sabi ni Stephany na mas lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko. Di agad nakapagsalita si Jun at naramdaman kong napatingin sya sa akin. Muli akong napayuko at kaagad inalis tong braso ko mula sa pagkakahawak nya. Di na ako tumingin pa sa kanila at naglakad na paalis habang paulit-ulit nag-eecho sa utak ko yung sinabi ni Stephany.

•·················•·················•

"Bakit di ka kumakain, Yuna?"

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon