YUNA.
Natapos na ang laro. Talo yung team nila Jeonghan at ang nanalo ay yung team nila Woozi at sobrang tuwa naman ni Lea. Nagsialisan na yung iba at lumapit na kami kay Jeonghan. Agad namin sya tinawag at napangiti nalang sya ng malungkot sa amin. Kaagad namin syang nilapitan.
"Congrats!"
"Sus, talo nga kami."
May halong lungkot nyang sabi. Tinapik-tapik ko naman balikat nya.
"Baliw ok lang yan. Ang galing mo nga maglaro eh!"
Sabi ko at ngumiti naman si Jeonghan sa akin. Ginulo-gulo nya ulit yung buhok ko. Dapat talaga masanay na ako sa paggulo nya ng buhok ko.
"Salamat."
Sabi nya. Pagtapos ay niyaya ko na si Lea para makapagpicture na sya kay Woozi pero mukhang nakaalis na agad sila.
"Wala na umalis na sila."
"Ok lang! Napicturan ko naman sya kanina."
Sabi nya at binelatan ako. Napailing-iling nalang ako sa kanya. Sayang. Gagantihan ko pa naman din sana sya sa ginawa nya kanina.
"Anong meron?"
Tanong naman ni Jeonghan na walang kaalam-alam sa nangyayari.
"Magpapapicture sana to si Lea kay Woozi."
"Ikaw kaya nagsabi! Tsaka alam mo ba may picture na sila ni Jun!"
"Weh?"
Nagtatakang sabi ni Jeonghan at bago ko pa mapigilan si Lea ay naipakita nya na agad kay Jeonghan yung picture namin ni Jun. Putaaaa!
"Ang sweet nila diba?"
Biro ni Lea. Pinagmasdan ko lang si Jeonghan at ang seryoso lang ng mukha nya. Napahinga sya ng malalim at tinaboy na yung cellphone ni Lea.
"I-delete mo yan. Hindi na natutuwa dyan si Yuna."
Sabi nya at napatingin sa akin. Di ko naman alam sasabihin ko at di ko rin alam bakit ganun magiging reaksyon ni Jeonghan. Bakit kaya? Nagpout nalang si Lea sa kanya.
"Sus. Ang sama mo naman hmp."
"Tara na. Ililibre ko kayo kagaya ng sabi ko kanina."
Sabi ni Jeonghan at bigla naman natuwa si Lea. Sabay na kaming tatlo naglakad palabas ng gym. Pero di ko alam bakit ramdam kong may nakatingin sa amin habang nag-uusap kaming tatlo kanina. Hmmm.
•·················•·················•
JUN.
"Mabuti naman nanood ka."
Sabi sa akin ni Woozi. Napahinga naman ako ng malalim.
"Baka magtampo ka kung di ako manood."
"Magtampo ka dyan? Hays."
Sabi nya at inayos na mga gamit nya. Habang nag-aayos sya ay napunta naman tong atensyon ko dun sa tatlong tao na nag-uusap sa may gilid. Saglit ko pinagmasdan yung babaeng yun at mamaya-maya naramdaman kong hinawakan ni Woozi tong balikat ko.
"Sino dyan ang gusto mo?"
Tanong nya. I chuckled and moved his hands away from my shoulders.
"Masama na bang tignan sila?"
"Anong sila? Eh yung babaeng yun yung pinagmamasdan mo."
Sabi nya at mukhang tinutukoy nya yung babaeng nasalo ko kanina. Ang weird, alam kong kaklase ko sya pero bakit di ko kabisado pangalan nya?
"Gusto mo sya no?"
Tanong ni Woozi at siniko tong braso ko. Napahinga naman ako ng malalim at niyaya na sya palabas. Nauna na akong maglakad sa kanya.
"Hoy! Hintayin mo nga ako!"
BINABASA MO ANG
FANGIRL.
De Todo" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.