42

190 6 4
                                    

JUN.

"So, you like her?"

Tanong ko at gulat naman napatingin sa akin si Woozi.

"What? Of course not!"

"Sus. Niyaya mong kumain kahapon."

I said and slowly shook my head.

"I-it doesn't mean na gusto ko sya! Sakto kasi na nagugutom ako that time!"

"You and your lame reasons."

Sabi ko at pinaghahampas nya naman ako pero di naman ako nasasaktan sa mga hampas nya. Tinignan ko cellphone ko at nakitang nagchat pala sa akin si Yuna. Pero it was a minute ago at ngayon ko lang nabasa. Niyaya ko na pauwi si Woozi dahil naghihintay na pala sa akin si Yuna sa labas.

"Nakakagulat na kaibigan pala sya ni Yuna."

Sabi ni Woozi at di pa sya tapos. Napailing-iling nalang ulit ako sa kanya. Naisipan kong tawagan si Yuna kaya naman pinindot ko ang call button. Tinapat ko na iyon sa aking tenga at hinintay na saguti nya iyon. Pero makalipas ng ilang segundo ay di pa rin sumasagot si Yuna hanggang sa

Sorry, the person you're trying to call is unavailable. Please try your call later.

Baka mamaya nainip na yun si Yuna kakahintay sa akin kaya binilisan ko na paglalakad ko. Sumigaw naman si Woozi.

"Pre, aba, teka lang!"

"Hinihintay na ako ni Yuna."

I said. Ng makadating na kami sa school gate ay nagtaka ako ng hindi ko sya mamataan. Teka, asan si Yuna? Hingal na hingal naman tumabi sa akin si Woozi.

"Wow, ang galing. Hinihintay ka pala ah."

"It's your fault."

Sabi ko sa kanya at sinubukan tawagan ulit si Yuna.

"What?! Ano nanaman ginawa ko?!"

Di ko na muna sya pinakinggan at hinintay sagutin ni Yuna tawag ko. But then again, I got the same response. Why isn't she answering my call? Did I upset her? Nagpaalam na ako kay Woozi at dumiretso sa bahay ni Yuna. When I got there, I quickly knocked on their door.

"Yuna!"

Tawag ko. Maya-maya bumukas na ang pinto. Akala ko si Yuna ang nagbukas pero yung Mama nya pala. She seems surprised as she saw me.

"Oh, Jun. Ikaw pala yan."

"Magandang gabi, po. Andyan po si Yuna?"

Tanong ko at napakunot naman yung noo nya.

"Sabi nya sabay daw kayo uuwi?"

Fuck. Ayoko mag-isip ng kung ano-ano. I just smiled at her.

"Ah, baka po nasa tindahan."

"Hm, ok. At please, ihatid mo sya pauwi ok?"

Sabi nya at tumango nalang ako. Umalis na ako at pumunta sa convenience store. Hinihiling ko na sana andun si Yuna. Pero ng makadating ako dun ay nadismaya ako ng di ko sya makita dun sa mga upuan at lamesa at maski sa loob ng store. Tinanong ko naman yung lalaking nasa cashier kung nakita nya si Yuna.

"Pasensya na po, di ko po sya nakita eh."

"Salamat nalang."

Sabi ko. San magpupunta yun si Yuna? I just told her to wait for me. Maybe I did upset her for making her wait too long. Lumabas na ako sa convienice store at di ko namalayan na may taong paparating kaya di ko sadyang mabangga sa balikat nya. I quickly apologize but stopped as I saw Jeonghan.

Seryoso lang sya nakatingin sa akin at tinanggal yung hoodie ng sweatshirt na suot nya.

"Magkikita ba kayo ni Yuna dito?"

Seryoso nyang tanong sa akin. Napahinga naman ako ng malalim.

"No. In fact, I'm looking for her."

"Bakit? Asan si Yuna?"

Tanong nya and his face looks worried.

"I...don't know. Kaya nga hinahanap ko sya."

Sabi ko at napamura sa aking sarili. Then bigla ko naman naalala yung lalaking kumausap sa kanya kahapon dito. Ayokong isipin yung naiisip ko pero fuck, ang lakas ng kutob ko na may kinalaman yung lalaking yun kung bakit di ko mahanap ngayon si Yuna.

"Anong hindi mo alam? Hindi ba magkasama kayo araw-araw??"

Tanong nya at di naman ako makasagot. I just said yesterday that I would protect her. Fuck. I hate myself.

"Bakit ayaw mo magsalita? Asan si Yuna? Anong ginawa mo sa kanya?!"

Medyo tumaas na ang kanyang boses. Napahinga ako ng malalim at pagtingala ko ay nakita ko naman yung lalaki na yun sa di kalayuan. Nakasuot sya na itim na sumbrelo pero alam kong sya iyon. Ngumiti sya at naglakad na palayo. I clenched my jaw and quickly chased that fucking guy.

"HOY!"

Sigaw ko at sumunod naman sa akin si Jeonghan. The guy hopped on his motorcycle. Tumakbo ako papalapit sa kanya upang pigilan sya.

"ASAN SI YUNA?! ANONG GINAWA MO SA KANYA?!"

I screamed. I was about to grab him but he quickly drove off. Napamura naman ako dahil sa inis. I knew it! Tama ang hinala ko na sya rin yung lalaking lumalapit kay Yuna nung isang gabi. Damn that bastard. Natauhan ako ng bigla akong tinulak ni Jeonghan sa pader at hinawakan ang kwelyo ng aking damit.

"BAKIT HINAYAAN MONG MAWALA SI YUNA, HA?! SINO YUNG LALAKING YUN?! ANONG GINAWA NYA KAY YUNA?!"

Sigaw nya sa akin. Guilt took over me. I should've stayed by her side. I even promised that I would protect her. Napaka-gago kong nilalang. I was too pre-occupied na hindi ko namalayang sinapak ako ni Jeonghan. I fell down the floor and tasted blood from the side of my mouth. I angrily looked at him.

"Napaka walang kwenta mong tao! Paano na si Yuna, ha?!"

Sigaw nya sa akin. Di na dapat kami nagsasayang ng oras. Kaikangan mahanap na namin si Yuna. I wiped off the blood from the side of my mouth and stood up.

"Kailangan natin mahanap si Yuna."

Sabi ko at di ko hinintay pa ang sasabihin nya. I quickly ran towards the place where that guy went. And Jeonghan followed afterwards.

Ililigtas ka rin namin Yuna.

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon