YUNA.
Tahimik lang kami habang naglalakad sa sidewalk. Parehas pa kami naka leather jacket at tama nga yung sinabi nya na baka pagkamalan kaming couple dahil ilang beses ko ng napapansin na may tumitingin sa amin dalawa. Parang gusto ko na tuloy hubarin tong jacket at itali nalang sa bewang ko.
"We're here."
Rinig kong sabi ni Jun. Napaangat ako ng tingin at nakitang meron isang kainan sa tapat namin. Maganda naman yung lugar ng dahil dun sa mga ilaw na nakasabit. At tsaka ang dami ring tao, siguro masasarap pagkain dito. Pumasok na kami sa loob ni Jun at di ako makapaniwala na halos puno na yung loob at wala ng bakante. Pero nagtaka ako ng makita kong umakyat si Jun sa hagdanan sa gilid kaya agad ako sumunod sa kanya.
"Dito nalang tayo."
Sabi ni Jun at ng makarating kami sa ikalawang palapag ay bumungad sa amin ang napakapresko na simoy ng hangin, dahilan para tangayin tong buhok ko ng bahagya. Kumpara sa ibaba, dito ay medyo kaunti lang ang tao at mabuti nalang may mga bakante. Open na open to kaya naman damang-dama mo yung hangin. Di naman na ako magrereklamo basta mapresko dito.
Naghanap na kami ng mauupuan ni Jun. At nakahanap kami ng bakante sa may gilid. Ng makaupo kami ay tumanaw ako sa may railings at pinagmasdan yung mga ganap sa baba. Ang ganda naman dito.
"Madalas ka na nagpupunta dito?"
Tanong ko kay Jun at tumingin sa kanya. Nahuli ko naman syang nakatitig sa akin pero ng magtama mata namin ay kaagad rin syang umiwas ng tingin. Naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Oo. Actually, si Woozi nagturo sa akin nito. Naisipan ko na dito nalang tayo pumunta."
Sabi nya at napansin ko na parang iniiwasan nya ako tignan diretso sa aking mata. Tumango-tango naman ako habang ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Napalunok naman ako at sumandal.
"Maganda naman yung lugar. At tsaka parang dinadayo sya ng mga tao.."
"They love the food here. And I'm sure you'll love them too."
Medyo mahina ang pagkakasabi nya sa huli nyang sinabi pero, dahil di naman masyado maingay dito kumpara sa baba, sapat na sa akin para marinig iyon. Di ko alam bakit mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko. Kumalma ka, self. Wag makalat.
"Good evening!"
Bati nung isang waiter na lumapit sa amin at inabutan kami ng tig isang menu. Saglit muna sya umalis at hinayaan kami mamili ng oorderin namin. At ng mapagdesisyunan na namin oorderin namin ay lumapit na ulit sa amin yung waiter. Ng masabi na namin order namin ay nagdagdag naman si Jun ng dalawang bote ng alak.
Ng makaalis na yung waiter ay nilabas ko cellphone ko at pinicturan ang paligid. Nagagandahan lang ako sa lugar kaya maganda rin kung magpicture ako habang nandito pa ako. Then I heard him chuckled as he saw me taking picture of the place.
"You want me to take a picture of you?"
"Sige!"
Nakangiti kong sabi at inabot sa kanya yung cellphone ko. Kinuha nya na iyon mula sa kamay ko at ako naman umayos ng pagkakaupo at ngumiti para sa picture.
"Kita yung background ah!"
Paalala ko at napangisi naman sya.
"I know."
Sabi nya at ngumiti na ako. Nagbilang na sya at ako nakangiti lang. At ng maibaba nya na phone nya ay nagpasalamat na ako sa kanya at kukunin na sana pero bigla nalang sya yumuko.
"Hoy, ibalik mo na cellphone ko."
"Teka."
Sabi nya ng di tumitingin sa akin. Wala naman ako kaalam-alam kung ano ginagawa nya sa cellphone ko. Magsasalita na sana ako pero inabot nya na sa akin yun. Tinignan ko naman sya at mabilis na kinuha cellphone ko.
BINABASA MO ANG
FANGIRL.
Random" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.