YUNA.
"OMG!"
Halos mailayo ko na tong cellphone ko sa tenga ng marinig kong tumili si Lea mula sa kabilang linya. Napabuntong hininga naman ako at napahaplos sa noo ko.
"Kahit kelan talaga ang ingay mo! Aish."
"Seriously, nakakakilig naman! Akalain mo yun, ikaw ang nagugustuhan nya! Swerte mo gurl!"
Sabi ni Lea. Napakagat naman ako sa aking labi.
"Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala.."
"Hindi ba nagugustuhan mo rin si Jun?"
Tanong nya at saglit naman ako natahimik. Oo, gusto ko si Jun. Pero di ko alam bakit hindi ko masabi sa kanya. He already confessed to me first. Pero bakit ganun.
"Yuna?"
"Sa tingin mo ba, sasabihin ko na rin ba nararamdaman ko?"
Tanong ko habang pinaglalaruan ko mga daliri ko.
"Gurl, naghalikan na nga kayo–"
"Hoy! Ang pasmado ng bibig mo ah!"
Saway ko agad sa kanya at naramdaman ko ang pagmula ng pisngi ko ng maalala ko yung gabing iyon. Narinig ko naman ang malakas na tawa ni Lea mula sa kabilang linya.
"Sorry. Pero, depende sayo. Ikaw dapat ang magdecide, hindi ako. If you really like him, then go ahead confess. Tsaka umamin na rin naman sayo si Jun kaya di mo na kailangan mag-alala o kabahan."
"Hmm, salamat Lea. Bakit ikaw? Di ka pa ba umaamin kay Woozi?"
Tanong ko at nagtagal ng ilang segundo bago sumagot si Lea.
"Nasabi ko naman na na wala na akong gusto sa kanya. Psh."
"Weh."
"Oo nga!"
Depensa nya at ako naman ngayon ang natawa sa kanya. Maya-maya ay narinig ko ng tinawag na ako ni Mama para kumain. Nagpaalam na ako kay Lea.
"Sige, kakain na ako. Pakikamusta si Jeonghan ah.."
"Of course, sis. Bye!"
Pagtapos ay dumiretso na ako sa baba. Pagdating ko sa kusina ay si Papa lang ang nakita ko dun. Di ko naman maiwasan magtaka.
"Asan si Mama?"
Tanong ko ng makaupo na ako sa pwesto ko. Napahinga naman ng malalim si Papa.
"Andun sa pinto. May kumatok kasi–"
"Anak!"
Parehas kami nagitla ng marinig namin sumigaw si Mama. Sabay kaming napatingin sa gilid at nanlaki mga mata ko ng makita ko si Jun sa loob ng bahay namin. P-puta! Sa sobrang gulat ay muntikan pa ako mahulog sa inuupuan ko. Puta bakit nandito si Jun?!
"Anak, di mo naman sinabi dadating manliligaw mo."
Manliligaw?! Napanganga naman ako at naramdaman kong napatingin sa akin si Papa. Ngumiti si Jun sa kanya at binati sya.
"Magandang gabi, po."
Bati ni Jun at isang tango nalang ang binigay ni Papa sa kanya. Pinaupo na ni Mama si Jun sa tabi ko. Ng makaupo na sya ay naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Puta talaga. Dahan-dahan ako napasulyap kay Jun at di na napigilang magtanong sa kanya.
"Bakit ka nandito?"
Tanong ko at nakita kong napangisi si Jun bago sumulyap sa akin.
"Ayaw mo?"
BINABASA MO ANG
FANGIRL.
Random" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.