YUNA.
Kaagad ko pinatay cellphone ko. Kanina pa ako tinatawagan nila Lea. Pero dahil medyo nawalan ako sa mood, di ko na muna sinagot tawag nila. Di na muna ako dumiretso sa bahay at naisipan na tumambay nalang muna dito sa convinience store. Bumili ako ng noodles dahil medyo nagutom rin ako. Habang kumakain ay paulit-ulit kong naaalala yung mga nangyari. Mula dun sa paglapit nya kay Jun hanggang sa pagyakap. Di ko alam bakit nahihirapan akong paniwalaan na magkaibigan yung dalawang yun. Kase sobrang obvious naman na may gusto sya kay Jun. Aish.
"Bwiset. Sa harapan ko pa talaga."
Inis kong sabi sa aking sarili. Hays. Humigop ako dun sa sabaw ng biglang may nagsalita.
"Yuna."
At sa boses palang ay nakilala ko na agad kung sino sya. Di ko sya pinansin at patuloy lang sa paghigop. Naramdaman ko naman naupo sya sa tabi ko. Ng maubos ko na yung sabaw ay mabilis ko yun inilipag sa mesa, habang di pa rin pinapansin si Jun.
Kinuha ko na gamit ko at tatayo na sana ng biglang hawakan ni Jun tong braso ko at mabilis akong hinila paupo. Napabuntong hininga naman ako at inilayo braso ko sa kanya.
"Uuwi na ako."
Sabi ko habang nakatingin sa kanya ng seryoso. He sighed and tried to hold my hand.
"What's wrong? At tsaka, bakit ka umalis agad?"
Tanong nya habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Sinubukan kong iwasan mga tingin nya. Muli syang nagsalita.
"Hey, Yuna. Look at me."
He softly said. Puta. Sumuko na ako at napatingin sa kanya.
"Magsalita ka naman..."
"Uuwi na ako. Paalam."
Kaagad na ako tumayo at mabilis na naglakad palayo. Naiinis rin ako sa sarili ko dahil napaka-childish ng mga kinikilos ko ngayon.
•·················•·················•
JUN.
Di pa rin ako makapaniwala na nanalo kami ng sayaw. All of my dancemate are happily cheering. Pupuntahan ko na sana sila Yuna pero nagulat ako ng bigla akong yakapin ng kasama ko. I was taken aback but I just hugged her back as well.
"Congrats sa atin!"
Sabi nya at kumalas na sa yakap. Napangiti nalang ako sa kanya.
"Um, about dun sa tanong ko kanina."
Sabi nya at biglang nahiya sa akin. I sighed and placed my hands on my shoulders.
"I'm sorry. You guys can go. I'm gonna be with Yuna."
Sabi ko at napakunot naman ang noo nya.
"Sino si Yuna?"
"My girlfriend."
I proudly said. At medyo nagtaka ako ng makita ko ang pagkagulat nya. She just smiled and nods her head. Muli akong napatingin sa gawi nila Yuna pero nagtaka ako ng makita kong wala na sya. Napatingin ako kay Lea and mouthed "where's Yuna?". Sabi naman ni Lea na umalis daw agad at di na alam san nagpunta.
Eh? Bakit umalis agad si Yuna? Did she...
Aalis na rin sana ako para hanapin si Yuna pero bigla nalang ako tinawag ng mga kasama ko para magbigay ng speech. Tatanggi pa sana ako but then they insisted me to do a speech since I did teach them most of our steps.

BINABASA MO ANG
FANGIRL.
Acak" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.