15

265 8 27
                                    

YUNA.

You have 1 notification!

Agad ko tinignan kung ano yung notification na nagpop-up sa cellphone ko. Ng mabuksan ko na yun ay galing pala yun sa channel kung saan andun yung mga dance covers ni Jun. Nakalagay dun na hindi na muna daw makakapag-upload ng sayaw si Jun. Binasa ko yung mga comments at lahat ng mga fans ni Jun ay nalungkot. Di na ako magtataka pa kung bakit di na muna sya makakapag-upload. Syempre may laro na gaganapin next week at dahil sya na muna pansamantalang papalit kay Jeonghan ay kailangan nyang mag-practice para dun.

Bigla tuloy ako napaisip. Magaling kaya maglaro si Jun bukod sa pagsasayaw nya? Hmm. Natauhan naman ako ng biglang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Bumukas iyon at nakita kong sumilip si Mama.

"Ma, ikaw pala yan. Bakit?"

"Nak, may iuutos lang ako sayo saglit."

•·················•·················•

Papunta ako ngayon sa convinience store na di naman gaano kalayo mula sa bahay namin. May pinapabili kasi sa akin Mama ko dun, kaya yun. Habang naglalakad ako ay dinadama ko lang yung simoy ng hangin na dumadaloy sa aking mukha. Napaka-presko ng gabi ngayon. Pero maya-maya ay nakarinig ako ng tunog galing sa aking likod. Saglit akong napatigil sa paglalakad at lumingon. Pero wala naman akong nakitang kakaiba bukod sa mga basurahan sa mga gilid. Naisip ko na baka mga pusa lang yun o ano. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sa mga oras na yun ay bigla ko tuloy naalala yung lalaking halos itim ang suot. Hmm. Asan na kaya yung lalaking yun?

Ng makapasok na ako sa loob ng store ay hinanap ko na agad yung mga gamit na pinapabili ni Mama. Maglalakad na sana ako papuntang sa kabilang aisle ng biglang di ko napansin ang taong papasalubong sa akin. Dahil dun, di ko sadyang mabangga sa kanya at nagsihulugan yung mga hawak nya sa sahig. Kaagad ako napatingala at nag-sorry.

"Sorry p–"

Natigilan ako at di ko maiwasan magulat ng makita ko si Jun sa aking harapan. Napahinga nalang sya ng malalim.

"Ok lang."

Walang kaemo-emosyon nyang sabi at yumuko upang pulitin yung mga hawak nya na nahulog. Kaagad ko sya tinulungan.

"Pasensya na talaga, di kita napansin. Tulungan na kita."

Sabi ko. Kukunin ko na sana yung isang gamit pero saktong nahawakan yun ni Jun at di ko sadyang mahawakan yung kamay nya. Saglit kaming nagkatinginan at naramdaman ko ang pagmula ng buong mukha ko. Kaagad ko inalis yung kamay ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"S-sorry.."

Nauutal kong sabi. Shet. Sabay na kami tumayo at di na ako makatingin sa kanya pagtapos nung nangyari. Huminga ako ng malalim at di sadyang mapatingin dun sa mga gamit na hawak nya. May nakita akong bandaid, cotton balls, at ointment na sa tingin ko panglinis ng sugat. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya at di na napigilan magtanong.

"Um, para saan pala yang mga binili mo?"

Tanong ko at kaagad naman napatingin si Jun dun sa mga hawak nya. Maya-maya ay napahinga sya ng malalim at muling ibinalik ang tingin sa akin.

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon