25

226 9 17
                                    

YUNA.

"Anong ginagawa nyo dito?"

Gulat na tanong ni Jeonghan ng pagbuksan nya kami ng pinto. Pumasok na kami ni Lea sa loob ng bahay nya.

"Naisipan ka namin dalawin. Masama ba?"

Tanong ni Lea habang ginagala nya tingin nya sa paligid. Ngayon lang ako nakapunta sa bahay ni Jeonghan. At di ko akalain na ang ayos nung mga gamit nya. Nahiya naman yung kwarto ko na akala mo dinaanan ng bagyo. Hays.

"Di nyo naman na ako kailangan dalawin.."

Sabi ni Jeonghan at naupo dun sa sofa. Saglit ko naman pinagmasdan tsura nya. Nakalong sleeves sya at sweatpants. At medyo matamlay rin ang kanyang tsura. Napabuntong hininga nalang ako at naisipan na magtanong sa kanya.

"Jeonghan, bakit ka nanaman ba uminom kagabi? Alam mo naman na may pasok tayo kinabukasan.."

Sabi ko at napatingin naman sya sa akin. Napakamot sya sa kanyang batok.

"Wala lang..."

He said. My lips formed into a thin line. Medyo nagdadalawang isip rin ako itanong sa kanya yung mga sinabi nya sa akin kagabi. Bigla naman nagsalita si Lea.

"Alam mo Yuna, umiinom yan si Jeonghan kapag marami syang iniisip o di kaya kapag may problema sya."

Kwento ni Lea at tinignan naman sya ng masama ni Jeonghan. Samantalang nag-aalala naman akong napatingin sa kanya.

"May problema ka ba, Jeonghan?"

"Wala."

Matipid nyang sagot tsaka tumayo. Dumiretso sya sa may kusina at sumunod naman agad ako sa kanya.

"Kung may problema ka, pwede mo naman ikwento sa amin.."

Sabi ko. Hoping that I could convince him to tell what's his problem. But, he shrugged it off and said,

"Wala akong problema. Di mo na ako kailangan alalahanin.."

Sabi nya at tinignan ako diretso sa aking mata. Naisara ko tong kamao ko dahil sa inis.

"Jeonghan, kaibigan mo ako. Ano ba kasing–"

"WALA NGA AKONG PROBLEMA! ANO BA, YUNA?!"

Natigilan ako ng bigla nya akong taasan ng boses. Sa mga oras na yun, isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa paligid. Di ko akalain na pagtataasan nya ako ng boses. At ngayon nya lang ginawa sa akin yun. Worst, ngayon ko lang nakitang magalit si Jeonghan. Sa akin. Wala na akong ibang sinabi at tumalikod na sa kanila. Dumiretso agad ako palabas at narinig kong tinawag ako ni Lea.

"Yuna!"

Pero di ko na sya nilingon pa at naglakad na paalis. Di ko alam pero medyo nasaktan ako ng onti ng taasan nya ako ng boses.

•·················•·················•

Dahil sa inis sa nangyari kanina ay naisipan ko nalang muna tumambay sa convinience store. Tinignan ko cellphone ko at meron akong mga text galing kay Lea. Napabuntong hininga nalang ako at pinatay na muna cellphone ko. Pagtapos ay napasandal ako sa inuupuan ko habang inaalala yung mga nangyari.

Bakit nya kailangan magalit sa akin? Syempre kaibigan ko sya kaya nag-aalala ako sa kanya. Pwede nya naman sabihin ng mahinahon, hindi yung tataasan nya pa ako ng boses na akala mo may nagawa akong masama sa kanya. Hays. Di ko na alam nangyayari kay Jeonghan matapos nung mga sinabi nya sa akin kagabi. Bakit ba bigla syang nagkaganun?

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon