YUNA.
1 week later...
"Kamusta na likod mo?"
"Sumasakit pa rin sya ng konti. Pero wag kang mag-alala, medyo ok naman na."
Napangiti naman ako sa sinabi ni Jun. Kakadischarge ko lang sa hospital last week at si Jun naman ay naka-confine pa rin dahil di pa gaano magaling ang mga sugat na natamo nya sa kanyang katawan.
"Magpahinga ka lang at sundin mo mga sinasabi ng doctor sayo..."
I heard him chuckling through the other line.
"Yes, I will."
"O sya, anong oras na. Matulog ka na dyan."
"Ok. Goodnight, Yuna."
Napangiti naman ako at nahiga na sa aking kama.
"Goodnight, Jun..."
•·················•·················•
Kinabukasan pagpasok ko ay sinalubong naman ako ng yakap ni Lea. Muntikan pa kami mahulog.
"Yuna! Mabuti nalang okay ka na!"
Medyo mangiyak-iyak nyang sabi. Natawa nalang ako ng marahan at niyakap sya pabalik. Kumalas na sya sa yakap at napahagulgol. Kaagad ko hinawakan pisngi nya at pinunasan ang mga luha sa mata nya.
"Shh, ok na ako."
I reassured her. Nag-pout naman sya sa akin at ginulo-gulo ko ang kanyang buhok. Maya-maya ay dumating na si Jeonghan at nagtaka ng makitang umiiyak si Lea.
"Oh, bakit ka umiiyak? Binusted ka ni Woozi?"
Mapang-asar na sabi ni Jeonghan. Dahil dun tinignan naman sya ng masama ni Lea at pinaghahampas ang kanyang braso.
"Leche ka talaga, Jeonghan! Hindi na talaga kita ililibre!"
"Joke lang kasi! Ay nga pala Yuna, hinahanap ka ni Stephany."
Napakunot naman ang noo ko ng marinig ko ang sinabi ni Jeonghan. Napatingin ako sa may pinto at nakita si Stephany. Ng magtama ang aming mata ay napangiti sya sa akin at kumaway-kaway pa. Napangiti nalang ako ng bahagya at tsaka lumabas ng room namin habang walang awat pa rin hinahampas ni Lea braso ni Jeonghan.
"Hi, Yuna!"
Nakangiting bati sa akin ni Stephany ng makalabas na ako ng room.
"Hello.."
"Long time no see, ah."
Pabiro nyang sabi at natawa nalang ako ng marahan. Ngayon ko lang ulit nakausap si Stephany. At ayoko ng alalahanin pa yung huling pag-uusap namin.
"Gusto ko lang pala mag-sorry sa sinabi ko sayo nun. Alam ko naman na ramdam mong may iba pa akong nais ipahiwatig. Pero, sorry talaga Yuna."
Sabi nya at ngumiti sa akin. Napangiti nalang rin ako sa kanya.
"Ok lang. At least you apologized."
"Kamusta na pala pakiramdam mo?"
Tanong nya at sinabi ko naman na medyo ok naman na. Sunod nyang tinanong si Jun at sinabi ko naman na naka-confine pa rin hanggang ngayon si Jun.
BINABASA MO ANG
FANGIRL.
Random" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.