YUNA.
Medyo gagabihin ng uwi sila Mama kaya naisipan kong pumunta ng convinience store at dun nalang rin bumili ng makakain ko ngayong gabi. Ng makuha ko na ang gusto kong kainin ay pumila na ako sa may counter. Habang naghihintay ay napansin ko naman palingon-lingon sa akin yung kuyang nakapila sa harap ko. Di ko naman maiwasan mailang at di ko alam kung ako ba tinitignan nya o may sinisilip lang sya. Pero maya-maya ay nagulat ako ng bigla syang humarap sa akin. He smiled at me and said,
"Sige ate, ikaw na mauna."
Sabi nya at tumabi sa gilid. Di ko naman maiwasan mahiya at sinabing ok lang. But he insisted.
"Onti lang naman binili ko."
Sabi nya at tumawa ng marahan. Napangiti nalang ako ng bahagya at naglakad na sa may pwesto nya kanina. Pagtapos ay nagpasalamat ako sa kanya at nginitian nya nalang ulit ako at pumila sa likod ko. Ng ako na ang nasa counter ay binayaran ko na lahat ng binili ko at naisipan na sa labas kumain.
Bago ako makalabas ay napasulyap ulit ako dun sa lalaki. At nakita kong nakatingin sya sa akin at nakangiti. Di ko alam bakit medyo nawirdohan na ako sa mga ngiti nya. Umiwas na ako ng tingin tsaka lumabas na.
Ng mapatingin ako sa mga upuan at lamesa meron akong nakitang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa may sulok habang umiinom ng alak. At di nga ako nagkamali ng makita kong si Jun iyon. Dahil dun, bumilis tong tibok ng puso ko. Fudge.
Huminga ako ng malalim at naglakad papalapit sa kanya. Ng makalapit ako sa kanya ay napalunok ako bago magsalita.
"Umiinom ka nanaman?"
Tanong ko. Napatingala naman sa akin si Jun at di ko naman makita mata nya ng dahil dun sa sumbrelong itim na suot nya na halos natakpan na mukha nya. Napangiti nalang ako at naupo sa tapat nya. Maya-maya ay narinig ko syang nagsalita.
"Kakain ka nanaman ba ng noodles?"
"Hindi ko trip mag-noodles ngayon kaya iba binili ko."
Sabi ko sa kanya at huminga nalang sya ng malalim. Humigop sya dun sa can na hawak nya at tumingin sa cellphone nya. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng aking puso. At habang tumatagal ay mas lalo itong bumibilis. Di ko akalain na ganto epekto ng presensya ni Jun sa akin...
Pinilit kong ikinalma ang aking sarili dahil baka mamaya marinig pa ni Jun ang tibok ng aking puso. Lagi nalang nababaliw tong puso ko pag sa kanya. Umayos ako ng pagkakaupo at sinimulan ng kumain.
"Kinakausap ka pa ba ni Stephany?"
Bigla nyang tanong sa akin. And I felt his strong gaze at me. Parang ba pinagmamasdan nya ang bawat galaw ko na dahilan para bigla akong mailang sa kanya.
"Um, nagkausap kami kanina.."
"Ano pinag-usapan nyo?"
Tanong nya at huli na para mapagtanto ko na sana di ko nalang sinabi iyon. I gulped and thought of an answer to his question.
"D-di naman importante.."
Yan nalang ang nasabi ko. Napatingala ako sa kanya at mukhang hindi sya kumbinsido sa sinabi ko. Pero sa huli ay napahinga nalang sya ng malalim at sumandal sa inuupuan nya.
"Paano kayo naging close nun?"
"Um, ki–"
"Is she befriending you para makahanap sya ng paraan makausap ako?"
Seryoso nyang sabi at napakurap naman ako. I don't know but what he said seems true..
"Sabihin mo wala na akong balak makipag-usap sa kanya. She should have given me a chance when we're st–"
BINABASA MO ANG
FANGIRL.
Random" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.