26

209 8 4
                                    

YUNA.

Ng makalabas na kami sa school ay napatigil naman sa paglalakad si Jun. Narinig ko ang malalim nyang paghinga at naramdaman kong dahan-dahan nya ng binitawan tong braso ko. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa mga nangyari.

"Ano sinabi nya sayo?"

Natauhan ako ng marinig ko syang magsalita. Napalingon naman sa akin si Jun at tinignan ako diretso sa aking mata.

"Eh..?"

"Anong sinabi ni Stephany sayo?"

Tanong nya at di ko alam bakit nanlaki tong mata ko dahil sa gulat. So ibig sabihin, yung babaeng kumausap sa akin, ay si Stephany?? What the fudge.

"Yuna."

Natauhan nanaman ako ng magsalita ulit sya. Napalunok naman ako at sinubukan magsalita.

"T-tinanong nya kung kakilala daw kita."

"Yun lang?"

Tanong nya ulit at tumango nalang ako. Pagtapos ay napayuko naman si Jun at huminga ng malalim. At ako naman nakatayo lang sa kanyang harapan at di ko alam anong gagawin ko matapos nun. Baka mamaya kung ano pa isipin nung kaibigan nya. At baka mamaya kung ano rin isipin ni Stephany.

"Sorry sa nagawa ko. Di ko na napi–"

Nagtaka ako ng bigla syang natigilan. Nanatiling nakatingin lang sya sa akin at ako naman hinihintay yung susunod nyang sasabihin. Pero sa huli ay napahinga nalang ulit sya ng malalim at umiwas ng tingin sa akin.

"Mauuna na ako."

Sabi nya at nilagpasan ako. Napalingon ako at pinagmasdan syang naglalakad palayo. Sa mga oras na yun, muli ko nanaman naramdaman ang mabilis na tibok ng aking puso..

•·················•·················•

Kinabukasan, papasok na sana ako sa loob ng classroom ng biglang may tumawag sa akin. Kaagad ako napalingon at nung una akala ko si Lea iyon pero nagulat ako ng makita ko na si Stephany pala ang syang tumawag sa akin. Ng magtama ang aming mga mata ay napangiti sya at lumapit sa akin. Di ko alam bakit bigla akong kinabahan. Oh fudge.

"Hi ulit.."

Bati nya ng makatayo na sya sa harapan ko at di ko alam bakit medyo naiilang ako sa kanya. Pero sinubukan ko pa rin ngumiti sa kanya kahit kabado bente na ako sa loob-looban.

"H-hello.."

Nauutal kong bati. She suddenly chuckled. Parehas sila ni Jun. Pagtapos ay inilahad nya sa aking harapan yung palad nya.

"I'm Stephany."

Pagkakakilala nya. Kilala na kita, muntikan ko ng masabi. I awkwardly smiled and held her hand.

"Yuna."

I said and we slowly shook hands. She smiled even more, the dimples on her cheeks came popping out.

"Nice to meet you, Yuna. I hope we can be friends."

Sabi nya at ngumiti nalang ulit ako. Dahil sa totoo lang di ko alam sasabihin ko. Tsaka, medyo nawiwirdohan ako. After ng nangyari kahapon, akala ko magagalit sya sa akin. Or baka ako lang tong paranoid at nag-iisip ng kung ano-ano.

"Um, sige, papasok na ako sa loob."

Sabi ko at napansin ko na magkahawak kamay pa rin kami. Kaagad namin nayo yung kamay namin sa isa't isa at tumawa ng marahan. Awkward talaga, shet.

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon