41

234 7 32
                                    

YUNA.

Habang kumakain kami ay di naman naubusan ng mga tanong si Mama na binabato nya kay Jun. At hanga ako kay Jun dahil halos lahat ng tinatanong ni Mama sa kanya ay nasasagot nya. Si Papa naman ay tahimik lang nakikinig sa pinag-uusapan nila Mama.

Ng matapos kaming lahat kumain ay tumulong naman sa pagligpit si Jun kahit na sinabi kong wag na pero tumulong pa rin sya. Napaka-anghel talaga nito ni Jun.

"Sige iho, ako na ang maghuhugas nito."

"Salamat po. Nasarapan po ako sa niluto nyo."

Sabi ni Jun at natuwa naman si Mama. Napasulyap ako kay Jun at napabuntong hininga. Napaka-bolero rin pala nitong lalaking to. Ng pumunta na si Mama sa lababo ay humarap na sa akin si Jun.

"Kain tayo ice cream."

Biglang pag-aya nya. Tumango nalang ako dahil medyo nacracrave rin ako kumain ng ice cream ngayon. Kinuha ko na wallet ko at nagpaalam na kila Mama na kakain lang kami ng ice cream ni Jun. Ng makalabas na kami ng bahay ay di ko na napigilang hampasin si Jun sa braso nya. Nagulat naman sya sa ginawa ko at nagtatakang tumingin sa akin.

"What did I do??"

"Sinabi mo ba talaga sa Mama ko na manliligaw kita?!"

Tanong ko at maya-maya ay bigla naman ngumisi si Jun. Naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"I just said I'm your friend. Mukhang boyfriend ang pagkakarinig nya."

Sabi nya at di ko alam kung nagbibiro ba sya o ano. Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Maya-maya ay nagsalita ulit si Jun.

"Pero nagpaalam na rin ako sa mga magulang mo kung pwede kita ligawan."

Sabi nya at dahil dun mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko. Muli akong tumingin sa kanya.

"Kahit pinayagan ka man nila, sa tingin mo ba papayag ako na ligawan mo ako?"

Tanong ko at tumawa naman ng marahan si Jun at tinarayan ako. Puta.

"Oh please, you can't resist me."

Sabi nya at di ko alam bakit hindi na ako makapagsalita matapos nun. Well, tama naman sya. Pero grabe, di ko akalain na may gantong side pala sya. Akala ko napaka-tahimik nya lang pero akala ko lang pala yun.

Nakarating na kami sa convinience store. Habang pumipili kami ng ice cream ay may bigla nalang nagsalita sa gilid ko.

"Excuse me."

Kaagad ako tumabi at pagtingin ko sa nagsalita ay isang lalaki pala. Saglit ko pinagmasdan tsura nya at parang pamilyar sya sa akin. Teka, sya yung lalaking nakangiti sa akin nun. At sya rin yung nagpauna sa akin sa pila. Di ko akalain na makikita ko ulit sya. Napangiti nalang ako ng bahagya sa kanya. Ng makakuha sya ng ice cream ay napatingin rin sya sa akin. At katulad nung nakaraan ay ngumiti ulit sya sa akin. Pero di ko alam bakit parang may kakaiba sa mga ngiti nya.

"Mabuti nalang nakita kita ulit."

Nakangiti nyang sabi at naglakad na palayo. Di ko alam kung matutuwa ako dun sa sinabi nya. The way he said that sounds so...creepy. Natauhan ako ng marinig kong magsalita si Jun.

"Kilala mo yun?"

"H-hindi. Pero naalala ko na sya yung nagpauna sa akin nung nakapila ako nun dito."

Kwento ko at nagtaka naman ako ng biglang hawakan ni Jun tong kamay ko.

"Wag mo syang kakausapin. Just, stay close with me."

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon