18

242 6 21
                                    

YUNA.

Para medyo mabawasan yung init ng ulo ni Jeonghan, niyaya ko sya kumain. Ng mabanggit ko na sa waitress yung order namin ay umalis na kaagad sya. Maya-maya narinig kong nagsalita si Jeonghan.

"Akala ko ba uuwi ka na?"

Nagtatakang tanong nya sa akin. Napangiti naman ako at ipinatong yung dalawang braso ko sa ibabaw ng lamesa.

"Naisipan kong ilibre ka, tutal di pa kita nalilibre."

Sabi ko at nag-iba naman yung ekspresyon ng mukha nya. Napahinga naman sya ng malalim at sumandal sa upuan.

"Di mo na ako kailangan ilibre, Yuna."

"Wag ka nga. Lagi mo na kami nililibre ni Lea kaya, I'm just returning the favor you know?"

Pabiro kong sabi at parehas naman kaming natawa. Ang corny ko pakinggan. Matapos ay tinignan naman ako ng diretso ni Jeonghan. Napapansin ko na palagi nya nalang ako tinitignan ng ganyan. Hindi naman sa naaano ako. Baka mamaya matunaw na ako sa mga tinginan nya sa akin. Charot.

"Kelan mo pala nalaman na si Jun yung papalit sa akin?"

Bigla nyang tanong at napakagat naman ako sa aking labi.

"Um, chinat kasi ako ni Lea. Actually, sya una nakalaman na si Jun yung papalit sayo.."

"Ok.."

Matipid na sagot ni Jeonghan at napatingin sa labas ng bintana. Tutal si Jun naman pinag-uusapan namin, might as well tanungin ko na sya kung may galit nga ba sya kay Jun.

"Nga pala, may tanong ako sayo."

"Hmm?"

Sabi nya at muling napatingin sa akin. Ng magtama ang aming mata ay saka ako nagpatuloy.

"Um, may galit ka ba kay Jun? Wag ka sanang magalit sa tanong ko, napapansin ko lang kasi."

I said. Napakamot naman ako sa batok ko. Napabuntong hininga naman si Jeonghan at napatitig sa lamesa.

"Alam mo yung pakiramdam na sya nalang lagi ang center of attention? Lahat ng tao bukambibig si Jun, mapababae o mapalalaki. Lagi syang numero uno at medyo nakakasawa na."

Sabi ni Jeonghan at di naman ako makapagsalita.

"Kaya nga di ko maiwasan mairita sa tuwing pinagkakaguluhan nyo si Jun. Pero di ko naman kayo mapipigilan since parehas naman kayong fan ni Lea kay Jun."

Dagdag nya at muling napabuntong hininga. Saglit na nagkaroon ng katahimikan. Huminga ako ng malalim at sinubukan magsalita.

"Wag kang mag-alala, Jeonghan. Ikaw ang numero uno para sa akin."

Sabi ko at nagtaka ng maramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napatingin naman ng diretso sa aking mata si Jeonghan at dahil dun mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko. Kelan ka pa natuto bumanat, Yuna?? Pinagmasdan ko naman si Jeonghan. And it looks like he's trying his best not to smile.

 And it looks like he's trying his best not to smile

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon