38

242 10 24
                                    

YUNA.

Ilang beses ko ng tinatawagan si Jeonghan pero hanggang ngayon hindi pa rin sya sumasagot. Napabuntong hininga nalang ako at nilapag cellphone ko sa lamesa. Kasalukuyan andito ako ngayon sa labas ng convinience store. Wala pa kasi sila Mama at Papa sa bahay kaya ako lang mag-isa dun. Naisipan kong tumambay nalang muna dito at para na rin magpahangin.

Napatingin ako sa cellphone ko. Hanggang kelan ako iiwasan ni Jeonghan? Di ako sanay na ganto ang sitwasyon namin. Kanina rin sa classroom, di nya ako pinapansin. Parang bumalik lang kami nung first day ko nun sa klase, di nagpapansinan.

At hanggang ngayon di ko pa rin akalain na gusto nya ako.

Maybe that's why he cried when he said that. I've been ignoring all the signs he had given me.

Napabuntong hininga nalang ako at napasimangot. Maya-maya ay may bigla nalang nagsalita dahilan para matauhan ako. Kaagad ako napatingala at nakita si Jun. Suot nya ulit yung itim nyang sumbrelo. Napangiti nalang ako sa kanya.

"Hi.."

Bati ko. Hinila nya na yung upuan sa gilid at naupo dun. Tinignan ko kung bumili nanaman sya ng alak and to my surprise wala akong alak na nakita sa kanya.

"Oh, himala ata na di ka iinom ngayon?"

Biro ko at napangisi nalang si Jun at tinanggal yung sumbrelo na suot nya.

"I don't feel like drinking today. How 'bout you? Himala ata na di ka kumakain ng noodles?"

Sabi nya at di ko naman maiwasan matawa sa pag-gaya nya ng sinabi ko.

"Nah, di ko rin feel kumain ng noodles ngayon. Tsaka busog pa ako, no."

"Right. Bakit mo naisipan tumambay dito?"

Tanong nya at napahinga naman ako ng malalim at sumandal sa inuupuan ko.

"Wala pa kasi sila Mama sa bahay. Kaya yun."

"Natatakot kang mag-isa?"

"Well, yes."

Medyo nahihiya kong sabi. Kasi totoo naman, natatakot ako lalo na kapag mag-isa lang ako sa bahay. Pag may narinig agad ako na kumalabog, diretso agad ako dito at saka lang ako babalik pag nakauwi na sila. Ganun ako ka-paranoid.

"You could've watch something on your TV to keep you distracted."

"Nah. Puro mga horror nakikita ko baka mas lalo lang akong matakot."

Sabi ko at natawa naman ng marahan si Jun. Sya lang ang kilala kong lalaki na ang hinhin tumawa. Di ko naman sya jinujudge. Actually, ang cute nya ngang tumawa eh. Kapag nakikita mo syang tumatawa, mapapatawa ka na rin. Same goes kapag ngumingiti sya.

"Do you want to talk about something?"

Natauhan ako ng magsalita ulit sya. Sa mga oras na yun, bigla ko nanaman naalala si Jeonghan. Napatingin ulit ako sa cellphone ko at mukhang napansin ni Jun.

"Bakit?"

Tanong nya. Napabuntong hininga ako at dahan-dahan umiling.

"Wala. Naiisip ko lang yung kaibigan ko.."

"Si Jeonghan, isn't it?"

Tanong ni Jun. Humarap ako sa kanya at tumango. Bigla naman syang umiwas ng tingin sa akin at di ko nalang iyon pinansin. Napatitig nalang ako sa lamesa habang tumahimik ang paligid. Maya-maya ay nagsalita ulit si Jun.

"Actually, nakalaro ko kanina yung kaibigan mo."

Sabi ni Jun at gulat akong napatingin sa kanya.

"Weh? Close na kayo?"

"Hindi. Niyaya nya lang ako. He was...bored I guess."

Sabi ni Jun at akala ko pa naman close ni sila ni Jeonghan. Pagtapos ay saglit ulit tumahimik ang paligid. He was slowly tapping the plastic table at ako naman di mapakali sa inuupuan ko. Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Jun.

"You know that he like–"

"Alam ko.."

Pagpuputol ko agad sa kanya. Napabuntong hininga ulit ako.

"Sinabi nya sa akin. And after that, he suddenly starts ignoring me."

Sabi ko at tahimik lang si Jun habang nakikinig sa akin.

"Sa totoo lang, isa sya sa pinakamabuting tao na nakilala ko. Isa syang mabuting kaibigan para sa akin. Lagi sya nandyan para tumulong. Lagi nya akong pinapangiti sa oras na malungkot ako. Mahal ko rin naman si Jeonghan. Pero...pero.."

"Bilang kaibigan lamang."

Sabi ni Jun at naramdaman ko ang pagkirot nitong puso ko. Dahan-dahan akong tumango.

"H-he's a great guy. But, I-I just can't seem to reciprocate his feelings for me. Naguguilty ako. Di nya deserve masaktan. Kasalanan ko to."

Sabi ko at napatakip ng mukha. Narinig ko naman nagsalita si Jun.

"Don't blame yourself. It's not your fault."

Sabi nya at naramdaman ko ang pagmuo ng luha sa aking mata. Dahan-dahan ko inalis tong kamay kong nakatakip sa aking mukha at tinignan sya. Napahinga naman sya ng malalim habang nakatingin rin sa akin.

"Magiging maayos rin ang lahat, Yuna. One day, he'll understand. He needs more time. Kaya mas mabuting hayaan mo na muna sya baka kasi alam nya rin ang nararamdaman mo."

Sabi ni Jun at tumango-tango nalang ako. Kapag okay na ang lahat, pwede ko na ulit makausap si Jeonghan at gusto ko humingi ng tawad sa kanya dahil di ko masusuklian ang nararamdaman nya para sa akin. Maya-maya ay nagsituluan na ang luha galing sa aking mata. Napayuko ako at di na napigilang mapaiyak.

Jeonghan, I'm sorry. I'm sorry...

Maya-maya naramdaman kong ibinalot ni Jun kamay nya sa akin. Dahan-dahan nya tinapik ang aking likod.

"This is the least I can do for you."

Rinig kong bulong nya sa aking tenga. Napapikit nalang ako at umiyak sa kanyang dibdib.

•·················•·················•

Ng kumalma na ako ay naisipan na naming umuwi dahil gabing-gabi na at di na namin namalayan ng oras. Habang naglalakad kami ay parehas kami tahimik hanggang sa makarating na kami sa bahay ko. Muli akong humarap kay Jun at nagpasalamat sa kanya.

"Salamat, Jun. Medyo gumaan na pakiramdam ko."

Sabi ko at ngumiti sa kanya. Napangiti naman sya ng bahagya sa akin at dun ko naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Sige, papasok na ako. Ingat sa pag-uwi.."

"Goodnight, Yuna.."

Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Di ko na rin maiwasan mapatingin ng diretso sa kanyang mata. Bigla naman humakbang papalapit sa akin si Jun at hindi inaalis ang tingin sa akin. I remained still as my heart beats faster each time he took a step closer to me. He stood a few inches away from me, I can almost feel his breathing.

His hands slowly reached up to cupped my cheeks and his touch sends shivers down my spine. I slowly looked up to meet his eyes.

"Yuna..."

Sabi nya. Almost sounding like a whisper. I didn't utter any word and I just looked at him.

"Can I kiss you?"

He asked and I just slowly nod my head. Mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko ng ilapit nya ang mukha nya sa akin. My eyes fluttered shut as I felt his lips softly pressed against mine.

I gently placed my hands on his chest, where I felt the beating of his heart.

"I like you, Yuna..."

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon