14

238 7 16
                                    

YUNA.

Halos patakbo na ako pumunta sa room.  Late na ako kumilos at kasalanan ko talaga bakit ako tumatakbo ngayon. Habang tumatakbo ako ay bigla ko nalang nakasalubong sa hallway si Jun. Bigla ko naman naalala yung sinabi ni sa akin ni Lea kaya naman napatigil ako sa pagtakbo at tinawag sya.

"Jun!"

Tawag ko. Napatigil naman sa paglalakad si Jun at napalingon sa akin. Napataas naman ang isang kilay nya habang walang kaemo-emosyong nakatingin sa akin.

"Totoo ba na ikaw papalit kay Jeonghan?"

Diretso kong tanong. Napahinga ng malalim si Jun at nagulat ako ng bigla syang humakbang papalapit sa akin. Na-estatwa naman ako sa kinakatayuan ko. Tumigil na sya sa paghakbang at tumayo ng ilang metro sa harapan ko.

"Kung ano yung iniisip mo ngayon, yun yon."

Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Napakurap naman tong mata ko.

"Ha..?"

Nagtataka kong sabi. Napahinga nalang ulit sya ng malalim at tumalikod na sa akin tsaka naglakad palayo. Totoo naman di ko nagets sinabi nya. Kung ano iniisip ko, yun yon?? So ibig sabihin....totoo ngang sya muna papalit kay Jeonghan??

Di nya nalang kasi sabihing oo imbes na kung ano pa sinabi. Napaka-misteryoso nya rin pala.

•·················•·················•

"What?! So si Jun nga muna papalit sayo?"

Gulat na sabi ni Lea at tumango nalang si Jeonghan.

"Kakasabi lang ng coach namin sa akin kanina na si Jun daw muna pansamantalang papalit sa akin sa laro."

Seryosong sabi ni Jeonghan habang nakatitig sa pagkain nya na halos di nya pa nagagalaw. Hinawakan ko naman balikat nya upang kahit papaano pagaanin pakiramdam nya. Dahan-dahan naman sya napatingin sa kamay kong nakapatong sa balikat nya hanggang sa magtama ang mga mata namin.

"Wag ka na malungkot, Jeonghan. Di ka naman nila tatanggalin sa team. Kailangan mo lang talaga magpahinga lalo na di pa gaano magaling yang braso mo."

Sabi ko at napatingin naman sya sa braso nyang may cast. Pagtapos ay napahinga sya ng malalim.

"Di naman ako nalulungkot."

"Teka, wag mong sabihin may galit ka kay Jun?"

Biglang tanong ni Lea kay Jeonghan.

"Hay nako, mauuna na ako."

Sabi ni Jeonghan at tumayo na. Naglakad na sya palabas at di ko na sa napigilan. Ng makaalis na sya ay napatingin kami ni Lea sa isa't isa.

"Feel ko may galit sya kay Jun."

Sabi nya at napakunot naman tong noo ko dahil dun.

"Pano mo nasabi?"

"Hmm. Napansin mo na sa tuwing nababanggit natin si Jun nagagalit sya sa atin."

Sabi nya at saglit naman ako napaisip. Sabagay. Pero dahil ba dun o baka mamaya may iba pang dahilan? Hmm.

•·················•·················•

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon