16

213 6 6
                                    

YUNA.

"Nakaalis na ba?"

Biglang tanong ni Jun at napakunot naman tong noo.

"Ha..?"

"Yung lalaking sumusunod sayo. Nakaalis na ba?"

Tanong nya at di ko alam bakit bigla akong kinilabutan. So ibig sabihin, yung lalaking nakita kong naglalakad na palayo ay sya palang sumusunod sa akin?? Fudge!! Kumalas na sa yakap si Jun at lumayo na sa akin.

"N-nakaalis na yung lalaki."

Nauutal kong sabi at tumango nalang si Jun. Aalis na sana sya pero agad ko syang pinigilan. Napatingin sya muli sa akin.

"K-kaya mo ba ako niyakap para..."

Sabi ko at nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba yung tanong o ano. Pero napahinga nalang ako ng malalim at nagpatuloy.

"Para di na ako sundan nung lalaki?"

Tanong ko at hinintay yung sagot ni Jun. Di sya kumibo at nanatiling nakatingin lang sa akin. Habang tumatagal ay medyo naiilang na ako sa mga tingin nya kaya naman napaiwas nalang ako ng tingin.

"N-nevermind. Sige, salamat ulit.."

Sabi ko at nagpaalam na sa kanya. Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad palayo. Pero di pa ako nakakalayo ay narinig kong tinawag ako ni Jun. Naramdaman ko naman ang biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil first time nya lang ako tinawag sa pangalan ko. Dahan-dahan naman ako napalingon sa kanya hanggang sa magtama ang aming mga mata.

"Bakit?"

"Mag-iingat ka lagi, Yuna."

Sabi nya na mas lalo naman ikinabilis ng tibok ng puso ko. Holy fudge! Anong nangyayari sa akin?! Bakit ako nagkakaganto?? Di naman ako nakapagsalita ng dahil dun sa sinabi nya. Wala na syang ibang sinabi at naglakad na sa ibang direksyon habang naiwan naman akong nakatulala at gulat. First time nya lang tinawag pangalan ko at di ko alam bakit kinilig na agad ako ng bongga dito. Jusko, ang rupok ko talaga..

•·················•·················•

JUN.

"Jun?"

Natauhan naman ako ng bigla akong tawagin ni Woozi. Kaagad ako napatingin sa kanya at kanina nya pa pala ako tinitignan.

"Ano?"

"Bakit ka nakatulala? Ano nanaman iniisip mo?"

Natatawa nyang tanong at uminom dun sa binili nyang inumin. Napahinga naman ako ng malalim at sumandal sa inuupuan ko.

"Yuna."

Sabi ko at nagtataka namang napatingin sa akin si Woozi.

"Yuna?? Sino yun?"

Nagtatakang sabi ni Woozi. Napangiti naman ako sa aking sarili at krinus ang aking braso. Sa mga oras na yun ay bigla kong naalala yung mga nangyari kagabi.

"Yuna. Yuna pangalan nya.."

Sabi ko at napataas naman yung kilay nya. Di ko akalain na ngayon ko lang nalaman pangalan nya. Yuna. The name fits her well. Dahil dun, di ko na ulit mapigilan mapangiti. What a cute name.




...

an: heyyy sorry kung ang ikli!

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon