YUNA.
Habang naglalakad ako sa hallway ay bigla kong nakasalubong si Stephany. Once our eyes met, she smiled then approached me.
"Hey. Ano sabi nya?"
Tanong nya sa akin. And obviously tinutukoy nya yung letter na pinapamigay nya para kay Jun. Which unfortunately crinample ni Jun at tinapon sa basurahan. Di ko alam kung sinadya nya yun gawin o ano. Pero, paano ko sasabihin sa kanya iyon?
"Um..."
Napakagat ako sa aking labi at nag-isip ng sasabihin. Malamang masasaktan sya sa oras na malaman nya. Napahinga nalang ako ng malalim at naisipan na sabihin nalang sa kanya yung totoo.
"Stephany...ano kasi...h-"
"He disregarded it, didn't he?"
Sabi nya at di naman ako makapagsalita. Maya-maya ay napahinga nalang sya ng malalim at muling ngumiti sa akin.
"I knew that he would disregard it. But, thanks for your help anyways."
Sabi nya. Bakit nya pa kailangan magpasalamat sa akin eh di ko naman sya natulungan ng maayos. Ngumiti nalang ako ng bahagya at naisipan na bumalik na sa classroom. Nagpaalam na ako sa kanya.
"Um, mauuna na ako. May klase pa ako."
Sabi ko at di naman sya umimik at nakatingin lang sa akin. Di ko tuloy maiwasan mailang sa mga tingin nya. Napangiti nalang ako ng bahagya at nagsimula ng maglakad paalis. At ng malagpasan ko sya ay nagulat ako ng maramdaman kong bigla nyang hinawakan tong aking braso. Kaagad ako napatingin sa kanya. Seryoso ang kanyang tsura habang nakatingin sa harap.
"May tanong ako sayo."
Tanong nya ng di tumitingin sa akin. Di ko alam bakit bigla akong kinabahan. Napalunok ako bago magsalita.
"Ano yun?"
"May nararamdaman ka ba para kay Jun?"
Tanong nya sabay tingin sa akin. Nanlaki naman tong mga mata ko dahil sa gulat. Di ko naman maiwasan magtaka sa kung bakit ganun ang itinanong nya.
"A-anong-"
"Oo o hindi lang sasabihin mo. Mahirap ba?"
Tanong nya muli. Di ako makapagsalita. Di ko rin alam kung bakit di ko masagot yung tanong nya. May nararamdaman ba ako para kay Jun? I don't know why I'm having a hard time answering it. Maya-maya ay napahinga sya ng malalim at binitawan na tong braso ko.
"Nevermind."
Sabi nya at ngumiti muli sa akin. Ibang-iba yung tsura nya kanina nung hinawakan nya ang aking braso. Wala na syang sinabi at naglakad na palayo. Naiwan naman ako nakatulala at di makapaniwala sa nangyari.
•·················•·················•
Lunch time na at hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung nangyari kanina. Her question lingers on my mind and it somehow bothers me. Maya-maya ay natauhan ako ng bigla akong tawagin ni Lea. Kaagad ako napatingin sa kanya.
"Bakit?"
"Kanina pa kita tinatawag. Nauna ng umalis si Jeonghan."
Sabi nya at ngayon ko lang napansin na wala na si Jeonghan sa tabi namin. Napahinga nalang ako ng malalim at napatingin sa pagkain ko na halos di ko pa nagagalaw. Muling nagsalita si Lea.
"Ok ka lang, Yuna? Bakit natutulala ka dyan?"
Tanong sa akin ni Lea. Napahinga ulit ako ng malalim.
"N-naguguluhan ako, Lea..."
"Wag ka mag-alala, dahil maski ako naguguluhan dun sa nilesson natin-"
"Hindi. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.."
Sabi ko at napatingin sa kanya hanggang sa magsalubong ang aming mata. Napakunot naman yung noo nya.
"Bakit?"
Tanong nya at napayuko naman ako ng ulo. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"Di ko alam bakit kakaiba lagi nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sya, sa tuwing kausap ko sya o kaya sa tuwing malapit sya sa akin. Simula nung araw na yun, lagi ng ganto ang nararamdaman ko. It's like, he casted a spell on me. The image of him keeps on lingering in my mind and I just can't seem to get him out of my head. Kahit anong gawin ko, naiisip at naiisip ko pa rin sya. My heart always beats fast when it comes to him. Like, my heart yearns for him and I don't know why. Sabihin mo, nababaliw na ba ako?"
Tanong ko at tinignan sya diretso sa kanyang mata. Saglit na nagkaroon ng katahimikan. At di ko akalain na masasabi ko iyon lahat. Maya-maya ay napahinga ng malalim si Lea. She leaned her body forward.
"Normal lang yan nararamdaman mo. Pero kung pano mo sabihin nararamdaman mo para sa kanya, dun palang, masasabi ko ng may nararamdaman ka para sa kanya. In short, nagugustuhan mo na sya."
Sabi nya at naramdaman ko ang pagkabilis ng tibok ng aking puso. Imposible. Nagugustuhan ko na si Jun kaya ako nagkakaganto? Muling nagsalita si Lea.
"Si Jun no?"
Tanong nya at di ko naman maiwasan magulat. Ng mapansin nya ang gulat kong tsura ay napangisi sya sa akin.
"B-bakit-"
"Di mo ako maloloko, Yuna. Nagugustuhan mo na si Jun."
Sabi nya at mas lalong ngumisi ng nakakaasar sa akin. Maybe she's right. The reason why I've been feeling like this towards him, must be because I'm starting to actually like him. Di ko akalain na dadating tong araw kung saan mapapagtanto ko na nagugustuhan ko na si Jun.
My face scrunched up. This is too awkward and embarrassing for me. Napapikit ako at tinakpan ang aking mukha. Narinig kong pinagtawanan ako ni Lea.
"Di mo na kailangan itago, Yuna. Sinasabi ko na nga ba na mahuhulog ka rin sa kanya."
Natatawa nyang sabi. I can't believe it. I like Jun. Paano na ako makakaharap sa kanya? Sa mga oras na yun naalala ko nanaman yung tanong sa akin ni Stephany kanina...
"May nararamdaman ka ba para kay Jun?"
Oo...
...
an: dapat nasa 2000+ words to pero naexit ko bigla at nawala. medyo nakakadismaya dahil di ko na maretrieve at di ko maalala mga nilagay ko :(( but anyways, i hope y'all enjoyed!
happy new year luvs!
BINABASA MO ANG
FANGIRL.
Random" your smile is all i ever need. " + svt series #3 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.