Chapter 5

14.5K 452 7
                                    

Chapter 5 of 'Ang Manyak kong Jowa'

Shamyka POV:

Sa wakas, nakarating na ako sa room namin.
Medyo malayo din ang linakad ko dahil yung parking ng motor nasa gate kaya no choice ako kundi ang maglakad.

Hindi na sa akin bago ang mga tinginan nila kasi alam kong lumaganap na ang pekeng balita tungkol sa relasyon namin ni Tyler.

Kung sabagay, pagmamay-ari nga pala nila ang University na 'to kaya ganon na lamang siya kasikat dito sa campus.
But I don't I care, wala akong panahon para sa lalaking 'yon.

Umupo na ako sa aking upuan. Wala pa yung teacher namin kaya masyadong magulo ang mga kaklase ko.
Naririnig ko rin na pinag-uusapan nila ako pero hinayaan ko na lamang ito.

Hanggang sa bigla silang nagsitahimik at bumalik sa kanya-kanya nilang pwesto.
Nacurious naman ako kaya't napalingon ako sa may pinto. Buong akala ko si Teacher na ang dumating, but I was wrong. Dahil nakita ko ang babaeng nanampal sa akin kanina na nakatayo do'n sa pintuan.

"Goodmorning Queen!", masiglang bati ng mga kaklse ko.
Hindi ako tumayo at nakipagsabayan na batiin siya. Like duh? Wala sa vocabulary ko ang respetuhin ang isang eskandalosa.

Tunog ng sandal niya ang nangibabaw sa bawat pagtapak nito sa sahig.

Maya-maya, nahinto ito sa aking harapan. Napataas naman ang aking mukha para tingnan ang itsura niya.

"Ang tindi mo rin noh? Talagang hindi ka tumayo at gumalang sa akin.", taas-kilay nitong sabi.

"Sino ka ba sa tingin mo?", mapanghamon kong bigkas.

"Masyado ka yatang makalimutin. But fine, ipapaalala ko sa'yo kung sino ako.", ngising wika niya at binuhos sa akin ang iniinom niyang ice tea.

"Ayan, baka naalala mo na.", muling sambit ng dalaga.

Tumayo naman ako at demonyong ngumiti sa kanya.

"Eto lang ba ang kaya mo? Napakalow-class mo talaga. Nagtataka tuloy ako kung bakit naging reyna ka dito, samantalang pang-alipin ang postura mo.", saad ko sa babae.

"How dare you! Ang tapang mo rin para pagsabihan ako ng ganyan! Sino ka ba sa inaakala mo ha?", galit niyang turan.

"Sino ako? Seriously? Tinatanong mo pa ba 'yan?", natatawa kong tugon.

Pero ilang saglit, dahan-dahan ko siyang inikutan habang hinahawakan ko ang buhok niya.

"I am Shamyka Dela Cruz. The GIRLFRIEND OF MR. TYLER, ang may-ari ng University na 'to. So next time, bago ka pumutak, kilalanin mo ng mabuti ang babanggain mo.", patuloy kong sabi habang tinatapik-tapik siya sa balikat.

Dahil sa kahihiyan na natamo niya, nagwalk-out ito bigla.
Ngiting tagumpay naman ang umukit sa aking labi. Kahit kailan talaga, walang nakakatalo sa akin.

Pero teka? Tama ba yung sinabi ko?
Bakit parang pinarating ko sa lahat na girlfriend nga ako ni Tyler?
Hays, bahala na nga.

Lumabas na rin ako ng room since basa ang damit ko. Kailangan kong pumunta ng locker ngayon para kumuha ng extra shirt.

Binilisan ko ang aking kilos kaya't agad akong nakapalit ng suot.
Matapos no'n, bumalik muli ako sa room.

Sa pagbalik ko, saktong nandon na mismo ang teacher sa unahan. Magalang naman akong pumasok at umupo.

"Okay class. Meron akong good news na ibabalita sa inyo. The Head decides na magkaroon kayo ng Mask-querade party. At gaganapin 'yon next week.", pag-aanunsyo ng aming guro.

Hiyawan at tilian naman ang namuo sa loob ng room. Halata sa mga boses nila ang pagka-excite at ako lang ang walang reaksyon.

Hindi kasi ako mahilig sa mga ganyan. Kahit sa mga dati kong University na pinasukan, hindi ako sumasali sa mga ganyang party o ball.

"So I hope na lahat kayo makapunta, especially you Ms.Dela Cruz.",

Nagulat bigla ako nang marinig ko ang pagtawag ni ma'am sa aking apelyido.
Kunot-noo ko siyang tinapunan ng tingin.

"Inaasahan ka ng Head na makarating. To be honest, ikaw ang dahilan kung bakit gusto niyang magkaroon ng party. He want's to meet you in person.You're so lucky Shamyka. Kaya 'wag mo ng palampasin ang araw na 'yon. ", ngiting sabi nito.

Kumabog ng mabilis ang aking puso dahil sa kabang naramdaman ko.

'Sinong head?',
'Bakit gusto niya akong ma-meet?',
'Kilala niya kaya ako?',
Mga katanungang gumugulo sa isipan ko.
Hindi ko pa kasi kilala ang head sa University na 'to dahil baguhan ako.

__End of Chapter 5__

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon