Chapter 45
Shamyka's POV:
Pinabilis ang lahat para sa kasal namin ni Steven.
At oo, ngayon na nga ito gaganapin.
Hindi kasi makampante ang binata hanggat hindi kami naikakasal.
Lagi n'yang nasa isip na baka bumalik si Tyler at agawin muli ako.
Kaya ayos na rin siguro ito para matapos na ang problema sa aming kompanya.
"Ma'am, kailangan niyo na pong isuot ang wedding gown para maayusan na namin kayo.", saad ng make-up artist ko.
Nandito pa rin ako sa kwarto habang pinagmamasdan ko ang sarili sa salamin.
Ilang oras na lang, magiging asawa na ako ni Steven.
Pero bakit ganon? Bakit parang gusto kong umurong?
Ewan ko ba at nalilito na rin ako sa nararamdaman ko."Ma'am?", bigkas muli nito.
"Sige, pakibigay na sa akin ang gown at isusuot ko na.", turan ko sa dalaga.
Hindi na nga ako nag-inarte pa at agad ko itong sinuot.
Nagsimula na rin sila na pagandahin ako dahil mamayang 2:00pm, kailangan ko ng pumunta ng simbahan.
Habang inaayusan ako, biglang nag-ring ang phone ko, simbolo na may tumatawag.
Pagtingin ko sa screen, si Steven lang pala ito."Hello? Napatawag ka?", I asked him.
"Namiss lang kita, Shamyka. Hindi na kasi ako sanay na hindi ko naririnig ang boses mo.", balik na saad nito sa kabilang linya.
"Ikaw talaga, ang dami mong alam.", tanging turan ko.
I see my fake smile on the mirror.
At hindi ganito ang totoong ngiti ko."Shamyka, masanay ka na sa akin.", he just replied.
"Sige, sasanayin ko.",
"--Pa'no, mamaya na tayo mag-usap ha? Magkikita rin naman tayo sa oras ng kasal natin.", tugon ko sa binata at mabilis kong inend ang tawag.To be honest, bigla akong nawalan ng mood.
Halo-halong emosyon ang umaapaw sa dibdib ko at hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagkakaganito.
Diba dapat, maging masaya ako?
Kasi ako mismo ang nagdecide at pumili nito."Ma'am, nandito po ang parents mo.", pahayag ng isang babae mula sa pinto.
Nang lingunin ko ito, bumungad nga sa mata ko sila papa.
Halos mangiyak-ngiyak si mama sa hindi malaman na dahilan at mahigpit akong niyakap.
"Ikakasal na ang unica hija ko at magiging ganap na may asawa ka na. Baka makalimutan mo kami n'yan.", wika ni papa habang hinahaplos ang aking ulo.
"Dad naman, kahit magka-asawa ako, hindi pa rin ako magbabago. Palagi ko pa rin kayong dadalawin sa bahay.", saad ko na tila pilit ang ngiting umukit sa labi ko.
"Dapat lang anak, dahil magtatampo ako n'yan. Pero salamat ha? Salamat sa pagsasalba mo ng kompanya natin.", wika ni mama na animo'y naappreciate niya ang ginawa ko.
All this time, ngayon ko lang na-feel ang pagiging proud nito.
"Wala po 'yon. Tungkulin ko rin na tulungan ko kayo.", pagsasabi ko na lamang.
Naiiyak na rin kasi ako at ayokong makita nila ito.
"I'm very thankful na ikaw ang naging anak namin. Kaya sana, swertehin ka kay Steven.", muling saad ni Dad.
"Maswerte naman po ako sa kanya. Niligtas niya kaya ang buhay ko, tapos ang bait niya pa.", tugon ko sa aking ama.
Sa pag-stay ko sa bahay nila, kabutihan ang pinapakita ng binata, kaya ganito na lamang ang pasasalamat ko sa Diyos.
Akalain niyo, nilayo niya ako sa masamang tao, at pinalapit niya ang loob ko sa taong may mabuting puso.
"Kung sabagay, halata ko rin na mabait siya.", huling sambit nila bago tuluyang lumabas sa room.
Pupunta na kasi sila sa simbahan, at ilang minuto na lang ay susunod na rin ako.
"Ayan Ma'am! Bongga! Ang ganda-ganda mo. Para kang reyna sa isang palasyo. At syempre si Sir Steven ang hari mo.", masiglang turan ni bakla nang matapos n'ya akong pagandahin at ayusan.
"Binobola mo pa ako eh. But anyway, thank you.", bigkas ko rito.
"You're always welcome, Ma'am. Oh siya, tatawagin ko na ang driver para ihatid ka na sa simbahan.", paalam nito at agad na kumilos.
Naghintay na muna ako sa loob dahil alam kong babalik si Beki pa alalayan ako sa paglakad.
And I guess, sampung minuto ang tinagal bago ito nakabalik.
At kasalukuyan na rin n'yang kasama ang driver na may suot na mask na itim.
"Ma'am, siya po ang mag-aassist sayo hanggang makarating ka sa simbahan.", wika ng bakla kaya tumango naman ako.
Pero yung mata ko, nanatiling nakatitig sa mata ng lalaki.
Parang pamilyar kasi ang mata niya.
"Sige na po Ma'am, kailangan niyo ng umalis para makarating na kayo sa tamang oras.", saad ulit niya, dahilan para mabaling ang atensyon ko kasal na magaganap.
And here I am, nasa loob na ng kotse at tanging driver lang ang kasama ko.
Hindi ko maiwasan na kabahan, dahil yung tingin nito, sobrang kakaiba.
"M-may problema ka ba?", pagtatanong ko.
"Wala na. Wala na akong problema dahil nasolusyonan ko na ngayon.", he said in a familiar voice.
"A-anong ibig mong sabihin?",
"Hindi ba halata? Itatakas kita. Ilalayo kita kay Steven, Shamyka.", pagtutugon niya kasabay ng pag-alis nito ng mask.
SHIT!
I was kidnapped again.
But at this point----si Tyler mismo ang dumukot sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Teen FictionTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...