Tinginan ng mga estudyante ang nasisilayan ko sa aming dalawa.Mahigpit kasing magkahawak ang kamay namin habang tinutungo ang classroom.
"Ang sweet nila, nakaka-inggit!", rinig kong bigkas ng isang babae sa gilid.
Hindi ko na lang ito pinansin, sa halip diretso na kaming pumasok sa silid.
"Mr. Tyler and Ms. Dela Cruz, why are you late?", bungad na tanong ng guro.
I guess, baguhan lang siya dahil ngayon ko palang nakita ang pagmumukha nito sa University ko.
Matandang babae ang nakatayo malapit sa blackboard at ang itsura niya ay hindi ko ma-ipinta.
"Tinatanong ko kayong dalawa. So answer me directly. Ayoko sa estudyante ang walang galang at parang pipi kung kinakausap!", sigaw muli nito sa amin.
Napaatras ng konti si Shamyka kasabay ng pagtago sa likuran ko.
Ramdam ko na medyo natakot siya dahil sa dragon na boses ng kaharap namin.
"Tsk. Lower your voice. Tinatakot mo ang jowa ko.", kalmado kong saad.
"So what? I don't even care kung girlfriend mo 'yan. Ang tinatanong ko, bakit kayo late?!", bigkas niya ulit.
"Tsk. If you have a problem, just talk to me and don't shout.", sambit ko rito at iginaya ko na mismo si Shamyka sa upuan.
"Alam kong pagmamay-ari mo University na 'to, pero matuto ka pa ring rumespeto sa akin. Kung nakakaya mong sagutin ng ganyan ang mga guro dito, pwess, ibahin mo ako sa kanila Mr. Tyler!", galit na wika nito.
"H'wag ka na lang sumagot para matapos na ang sermon niya.", bulong na saad ng dalaga.
Puta!
Parang matatapakan yata ang pagkatao ko sa araw na 'to."Fine. I'm sorry.", napilitang sabi ko sa matanda.
Nagkaroon tuloy ng ingay sa loob.
Eto kasi ang unang beses na humingi ako ng sorry sa isang guro.
Maging ako nagtataka dahil umiiba ang ugali ko dahil kay Shamyka.
Handa akong ibaba ang aking pride para sa kanya.
"Good. Mabuti ng klarado tayo.",
"--Ang pagiging late niyo ngayon ay ayos pa. Pero sa susunod na dumating kayo na ganitong oras sa first period class ko, d'yan tayo magkakasubukan.", pagbabantang sambit nito.Napailing na lang ako kasabay ng pag-upo.
Pasalamat siya, nakokontrol ni Shamyka ang kagaguhan ko.
"So let's go back to what I've said earlier. Since Friday na ngayon, kailangan niyo ng maghanda. Dahil gaganapin na ang masquerade party next week. At ayon sa Dean, only red and black ang kulay na dapat n'yong isuot. Are we clear?", litanya ng guro.
"Hays. Hindi ko alam kung makakapunta ako. I hate party.", mahinang turan ng dalagang katabi ko.
Na-intriga ako sa sinabi niya, kaya agad akong napalingon rito.
"Hindi ka aattend ng masquearade?", dismayang tanong ko.
"I don't know. Hindi ako mahilig sa dress and heels.", sagot niya sa akin.
"Tsk. Gusto mo bang magtampo ako?", bigkas ko.
"Bakit ka naman magtatampo? It just only a party, besides hindi bagay sa akin ang party na 'yon. Ganitong damit nga, lumilitaw na ang dede ko, dress pa kaya?", prangkang wika ni Shamyka.
Agad akong napalunok ng laway nang ma-imagine ko ang postura niya na ganon ang suot.
"Fuck! Ako lang dapat ang makakita n'yan!",
"Makakita ng alin Mr. Tyler?", biglang saad ng teacher.
I just realized na medyo napalakas pala ang pagkasabi ko.
"Wala.", tipid kong tugon.
"Ikaw ha, ang manyak na naman ng nasa isip mo.", pabirong sambit ni Sham.
"--But don't worry, ikaw lang ang makakakita ng papaya ko. Bonus na lang yung hawak.", hagikhik niyang litanya.
Shit!
Tila nagising ang natutulog kong alaga sa pantalon nang sabihin niya ang katagang 'yon.Junjun behave!
©Binibining_Timoji
___End of Chapter 20__
![](https://img.wattpad.com/cover/204103531-288-k172117.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Teen FictionTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...